Chapter 6: The irritation begins

8 5 0
                                    

Caius

Nang kinabukasan ding 'yon ay sinimulan na namin ang napag usapang gagawin. Nakita namin si Ciarinise at ang kaniyang mga kaibigan habang nakaupo sila sa damo at tila may ikonu-kumpara sa papel na tinitingan nila. Dala din nila ang isang diorama na malamang ay gagamitin nila para sa isang presentation para sa isang klase nila mamaya.
Sadya naming pinagulong ang bola papunta sa gawi nila. Napatingin naman ang isa sa mga kaibigan niyang si Jude.
"Kung mang gugulo kayo, pwede bang huwag muna ngayon?" pataray na saad ng kaibigan niyang si Jude.
"Oo nga. Hindi niyo ba nakikita na busy kami?" sambit naman nung Kaycee.
Nang mapansin niyang papalapit kami para kunin ang bola ay bigla siyang tumayo at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Feeling superior." singhal niya sa akin. "Kung inaakala mong makukuha mo ako sa mga playboy tactics mo then think again dahil hinding -hindi mo ako madadaan sa ganiyan." dagdag niya.
"Pare, tagilid ka." sabi ni Arion habang umiiling.
"Oh yung bola niyo." maikling sabi ng kaibigan niyang si Kaycee.
"Jude,Kays, Kat tara na sa classroom na lang tayo magtuloy ng comparing of notes." tawag niya sa mga kaibigan niya.
"Pasensya na ha.. Man hater kasi yun eh." nagmamadaling sambit ng kaibigan niyang si Kathryn.
--
Matapos iyon, ay pinagtawanan ako nina Arion dahil sa ginawa ni Ciarinise at ng mga kaibigan niya sa akin.
"Ano, abort mission na ba?" tanong ni Rence.
"Anong abort mission. Not just yet may plano pa ko. Mapapalambot ko rin yang babaeng yan." sagot ko.
"So ano ba ang plano mo?" tanong ni Arion
"Just watch and see." maikli kong sabi.
Nagpatuloy ang araw at tuloy -tuloy din ang pustahan namin. Nang tumunog ang hudyat para sa pananghalian ay agad kaming nag punta ng cafeteria para kumain pero bago iyon ay umorder muna ako ng pagkain para kay Ciarinise. Nang dumating sila sa loob ng cafeteria, oorder na sana siya ng pagkain ng akmang pinigilan siya ng tindera at iniabot ang pagkain na inorder ko para sa kaniya. Kinuha niya ito at bumulong sandali sa isa sa mga kasama niya habang akma ring may inaabot na pera doon. Naglakad siya papunta sa gawi namin at nang makarating siya sa kinaroonan ko siya ay nagsalita.
"First off, I don't eat these kinds of food. Second, I didn't tell you to buy me this kasi may pera ako and third but not the least don't just order me stuff na hindi ka nagtatanong kasi ganito ang mangyayari sa iyo sa susunod kung gagawin mo pa uli ito." saad niyang nakangisi pa habang ibinubuhos ang pagkain sa ulo ko. "Oh 'di ba, two birds in a stone ka , naaksayahan ka na ng pagkain, napahiya ka pa. Kaya don't ever mess with my food and I thing more I know what you have been doing 'di naman ako kasi tanga katulad ng ibang victims mo no, I know know that you are playing a bet on me with these two idiot friends of yours at hindi uubra sa akin yan." dagdag niya pa saka nagpunta doon sa lamesa kung nasaan ang mga kaibigan niya.
"Nagsisimula pa lang ako sa iyo. You'll eventually fall for me." pabulong kong sabi.
---
Hapon na noong nakita ko siya may bleachers ng gym habang nagbasa siya ng isang librong tungkol sa Romance.
"Look, whose here." saad kong nakangiting aso.
"Oh bakit may pangalan mo ba ang gym?" sarkastikong tanong niya.
"Ano bang ayaw mo sa aming mga lalaki? Bakit ka ba galit na galit?" tanong ko.
"For pete's sake Caius Parker, don't play dumb with me. Ano kunwari 'di mo alam?" singhal niya sa akin.
"Hindi alam ang alin?" tanong kong muli sa kaniya.
"Pare- parehas lang naman kasi kayong mga lalaki. Manloloko."saad niya habang nalalakad palayo.
"Manloloko?" nalilito kong tanong.
"Alis nga diyan!" pagpupumiglas niya.
"Teka lang sandali." saad ko.
Nang maramdaman kong muntik na siyang mahulog ay agad kong hinila ang kaniyang kamay para makabalanse siyang muli.
"Sabi naman sa iyo, mag iingat ka. Paano na lang kung sa susunod ay mahulog ka talaga tapos hindi kita masalo?" saad ko.
"Tigilan mo nga yan, Caius. Nakakaasiwang pakinggan." saad niya.
Natawa ako sa inasta niya dahil tila halatang kinikilig siya nang sabihin ko ang mga salitang iyon.

Ciarinise

Nagpunta ako sa gym para maging tahimik naman ang paligid dahil break time naman ay nagpasya akong ipagpatuloy ang pagbabasa ng libro na aking nabili ilang linggo na ang nakararaan. Binuksan ko ang ito sa pahina kung nasaan ang huling kabanatang natapos ko. Ninamanman kong mabuti ang bawat salita dito para maramadaman ko kung ano talaga ang nararamdaman ng taong may ari ng point of view na binasa ko. Nag napansin kong sa kabilang bleachers ay nakaupo pala ang lalaking nagdadala ng epidemya ng pagkaplayboy sa buong campus. Hindi ko napigilan sapuin ang aking noo nang makita kong pababa siya sa parte ng bleacher na inuupuan niya kanina at papunta siya sa aking gawi.
"Heto na naman po kami. Lord, give me strenght to deal with his ass." sabi kong tila natalo sa isang pustahan.
Hindi ko namalayang nandito na pala siya sa aking harap dahil muli kong inabala ang sarili ko sa pamamagitan ng aking libro. Sa puntong ito ay nasa haparap ko siyang hawak ang kaniyang gitara at akmang uupo sana nang asar kong sinabi na "Bawal ang playboy rito."
Tianawanan lang niya ako at may pagmamayabang niya ibinato ang tanong niya sa akin na sa sarkastikong paraan ko naman sinagot. Napaka taas ng ego niya pero siyempre hindi ako papatalo because "A CAÑAVERAL NEVER LOSES A BATTLE."
Umalis akong ipinakita ko sa kaniya ang ngiti kong tila tinatangalan siya na karapatan maghari-harian sa buong campus at tila na intindihan niya naman ang ibig kong sabihin nang makita kong mula sa nakangisi niyang ekspresiyon kanina ay nagbago ang timpla ng kaniyang mukha.
"Kung akala mo madadaan mo ako sa mga pa-presko mong galawan, nakakamali ka at tatandaan mo, isa lang ang taong magiging worst nightmare mo. Ako iyon si Ciarinise Marie Cañaveral."

Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα