Chapter 12

73 3 0
                                    

TOKYO

"Teka lang kung makakatok akala mo walang bukas." Kanina pa ako nakatambay sa apartment namin ni Ashiro habang busy siya magdirect ng play niya sa may event area sa campus.

Kaya imposible na siya 'to pero baka siya rin kasi nandito sa key holder and susi niya ng pinto. "Ano ba yan Ashiro bakit ba iniiwan mo susi m–" Halos mapanganga ako nang makitang si Kyoto ang bumungad sa akin.

"Ano ba 'yan ganyan ka ba bumati ng mga guests mo?" Inirapan niya ako at saka pumasok, napatitig talaga ako sakanya dahil ang gaga nakachanel buong katawan. Nang mapansin niyang doon ako nakafocus ay mas lalo pa ito nag-pose na akala mo minomodel niya ang mga damit nito. "Hindi mo ba alam na from Japan ay dumaan muna ako ng Nigeria para makahingi ng pera sa banko don using my foreign passport?" Kinurot ko siya sa sinabi niya kaya napairit ito sa sakit.

"Kyoto ilang beses ka na ba pinagbawalan ni mama gawin yun?!" Umirap ito at kinalma ako.

"Ano ka ba nagpaalam naman ako, sabi niya bahala ako basta dumirecho daw ako sayo at bigyan ka ng pera, binigyan na kita actually hindi mo pa ata tinitignan." Explain niya habang hinahawakan ang mga figurines ni Ashiro at nagiikot sa sala.

Agad-agad ko namang binuksan ang online bank ko at nagulat ako sa laman, "Kyoto!" Halos manginig ako sa nakita kong presyo at gusto ko siya sabunutan pero ang gaga nagtitimpla na ng kape niya.

"Nga pala, asan si Moon? Di pa nagbabayad ng utang ang isang 'yon." Napaupo ako sa stress at napahilot nalang sa sentido. "Oh come on, Tokyo. Hindi naman maaapektuhan yung laki ng hiningi ko sa Nigeria and I didn't break any rule."

Sinamaan ko siya ng tingin, "Pero it's not right, ibabalik lang rin ng embassy ng Japan yung perang 'yon."

"Exactly! So what's your problem? Come on little sis, it's just a penny for them, makabawi man lang sila sa mga Filipino."

"Girl, pure japanese ka at anong kinalaman ng mga Filipino diyan sa mga schemes mo ha." Naiistress ako sa kapatid kong 'to, sobra. Noon pa man ay nakikitaan na namin ng angking talento itong si Kyoto when it comes to business and strategies pero her schemes feels so illegal.

"Oh come on, just use that for your utilities here but in fairness parang hindi ka naghihirap, sino ba ang karoomie mo?" Napalunok ako, hindi ko alam if sasabihin ko bang si Ashiro Feizi lang naman ang kasama ko dito sa apartment o mananahimik na lang o kaya patumbahin siya para hindi na magpumilit.

"Asan pala si ate Tako?" Umismid siya.

"Asa Japan malamang, busy magpaganda, model na si ate eh." Di na ako nagulat, nahagip ko kasi mukha ni Tako sa isang japanese magazine na focused on beauty products. Pagkakita ko non, agad ko rin binalik at umalis na sa store.

"Hindi ka ba magiistay dito ng matagal?" Umiling ito.

"Gusto ko lang talaga makita if okay ka tas babalik akong Nig–" Hahampas ko na sana sakanya yung nahablot kong figurine ni Ashiro na si Naruto na pagkalaki kaya natuop ang bunganga niya. "Babalik akong Japan, may ramen shop na ako don. Mayaman na tayo kaya umuwi ka na." Kinwelyuhan ako ng pabiro ni Kyoto kaya natawa ako.

"Tanga, ayoko sa Japan, nakakasuklam don, puro pa multo."

"Manahimik ka gaga, sapakin kita pag nakakita ako ng multo don, magiistay nalang talaga ako sa Nigeria."

"Manahimik ka nga tanga, tigilan mo na nga 'yon ang gulang mo namang sa pera."

