Chapter 3

89 8 17
                                    

TOKYO

"Tokyo, are you busy?" Napatingin ako kay Ashiro dahil nakasandal ito sa pintuan ko.

May pasok na kami bukas kaya nag-advance reading lang ako about sa mga magiging topic bukas at medyo nakakapag-adjust na rin ako sa dorm slash condo namin ni Ashiro.

These past few days, palagi na lang rin nag-aaya si Ashiro lumabas sa tuwing wala akong trabaho. Nakahanap na ako ng trabaho within the week at alam niyo ba kung saan?

"You don't have work, so you're not busy." Pang-mamando pa ng boss ko. Oh yes, you're right. Sakanya lang rin ako nagtratrabaho dahil ang bansot na 'to ay napaka-business minded, no wonder kaya bilyonaryo siya.

May computer shop malapit sa tabi ng eskwelahan namin, malinis ito at para siyang computer shop sa Japan kaya masaya ako dahil sabi niya ako raw ang mag-manage non dahil ilan pa lang raw ang empleyado niya.

Ang balak niya ay puro estudyante na gusto mag part-time ang kukuhain niyang ahente para naman raw makatulong siya sa mga baon nila. Bilib ako kay bansot, she has all the money and all of the consideration sa mga nagiging tao niya.

Kaya maski ako, mamomotivate na lang talaga ako pagsilbihan ang isang 'to eh, napakabuti ng puso ngunit.. "How long are you going to space out? Come with me and let's eat outside." Wala siyang pasensya pagdating sakin.

Napabuntong hininga ako at ilinapag sa kama ang hawak kong libro. "Ito na po, madam. Magbibihis lang." Sabi ko na ikinatango niya lang.

"Be quick, I am hungry." dagdag niya pa at saka umalis na sa may pintuan at sinara ito. Napailing na lang ako.

Tinatamad siya palagi magluto pero kapag ipagluluto ko siya ayaw niya, gusto niya raw sa labas, marami raw pagpipilian. Ayaw rin niya daw ako mapagod baka magkasakit ako at magsara pa ang computer shop niya. Diba ang angas mag-isip?

Kumuha lang ako ng hoodie at slides dahil malamang ay lalakad lang kami nito sa kainan na paborito niya. Palagi niya rin ako linilibre at sa tuwing tatanggi ako, tataliman niya lang ako tingin.

Hindi ko rin alam kung close na ba kami sa lagay na 'to o ano eh. Hirap ispelingin ng intsik na 'to, ayaw ko rin siya galitin kaya palagi ko na lang rin pinagbibigyan.

"Tagal." reklamo niya kaya napabusangot ako.

Napatingin ako sa suot niya, ang hilig niya mag-bra, I mean, crop top ata 'to na kinulang naman ng sobra sa tela? Nakikita tuloy yung namumutok niyang abs, ohh la la.

Nakasuot siya ng croptop na red tas naka-sweat pants siyang black tas nakaslides rin na adidas, of course original 'yang kanya at ang sakin ay galing pang divisoria.

"Saan tayo kakain? Ramen house ni Naruto?" Sinamaan niya ako ng tingin kaya natawa ako.

"Shut up, don't be mean to my favorite noodle shop." Parang batang reklamo niya kaya mas lalo akong natawa. She has this side kaya masaya ako kasi kahit papaano nakahanap ako ng hobby.

Ang mang-inis sa bansot.

Napangiwi ako dahil nakita ko na lang ang sarili kong nakasakay sa taxi. "Hoy saan tayo pupunta at nag-taxi ka pa?" Bulong ko rito pero nakasandal lang siya sa pinto.

Ashiro Feizi's RoommateWhere stories live. Discover now