Chapter 23: The Movie and his Audition

4 4 0
                                    

Ciarinise

Kasalukuyan akong nasa contract renewal meeting ng The Gulliver band, isa silang kpop band na nais magrelease ng kanilang album dito sa America.

"Because you have signed here in my company, I'd like to offer you another contract from another company that I own." pagsisimula ko.

Nagusap sila kasama ng manager nila gamit ang kanila wika at saka humarap sa akin at muling nagsalita hudyat para magtranslate ang kasama nilang translator.

"If we sign to this other company of yours, what will we get from it?"

"You'll be getting not only the royalties but also the guarantee that you'll be hearing good reviews about your songs and not only that, we also can tie you to a concert deal with one of our premier concert promoters. We also can get the best hotels and front acts for you." pagbibida ko sa kanila.

Tila nagandahan naman sila sa offer ko kaya naman agad din nilang hindingi ang kontrata ng Bunnion Rycle Records at pinirmahan ito bilang patunay na sangayon sila sa lahat ng napagkasunduan namin ngayon.

Nang matapos ang meeting na iyon ay dali- dali akong nagpunta sa aking opisina para naman sa payroll ng aking mga empleyado sa SunBeam Konglish Academy. Pinatawag ko ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong emplayado para mai-withdraw sa account ng academy ang sweldo ng mga emplayado ko dito. Ipinatawag ko rin ang payroll manager ng Pinkiss Records para dito.

--

Ika apat at kalahati ng ng hapon iyon nang natanggap ko ang isa sa mga inaasahan kong tawag mula sa casting agent ng pelikula kung saan nag audition si Caius at maganda ang kanilang ibinalita sa akin.

"Natanggap po si Caius bilang si Carson." saad ng lalaki sa linya. "Pumunta na lang po sila sa briefing ng movie bukas." pahabol pang sabi nito.

Ibinaba ko na ang telepono at agad kong tinawagan si Caius para ibalita sa kaniya ang magandang balita . Pinatawagan ko sina Bria at Artemis para ihanda ang mga kakailanganin nila para bukas.

Caius

Gabi na ng ako ay makarating sa condo at natagpuan  kong nakatulog na pala si Ciarinise sa kaniyang lamesa. Napansin ko ring paraming papeles ang nakakalat sa kaniyang paligid kaya naman binuhat ko na siya patungo sa aming silid para makahiga siya ng maayos saka ko pinulot lahat ng papel. Tiningnan ko ang isa at nakita kong bill pala ito para sa kuryente dito sa condo namin. Natapos kong ligpitin ang lahat at naisip ko naman silipin kung ano ang meron sa laptop niyang may ilaw pa.

Lumapit ako dito at nakita na tila may titulo ang nagawa niyang dukumento. Sinipat ko ng maigi at malinaw kong nabasa ang  nakasulat sa screen.

ANOTHER CHANCE OF A LIFETIME

Ito na kaya yung sinasabi niyang sinulat niya na malapit nang mailathala bilang libro? Kung ito nga iyon malamang ay ito rin yung dahilang kung bakit abala siya nitong mga nakaraan. Napakalaking achievement din ito para sa kaniya.

---

Kasama ang aking P.A  na si Artemis at ang aking make -up artist na si Breia ay  nagpunta ako sa artist briefing ng pelikulang Wild Things: Foursome. May ilang tao na rin ang naroon at sa tingin ko ay ako ang ika anim na dumating dito

Hindi pa man nagsisimula ang briefing ay may isang babae na ang lumapit sa akin.

"Caius Parker, DTown?" tila namamangha niyang pagsabi. "saad niq James." pagpapakilala niya sa kanyang sarili.

Nakipagkamay naman ako sa kaniya at nagkakwentuhan kami hanggang sa isang lalaki pa ang lumapit sa amin. Nagpakilala siya sa amin at nakipagkamay.

Nagsimula na ang aktibidad at tumagal rin ito ng ilang oras dahil nagscript reading na rin kami.

"Alam mo bagay na bagay sa iyo ang role ni Carson." pagpuri sa akin ng isang babaeng hindi katandaan

---

Mga ilang buwan pa ang lumipas at isang tawag ang natanggap ko na nagsasabing ako ang natanggap para gumanap sa isa sa mga karakter sa pelikula. Agad na sinimulan ang shooting para sa naturang pelikula umabot ng halos tatlong buwan ang taping para dito. Nang inilabas namin ito ay hindi rin namin inaasahang marami ang taong manunuod nito.

“I’m so proud of you, baby.” saad ni Ciarinise.

“It’s all because of you. Napaka committed mo kasi.” saad ko.

Natapos ang pelikula at naglabasan na ang lahat ng tao. Agad kaming sinalubong ng mga reporter at ininterview ako ng saglit. Nang natapos ang sandaling interview ay dumiretso kami sa after party nito at iba’t ibang klaseng tao ang narito ngunit hindi rin talaga nawala sina Danver, Elline, Erion, Jaeron, Charine at Trevion sa mga dumalo.

“Akala ko hindi na kayo makakarating.” pagsalumbong ko sa kanila. “Kanina pa namin kayo hinihintay eh ” dagdag ko pa.

“Congratulations, Cai.” pagbati sa akin ni Erion na akmang magfi-fist pump sa akin.

“Salamat, pare.” pagpapasalamat ko sa kanila.

Binati rin ako nina Danver sa tagumpay ng aking pelikula.

“Nasaan nga pala si Ciarinise?” paghahanap ni Charine sa aking asawa.

“Tinatanong pa ba iyan,Cha?” sagot naman ni Elline kay Charine.

Ramdam ko naman na nagkatinginan rin sa dilim sina Trevion at Jaeron kaya naman tinawag ko na ang isa sa mga tauhan roon para hanapin si Ciarinise.

At maya-maya pa nga ay lumabas na rin ang asawa ko mula sa kung saan.

“Guys!” malakas niyang pagbati sa kanila .

"Sa wakas, makakasama na rin namin ang super woman sa likod ni Caius.” si Danver.

“Super Woman, talaga ba?” pabirong banat naman ni Ciarinise. “Kidding aside, trabaho lang ito no, syempre I’m his manager sa field kaya kailangan ko ring magpakamanager sa kaniya.” saad pa niya.

Napakaraming anunsyo at kaganapan ang nangyari ngayong gabi kaya naman abot langit rin ang saya ko.

---

Matapos akong gumaling ay muli akong pumila para sa ilan pang mga audition ngunit hindi ako pinalad sa ilan. Isang araw sa aming condo ay may tumawag kay Ciarinise tungkol sa isang digital movie. Ang sabi ng nakausap niya ay natanggap daw ako bilang si Steven

Ayon sa taong tumawag ay ipapadala na lamang nila ang script sa amin pero kailangan daw akong magpunta sa meeting ng inihanda nila para sa mga magsisipaganap sa naturang pelikula.

Nagsimula ang taping para sa short film at nagpapalit-palit din kami ng lugar kung saan ginawa ang shooting.

Nang matapos na namin ang pagshu-shooting ay isang maliit na handaan ang ibinigay ng mga crew para sa amin.

"Alam mo, ang galing ng manager mo!"  biglang sabi ng isa sa aking mga co- actors.

"Magaling talaga iyon." pagsang-ayon ko.

"Sana makilala ko siya, no?" saad niya pang muli.

"Hayaan mo sa red carpet premiere nitong movie natin, isasama ko siya." sagot ko naman.

Bago ako umuwi ay inihatind ko muna si Breia at Artemis sa kanila mga bahay.

Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now