Chapter 15: The Special Treatment

6 6 0
                                    

Third Person

Lulan sila ng isang sa mga eroplano mula sa Dria Airways at nagdesisyon ang kanilang mga kaibigang sina Junis, Yumi, at Tomi na sunduin sila sa airport.Bumaba sila mula sa dito at sinalubong sila ng mga ito. Agad na ipinakuha ni Tomi ang mga bagahe nila sa kaniyang driver. Sandaling nagpaalam si Ciarinise sa kaniyang katrabahong si Vince at saka siya sumakay sa sasakyan. Sa biyahe naman nila patungo sa bahay nila Ciarinise ay hindi rin natigil ang kwentuhan tungkol sa concert at sa isa sa ayon sa kanila ay highlights nito na pagtatapat ni Caius ng kaniyang nararamdaman sa kanilang kaibigan. Samanatalang ang bida sa kwento ay nananahimik lamang at ninanamam ang bawat sandali ng pagkakataon dahil alam niyang sa mga susunod na araw ay babalik na naman ang lahat sa normal at magiging abala na naman siya sa lahat ng kailangan niyang gawin.

--

Noong isang araw ay nag anunsyo ng programa ang Trivial Records para daw maiba naman ang ginagalawan ng lahat ng empleyado nito. Maaga palang ay nag hahanda ang mga tagapamahala ng kumpaniya. Kaliwa't kanan ang naggagandahang dekorasyon. Mayroong mga nakadikit nakasabit at mayroon ring mga nakapatong lamang sa mga lamesa

"Girl, attend ka ng party mamaya ah." saad ni Vince, isa sa mga katabing cubicle ni Ciarinise.

"Mukhang 'di ako makakapunta mamaya kasi marami akong gagawin. You know naman 'di ba na I manage my family's business too and on top of that may mga own businesses din akong pinatatakbo." sagot ko.

Bumuntong hininga si Vince  saka muling sumilip sa cubicle ng kaniyang trabaho at nagsalita.
"Let me guess, you need to make reports, letter of agreements and exams"
Naudlot ang pa ang kung anumang sasabihin niya nang biglang pumasok ang nagre-reyna -reynahang si Chaim sa kanilang opisina. Kinatatakutan raw ito dahil ayon sa iba ay matalim daw ang dila nito at kung anu-ano raw ang lumalabas sa bibig nitong tsismis, kung totoo o hindi, walang nakakaalam.Titingnan siya ng lahat at bumalik rin naman sa trabaho.

“and besides, girl,once in a lifetime lang nangyayari ang ganito kaya umattend ka na." saad pa niyang muli.

Nang hapon ding iyon nang siya ay abala pa rin nagta-trabaho sa kaniyang opisina sa kanilang bahay ay tinawagan siya ni Caius para tanungin kung may date na ba siya sa party. Agad naman siyang sumagot na wala pa at nagprisinta agad si Caius ang maging date niya.

"May date ka na ba mamaya?"

"Wala pa." sagot niya sa tanong ni Caius.
Tila sandaling nawala ang linya at muling nagkaroon ng tao saka muling nauutal na nagsalita si Caius.

"Pwede bang ako na lang ang date mo mamaya."
"Sure." agad niya namang tugon.
Ibinaba niya ang telepono at napagpatuloy sa kung anumang trabaho ang nakmiwan niyang gawin para kanilang kumpanya sa Pilipinas.
Alas sais na nang matapos siya sa kaniyang trabaho kaya naman agad niya na ring sinimulan ang paghahanda para sa event  Namili siya ng damit na isusuot niya sa nasabing event at nagligo para makapagsimula na sa kung anuman ang gagawin niya.
---
Nagsimula nang magdatingan ang mga tao sa events place kung saan idadaos ang Trivial ball. Kaniya- kaniyang pagandahan ng damit ang lahat. Pumasok na sila ni Caius at umupo sa lamesa kung saan sila nakatalaga.

"Oh akala ko ba hindi ka pupunta?" gulat na tanong ni Vince.

"Napag isip -isip ko kasing tama ka and someone offered to be my date kaya I decided to grab the opportunity." saad ko habang tinuturo ang gawi ni Caius.

“Talaga?" gulat niyang tanong.

Maya-maya pa at dumating na ang feeling sosyal na reyna-reynahan ng buong kumpaniya kasama ang kaniyang mga alipores.

"Well, Well, Well look who we have here." tila nagmamataas niyang pa niyang saad.

Tumayo si Ciarinise sa kinauupuan niya para batiin sila.

Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now