Chapter 14: When a wise friend said

11 6 0
                                    

Danver

Matapos ang party ay napagpasyahan pa naming magpunta sa isang bar para doon ipagpatuloy ang aming kasiyahan. Sinubukan kong tawagan si Caius ngunit tila yata abala siya sa kung ano man ang kaniyang ginagawa.
"Hayaan mo na muna iyon. Matagal niyang kinimkim ang nararamdaman para dun sa babae." saad ni Jaeron.

"Oo nga. Taon rin ang binilang niya bago ito. Kaya nararapat lang na bigyan silang dalawa ng oras." sambit pa ni Erion.

"Marami sigurong naituro ang pagkakataon sa kaniya kasi napakalaki na ng pinagbago niya mula nung una natin siyang nakilala." si Trevion. "Naikwento niya nga sa akin na playboy pala siya noon at madalas siyang nakikipagpustahan sa mga kaibigan niya para sa puso ng mga babae pero nung nakilala niya raw 'yon parang nagbago ang ikot ng mundo niya." pagke-kwento ko.

---

Lunch time noon nang makita ko si Ciarinise na mag isa sa isang bench malapit sa isang basketball court. Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit siya ay nag iisa at sa kung ano ang estado nila ni Caius sa ngayon. Napansin ko rin kasi na parang may takot pa rin siyang maibahagi ang nakaraan niya sa lahat

"Pitong taon kami nung ex ko at nung araw ng anniversary namin, it was the same thing, pupunta ako sa condo niya at doon sana kami magse- celebrate." tila nasasaktan niyang saad .

"Huhulaan ko, nung dumating ka sa condo niya nakita mong may kahalikan siyang babae." tanong ko.

"Alam mo na pala eh .. wag ko na kayang ikwento." pabiro niyang sabi.

"Hindi, kasi halos ganiyan din ang nangyari kay Caius." balik seryoso kong saad. "The only difference was the situation, his ex, mahal na mahal niya yun but something unexpected happened." dagdag ko pa

Nang makita ko sa ekspresyon niyang tila gusto niyang malaman kung ano ang nangyari sa pagitan ni Caius at ng kaniyang ex girlfriend ay agad ko itong ibinaling sa ibang bagay.

"That is not for me to disclose sa ibang tao kaya if you want to know what happened, better na ikaw na lang yung magtanong sa kaniya."

Nang unti- unti niya nang binubuksan ang sarili niya sa akin ay pinayuhan ko lamang siya sa isang bagay.

"That day, kahit pagod ako nagdecide pa rin ako maghanda kasi nga anniversary namin eh ang hindi ko alam iba na pala yun pinaghahandaan niya. After nung araw na iyon, naging man hater na ako. Pag may lumalapit sa akin tinuturn down ko na agad o kaagad kong binabara. Sa isang iglap nagkaroon ako ng mataas na barrier laban sa lalaki." saad niya.

"Ah kaya pala ganun mo na lang i-reject at barahin si Caius noon. " pagkumpirma ko sa kaniya.

"Sinubukan niya akong kausapin but I guess 'di pa ako handa noon at hindi na yata ako magiging handa kahit kailan." saad niya.

"First love mo yun no?" tanong ko.

"Oo." simple niyang sagot.

"Ganito kasi yan, hindi matatapos yung what ifs mo kung hindi mo haharapin yun ex mo at hindi mo rin maibibigay ang sarili mo ng buo dun sa taong willing na mahalin ka ng buo kung hindi ka pa nakakamove on sa past mo." payo ko sa kaniya.

Nang isiwalat niya ang lahat nang tungkol sa problema niya ay naintindihan ko na siya sa dahilan niya kung bakit ganun na lang niya kung itrato si Caius nang paalis na ako ay muli siyang nagsalita.

"May isa pa nga akong problema..

"Yang problema mong yan. Yan ang pinaka magandang problema na naibigay sa iyo. Si Caius yan di ba?" saad ko.

"Naamoy mo talaga ano?" pabiro niyang tanong.

"Madaling masabi kung ano ang nangyayari sa dalawang tao lalo na't kitang-kita naman kung paano niyo itrato ang isa't isa." nakangiti kong saad.

Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now