"Damn!" napasapo ako sa aking noo.

Nagtype ako ng text para sa kanya.

To: Keaton

Hi, good afternoon. Kukunin mo ba ako today?

"Sh1t!" Di-nelete ko muli ang tinype ko.

To: Keaton

Hi, kumusta? See you later?

Masyadong umaasa na magkikita kami. Napasinghap ako nang maalala ang babae na kasama nya noon sa kanyang opisina. Damn it! Nagto-two time ba sya?

Sa huli ay napagpasyahan kong magtext ng simpleng "Hi, kumusta dyan sa office?"





Iilang minuto na rin akong naka-upo sa may gutter sa harap ng aming bahay para hintayin ang pagdating ni Keaton. Though hindi ko alam kung dito ba talaga sya sa bahay nila uuwi kagaya kagabi ay umaasa pa rin ako na baka dumating siya. I just needed to see him. I just wanted to see him. I just missed him.

Nadaanan na ako ni Myreisl ng umuwi sya mula sa kanyang summer classes. Pero hindi ako nagtanong sa kanya kung saan uuwi ang kuya niya dahil malamang wala rin syang alam. Nang in-invite nya naman akong pumasok sa kanilang bahay ay umayaw ako.

Titig na titig ako sa aking lockscreen na picture naming dalawa noong pumunta ang pamilya niya sa resort at sinama niya ako. Nakasakay ako sa leeg niya habang naka-shades kaming dalawa. Naka-bikini lamang ako nun at naka-topless naman sya at board shorts. Ang breath-taking na sunset ay nasa likuran namin. Ngiting-ngiti pa kami parehas sa picture na kuha pa yata ni Myreisl o tita Mira.

Nag-vibrate ang aking cellphone at agaran kong binuksan ang dumating na mensahe. My expectation didn't fail me. Si Keaton na nga ang nag-text.

From: Keaton

Come over at my pad. 8 pm sharp.

"Damn!" napasigaw ako at agad na pumasok sa aming gate. Lakad-takbo ang ginawa ko paakyat sa aking kwarto.

"Gremaica, anong nangyayari sa'yo?" lumabas si mommy mula sa kanyang kwarto at narinig yata ang mabigat kong yabag.

"Uhm, my. Magkikita po kami ni Keaton."

"Oh sige. Uwing maaga ah? Magpahatid ka kay Keaton."

Tumango ako bago pumasok sa aking kwarto at mabilisang naligo at naghanda. Nagsuot ako ng simpleng floral dress na short-sleeved. Nilugay ko ang aking basang buhok at mabilis na lumabas sa subdivision. Hindi na ako magdadala ng sasakyan. Magpapahatid nalang siguro ako kay Keaton pabalik sa bahay.

Mabilis lamang ang biyahe ko papunta sa condo ni Keaton. Hindi kasi masyadong traffic sa daan kaya nakarating ako bago mag-alas-otso sa aking relos. Nakangiti akong dumaan sa reception bago dumiretso sa elevator.

Pinindot ko ang buzz sa kanyang pinto ng dalawang beses bago niya ako pinagbuksan. May tuwalya sa kanyang ulo at naka-boxers lamang siya. Napalunok ako at awkward na ngumiti sa kanya. "H-Hello ..."

Nilakihan niya ang pagbukas sa pinto at pumasok ako. "Uhm ..." nahirapan akong magsalita nang pumasok ako muli sa kanyang condo.

Sinara niya ang pinto at bumaling sa akin. Prente siyang umupo sa sofa at nanatili lamang akong nakatayo sa tabi ng sofa.

"Come 'ere," he tapped his lap twice at para akong mannequin na na-estatwa habang nakatingin sa kanya. Nagyelo ang aking paa sa kanyang carpeted na sahig ng kanyang sala.

"Huh?"

"I said come here," minuwestra niya muli ang kanyang hita at napalunok ako. Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya at kinagat ko ang aking ibabang labi. "Closer, Gremaica Lorraine," tumango ako ng isang beses at humakbang rin ng isang beses.

Her Unwanted Love (Salvador Series #1)Where stories live. Discover now