03: Seb

4 0 0
                                    

"Norwyn, wait!"

Hininaan ko pa rin ang boses nang sumigaw. But that was enough to catch the attention of the other people we've met and nag-sorry ako kaagad. "Puwede usap tayo saglit?"

"Ihahatid ko muna sila. Later, okay?" he turns his back again but I grabbed him and gave him a puppy look.

"Please?"

Norwyn exhaled heavily and nagpaalam muna siya sa mga ihahatid. Buti na lang babalik muna sila sa office para kuhanin ang gamit. "Susunod din ako, mga sir." then he bowed.

Once the elevator closed, he faced me again. Medyo may inis sa malaki nitong mata pero namumutangi ang saya dahil sa nangyari ngayon. "What is it?"

I opened my mouth, only to release air. Pinagsalikop ko ang parehong kamay at lumingon sa likuran. Hyung is still in the room with the two and I won't return if I don't bring good news.

"Napapayag ko si... hyung... na in exchange for him staying... tutulungan ko siya na kumbinsihin ka na hindi niya tatanggapin 'yung ibibigay nila na gamit."

"That kid..." pagod nitong sagot. "Seb, I don't know what's wrong with your brother and he doesn't want to receive a free gift! At saka, hiningi na nila na iyon ang gamitin dahil sponsor sila ng Kawai."

"I know that..." pero kasi...

Remembering his crying face earlier was enough to melt my heart. Sanay na ako na mas bato pa siya sa bato. Sanay na ako na minsan hindi mo siya makakausap nang maayos. But Norwyn and I knew na... parang nag-iba siya after ng isang taon...

"Noong may nagregalo na fan sa kaniya ng bagong guitar strap, tinanggap niya nang buo."

"I know. Kaya nga... hindi ko alam bakit ayaw niya ito tanggapin..."

But my head is still going through my memories. I remember those times na gutom na gutom kami after a show at walang budget 'yung organizer kaya ayaw namin humingi dahil mababawasan ang bayad namin. Marco, hyung, was hesitant to receive those meals na galing sa audience. Pero tinanggap niya pa rin iyon. Even the time where nanalo siya sa isang raffle dahil nilagay ni Bill ang name niya sa roleta, tinanggap niya pa rin 'yung rice cooker na premyo.

The Marco we know... always accepts everything. Anything. Hindi ito magsasalita o magrereklamo, basta tatanggapin niya lang lahat. I had an idea na... it was because of how he was raised. Kaysa sa aming tatlo, siya ang pinaka may kaya na background.

And to overhear them earlier na ayaw niyang...

"What do you wanna say?"

"Let's still give him the keyboard and tell them na he didn't like how it sounds."

Kumulubot ang noo niya sa akin. "What? Gusto mo magsinungaling tayo?"

I sighed. "Pero kasi... Hindi ba napag-usapan natin kanina na with those free instruments, dapat magandang songs ang ilabas namin? Let's just say na hindi gusto ni hyung iyong pagtugtog nito at baka maapektuhan ang buong song kapag recording na."

"Seb, what you're asking for..." tinapik nito ang balikat ko pero pinisil ko ang parehong braso niya.

"Please? Malaki ang takot ko na hindi talaga siya babalik. We know hyung a lot... He meant everything he says, will say, and wouldn't say. Please? Kung walang gana 'yung isa sa amin, pangit ang tugtog namin."

See? See how I was the only one willing to understand him? I'm not calling out the two pero parang ganoon na rin... Alam naman nila na kung kulang ang isa, hindi na maganda ang kabuuan ng banda.

"Fine." I jumped in joy. "I'll think about it!"

Halos matumba kaming dalawa sa saya na naramdaman. Tumakbo na ako pabalik sa practice room at natagpuan siya na nag-aayos ng mga gamit. Sobrang laki ng ngiti sa labi ko dahil bukod sa nakuha ko ang binabalak, masaya rin ako na makitang tumugtog siyang muli kanina.

Even After Everything (After #1) (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora