Chapter 47: The Messing Around Continues

4 1 0
                                    

Ciarinise

Dalawang linggo pa lang ang nakalilipas mula ng lumapag kami dito sa Pilipinas ng makatanggap ako ng isang overseas call mula sa America.
"Ciarinise, nasaan kayo?" tanong ng babae sa linya.
"Ate Mackie? Nasa Pilipinas kami. Bakit? Anong nangyari?" tila nagulat kong tanong.
"Good. 'Wag na muna kayong uuwi rito dahil delikado." saad niya.
"Bakit, ano ba ang nangyari?" tanong ko pa.
"Nakalaya uli si Laycel at ipinasunog niya ang bakeshop ng mga kaibigan mo at yung condo ni Tyler ay nanakawan." saad niya pa.
Matapos ang pag uusap namin ay tinawagan ko sina Juni, Tomi at Tyler para kumustahin ang lagay nila. Agad namang sinagot ni Juni ang tawag at hinintay naman namin ang sagutin ni Tyler ito. Maya- maya pa ay sinagot niya na rin ang conference call.
"I just heard from ate Mackie what happened?" tanong kong nag aalala  sa mga kaibigan ko.
"Hindi rin namin alam, ang alam lang namin ay nag hire kami ng isang empleyado nang hindi kami nag papabackground check." sising-sisi na sabi ni Tomi.
"Hindi niyo naman kasalanan 'yon saka isa pa wala namang may gustong mangyari 'yon eh." saad ni Kathryn.
"Ty, nakilala na ba ang taong nasa likod ng  pagsunog ng condo mo?” tanong ko naman kay Tyler.
“Hindi pa, nirereview pa nila ang lahat ng CCTV footage na nasa loob ng building.”sagot naman sa akin ni Tyler.
“So saan ka muna  for the mean time ngayon?” tanong kong muli kay Tyler.
“Uuwi muna siguro ako sa bahay nila mom.” sagot niyang muli sa akin.
“Tomi and Yumi, bakanteng tindahan malapit doon sa condo na tinirahan namin ni Ash before nabili ko iyon for your wedding gift kaya lang napansin ko kasing ‘di niyo pa kailangan kay ‘di ko muna sinabi sa inyo.” pag aalok ko sa kanila. “Fully furnished na rin iyon at kumpleto na sa lahat ng kakailanganin niyo and yung unit kung saan kami tumira ni Ash noon sa inyo na muna for now and Tyler, sa pagkakaalam ko ay may bakante rin ang katabing unit ng unit na iyon.” saad ko pa.
“Sigurado ka ba diyan, Ciarinise?”  gulat na tanong ni Tomi sa akin.
“Yes Tomi, I am more than sure of my decision besides this is what friends do for friends kapag alam nilang nanganailangan ng tulong ang mga kaibigan nila.” Nakangiti kong sabi kay Tomi.
“Cia, you don’t have to do this.” maikling sabi naman ni Tyler.
“Ty, you know me well naman hindi ba? Alam mo namang gagawin ko pa rin ito even if I don’t have to. Saka isa pa it’s the least thing that I can do to help you guys.” turan ko sa kaniya.
"Ganito, I will make an overseas call para maisaayos ang lahat para sa inyong tatlo. I
In a bit I will chat sa group chat natin to tell you guys the other informations." sabi ko pang muli bago ko maibaba ang tawag.
--