"Kailangan talaga aba, sa hirap ng buhay ngayon kailangan talaga maging mas madiskarte ka."

"Eh mga diskarte mo puno ng katangahan, paano kung interviewhin ka bigla don at tanungin paano makakaligtas ng buhay mo yung perang hiningi mo sa banko nila?"

"Come on, Tokyo. What do you think of your older sister, of course I am prepared." Linabas niya ang health card niya and some pictures na mukhang may sakit siya kaya mas napahilamos ako ng mukha. She forged a fake disability identification card and photoshopped herself as if she's sick.

Okay agad ko hinablot ang cellphone ko at tinipa ang number ng pulis, nanlaki ang mata niya at kinuha sakin ang cellphone.

"Huy gago ka makukulong ako, kay ganda kong tao tas ipakukulong mo ako."

"Naiistress kasi ako sayo, ito bubungad mo sa akin, Kyoto. Hindi ko na nga maitanong kung paano mo ako nahanap e pero malamang dahil technology freak ka, natrack mo ako. Okay isusumbong na kita sa pulis talaga." Sinimangutan na niya ako at hindi na pinansin, linagok na lang niya ang tinimpla niyang kape, gamit pa ang cup ni Ashiro, kapal talaga ng mukha ng babaeng 'to.

"Alam kong hindi ka dito matutulog, saang hotel ka nanaman nakabook ng libre?" Ngumisi nanaman siya, si Kyoto ay pasado na maging intelligence staff ng NBI o kahit NASA dahil sa sobrang galing niya manghack. Pwede nga rin siya gumawa ng virus eh, nakakatakot siya kaya gusto ko na talaga ipakulong ito.

"Sa Shangrila, sama ka?" Gusto ko man ay umiling ako, mamaya gawin nanaman niyang Malou Wang ang pangalan ko sa kada check-in, punyeta siya. "Chillax, busy ka ba today? Alam ko wala kang pasok ngayon kaya ngayon kita ginulo."

"Ilang days ka na ba sa Pinas?"

"Three days pa lang, tumambay muna ako sa mga ramen shops dito and I must say napaka authentic ng ramen shop natin sa Japan."

"Ano ba ang pangalan ng shop mo?" Ngumiti siya ng malaki.

"Kyotongina"

"Putangina mo."

"Kyoto Pair, ito hindi mabiro."

Napakunot ang noo ko, "Anong Kyoto Pair?" Hindi ko maseryoso ang gagong 'to.

"Hindi lang Ramen binebenta ko, pati pares. Kaya pai–" Hinampas ko na sakanya yung nakuha kong unan at natawa ito. Pero in the end, pinakita niya sa akin ang picture at andoon si mama at Tako na nakain, totoong Kyoto Pair ang pangalan. Nag tunong vulcanizing shop ang business ni gago, pero uto uto naman ang mga hapon kaya bahala na.

Muntik pa sana kami magsabunutan nang biglang may pumasok, isang babaeng nagkukusot ng mata, habang nakasabit sa pantalon niya ang susi ng Rolls Royce niya, nakawhite na fitted sando ito at nakasampay sa balikat niya ang hinubad na tshirt.

"Gago si Ashiro Feizi?" Parang hindi makapaniwala na sambit ni Kyoto kasi kinurot pa niya pisngi niya. "Gago totoo?"

Napatingin si Ashiro sa amin at binati nalang niya ang kapatid ko. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil tiyak na hindi tatantanan ni Kyoto si Ashiro dahil katulad niya ay may business din si Ashiro.

Tinignan naman ako ni Ashiro kaya binalingan ko na lang rin siya ng awkward na tingin at humingi ng tawad mentally.

"Si Kyoto, kakambal ko." Pakilala ko sakanya, nagulat naman si Ashiro.

Pero wala na ako nadagdag sa sinabi ko dahil si Kyoto na ang nagpakilala sa sarili niya at pinaupo na si Ashiro sa tabi niya. Kawawa naman yung isa, mukhang pagod. Napasuot tuloy siya ng tshirt uli.

Jusko Kyoto.

Ashiro Feizi's RoommateWhere stories live. Discover now