35: Seb

0 0 0
                                    

Ako: Hyung, galit ka ba sa'kin?

I shook my head no. Mabilis kong binura iyon at nagtipa muli.

Ako: Kita tayo, hyung. Nag-aalala ako sa walang paramdam mo, eh.

That's worse than the first attempts I've tried. Napasapo na lamang ako ng noo at pinatay ang telepono. The noise around me wasn't enough to occupy my troubled head tonight. Kahit saang banda ako tumingin, iniisip ko kung nasaan si hyung at anong ginagawa niya.

The door in front of me opened and sinuka noon ang dalawa. In Keith's hands are two buckets of beers; meanwhile, Bill has this wide smile on his face while his juice is dancing with every movement of his.

Hindi ko alam kung napansin ba nila akong tuliro pero nilapag nila ang mga inumin sa lamesa sa tapat at umalis uli si Keith. I shut my eyes for a second, heard a shuffling noise of papers and the sofa beside me shifted down a little bit.

"Penny for your thoughts?" tanong niya na natatawa.

"Gago," iling ko at umayos ng upo. Pinagmasdan ko ang kinuha nila at sa karaoke sa harapan naming wala pang kanta. "Paabot nga."

Inabot niya sa akin iyong songbook at tahimik akong naghanap ng puwedeng ilagay doon. "Saan pumunta si Keith?"

"Hindi ko pa kayang hawakan 'yung mga pagkain," aniya at kinuha ang drinks. "Bakit hindi n'yo inaya si Marco? Magtatampo 'yon."

I didn't reply. Nang makahanap ako ng kanta, kinuha ko ang remote at tinipa ang song number. Hindi pa man napu-punch 'yung kanta, sinapok na ako sa balikat ng katabi.

"Huwag 'yan, please!"

"Bakit?!"

"They'll know we're here," he gestured outside. "Namukhaan na nga tayo kaninang pagpasok, eh."

"So what? We're not allowed to sing the cover songs from our recent album?"

Hindi ko siya pinakinggan at pinindot na ang kanta. Inabot niya rin naman ang mic at nagsimula na ako kumanta. Nasa kalagitnaan na ako nang pumasok uli si Keith at nabalot kaagad ang buong kuwarto ng amoy ng pulutan.

"Sabing hintayin ako, eh!" reklamo nito sabay baba ng hawak. "Atat ka masyado, Mr. Monterubio! Tabi nga!"

Naupo siya sa gitna namin at kumuha ako ng chicharon bago nagsimula uli kumanta. "Kinakausap ko e ayaw naman sagutin mga tanong ko. So I let him be; akala mo ba makakalimutan ko na matigas ulo n'yan?"

"Mas matigas ulo ni Marco." he answered straight.

Napaismid ako pero nagpatuloy ako sa pagkanta. As soon as I'm done, inabot ko sa kanila at kumuha uli ng makakain. Taking a picture of this room we're in, I got the urge to message hyung again.

Seriously... after what happened noong nakaraan? I knew we were both upset and troubled that time; inaamin ko na napagtaasan ko siya ng boses dahil... dahil nasaktan ako sa narinig. I thought they were just fighting about his behavior sa office noon!

Of course I'd be surprised to hear na may sinabi sa kaniya si Norwyn tungkol sa amin! Dagdag pa na gulantang at takot siyang nakaharap sa akin? How am I supposed to act calm when Norwyn did the same thing to me hours before that happened?

I try to remove it from my mind, deep inside my subconscious pero... binabagabag pa rin ako, eh. Kahit anong deny ko sa sarili na sa lahat ng puwedeng unang makapansin sa amin, of course, siya iyon. Hanggang ngayon... nangangati pa rin ang kamao ko na suntukin siya, kung hindi lang may nang-epal noon, eh.

"Seb Johann!" sigaw ni Keith sa mic.

Jumping from my seat, nahila ako paalis sa iniisip at galit na tinuonan sila ng tingin. "What the hell was that for?!"

Even After Everything (After #1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now