Third Person

Nang gabi ding iyon ay agad na kinausap ni Ciarinise ang kaniyang asawa patungkol sa nangyari sa kanilang mga kaibigan.
“Tumawag daw si Mackie kanina?” tanong ni Caius sa kaniyang asawa.
“Oo. Tumawag nga siya kanina. Alalang -alala sa atin.” sagot ni Ciarinise sa kaniyang asawa.
“Ano bang nangyari?” tanong niyang muli.
“Nakatakas na naman daw sa kulungan si Laycel… sinunog ang  dalawang bakeshop nina Tomi at Yumi tapos ninakawan daw condo ni Tyler.”  tugon namang muli ni Ciarinise sa kaniyang asawa.
“Sigurado ba silang nakalaya talaga si Laycel?” nag aalinlangang tanong ni Caius sa kaniyang may bahay
“Yes, nasa news daw e at tumuwag din sina ate Timmy sa security facility kung saan nakakulong si Laycel and they confirmed na nakatakas raw siya." sagot niya sa kaniyang asawa.
"So ano nang plano mo ngayon?" tanong ni Caius sa kaniyang may bahay.
"Tapos na ang lahat, baby. Nasa maayos na silang kalagayan." nakangiti niyang saad
Ikinwento niya kay Caius ang kaniyang naging desisyon na tulungan ang mga kaibigan nila at hindi naman mapigilan nitong mapangiti dahil sa matinding paghanga nito sa  kaniyang asawa.
"Paano mo natapos lahat iyon habang narito ka?" nagtatakang tanong ni Caius sa asawa.
"Plan B. Naalala mo ba yung binili kong commercial area malapit sa condo na tinirahan natin dati? Iyon ang wedding gift ko para kay Tomi at Yumi." pauna niyang saad. "I figured na anytime mangyayari ito so I decided to buy it but since I didn't want to bypass Tomi's parents, pinabayaan ko na lang na mabigyan nila ng maliit na tindahan ang anak nila. Si Tyler naman since none of his family lives nearby or within the country, decided that he should use the condo atleast for now kasi mas safe na doon na lang siya kasi well guarded naman ang place."
Sabi nga ni dad, dapat laging may plan B,C etc na kasunod ang plan A para kapag pumalpak ang plan A may reserba ka pa?" litanya niya sa asawa.
"So may plan B ka na, what's next?" anas niya.
"Syempre may bakery na uli sina Yumi so the need to hire staff  kaya ako na rin ang bahala doon." sagot naman niya sa asawa.
"Saan ka naman kukuha ng mga magiging emplayado nila?" tanong pang muli ni Caius sa asawa.
"Of course, marami kaming emplayado pipili ako ng  ilan sa kanila at ako na ang gagastos ng lahat ng gastusin nila." saan naman ni Ciarinise.
"Eh saan naman sila titira?" napaawang ang bibig ni Caius ng marinig niya ang sinabi ng asawa.
"I am ready for that, of course. I have occupied four floors of Sanhedrin Towers for this. Alam ko kasing sooner or later ay may mangyayaring ganito." may matingkad na ngiting sabi ni Ciarinise.
Nang kinabukasan ding iyon ay ipinulong ni Ciarinise ang lahat ng kanilang emplayado mula sa bahay ng kaniyang mga magulang at ganun rin ang ginawa niya sa lahat ng nasa kanilang kumpanya.
"Good Morning po, marahil ay nagtataka po kayo kung bakit nais ko kayong ipulong. Ganito po, siguro po ay nabalitaan niyo na may nasunog pong bakery at restaurant sa America.." naputol niyang saad.
"Eh madam, ano naman pong kinalaman namin jan, e sa Amerika naman pala ang nasunog." mapagkaaruganteng tanong na isang emplayado mula sa kanilang kumpanya.
"Ang nasunog na mga establishimyento ay pag aari ng mga kaibigan ko mula sa Amerika. Dahil po alam ko na marami po tayong kamag anak na nangangailangan ng trabaho napag desisyunan ko na kunin ang inyong mga kamag anak para dito.
"E mam, paano naman po ang mga gagastusin nila at may matitirahan ho ba sila roon?" tanong pa ng isang katiwala mula sa kanilang bahay.
'Wag ho kayong mag alala sagot ko na po ang lahat ng papeles na kakailanganin nila pati ang titirahan nila. May ibibgay rin po akong weekly allowance budget sa kanila  para hindi na nila babawasan ang mga ipapadala nila sa kanilang mga pamilya. Kung may iba naman ho silang plano, sagot ko na rin po ang gastusin para doon." saad pa niya
Namangha ang lahat sa lahat ng pangako na sinabi nila sa kanila.
"Siya nga ho pala,  magpapaikot po ako ng listahan para sa mga may gustong ipasok kung maaari lamang po ay ilista na lang ang mga pagkakakilanan ng mga taong iyon rito." pahabol niyang saad.
Natapos ang pag anunsyo at ipinahatid na niya ang lahat ng emplayado mula sa kumanya sa pamamagitan ng isang shuttle bus.
Matapos ang ilang linggo mula ng ianunsyo ni Ciarinise ang kaniyang plano sa lahat ng kanilang empleyado ay nagkatipun-tipon sa unang pagkakataaon ang mga emplayadong dadalhin niya sa Amerika.
"Ganito po ang mangyayari, hahatiin po kayo. Ang kalahati pong mabibigyan ng work visa na para sa bakery at restaurant ay officially na tanggap na. Ipakililala ko na lang kayo sa mga boss niyo. Ang kalahat naman po ay sasama sa akin at magtatrabaho para sa akin. Tulad po ng sinabi ko sa mga kamag anak niyo sagot ko po ang titirhan niyo at magbibigay rin po ako ng budget para sa pag araw-araw niyong pangangailangan nang sa ganun po ay hindi niyo na babawasan ang sweldong ipapadalo ninyo sa inyong pamilya."  saad ni Ciarinse.
Maya-maya pa ay sumakay na ang lahat sa isang eroplano. Labing apat na oras ang itinagal ng kanilang biyahe mula Maynila hanggang sa Redding, ang lugar na kanilang patutunguhan.
Nang makarating sila ay agad na inihatid ang lahat sa Sanhendrin Towers.
"Since, ang iba naman sa inyo ay magkakakilala na rin, maaari na kayomg mag hati-hati sa isang unit." saad niya.
Nang ang lahat ay nakapasok na sa kani-kanilang mga unit ay umakyat na rin siya sa kaniyang penthouse at dito nag simulang magpahinga.




Prismic Radius #1: Rainbow in his Lightning [Original Version]Where stories live. Discover now