Chapter 9

91 6 10
                                    


TOKYO

Nagsisimula na kaming magsipagsakay sa mga rides dito sa Feizan pero kanina ko pa napapansin na kanina pa rin may kausap si Ashiro sa airpods niya.

It's nothing serious at all, lalo na kung hindi ko naman maintindihan ang pag-iinstik niya. "I said no Tania."

Hindi ko na pinansin ang kanina pa niyang pakikipagtalo sa kausap niyang may pangalang Tania. Minsan nag-eenglish siya kaya medyo alam ko na kung bakit siya badtrip.

Gusto kasi ni Tania sumama samin lalo na nung nalaman niyang may kasamang nga kaibigan si Ashiro at si Tania pala 'yong nabanggit niyang pinsan.

Oo promise hindi ako nakikinig sa usapan nila kasi hindi ko maintindihan ang pagiinstik niya at hindi ko rin inaantay na mag-english siya para maki-chismis.

"Ashiro!" Nagulat kami sa matinis na sigaw nung kung sino mang kumakaway sakanya mula sa malayo at nakalapat ang cellphone niya sa tenga.

Yun ba yung Tania? Ang ganda naman.

Napangiti ako nung napangiti yung babae tas napabaling ako saglit kay Ashiro na ang sama na ng tingin sakin habang hawak pa rin niya yung telepono niya.

Pero naputol ang pagtitinginan namin nang biglang yumakap sakanya yung babae, ang hinhin niya at medyo mas matangkad siya sa akin, natawa ako dahil narealize ko na grabe ang tangkad niya kay Ashiro.

"Tss. Tania, I told you not to come."

"You have no choice, couz! I am here already, I tracked you down." Banggit nito habang may kinakalikot sa may necklace ni Ashiro. Nagulat ako dahil may sobrang liit siyang kinuha ron.

"You literally put a tracker on me, Tania?" Di makapaniwalang tanong nito sa pinsan niya na nakangiti pa rin at nakayakap kay Ashiro.

"Of course! So that if you need me, I know where to go." Masiglang sabi ni Tania kaya pinalagpas ni Ashiro ang paglagay nito ng wiretrap sa necklace niya.

"Alright, I'll let you do that." Mabilis na tinapik ni Ashiro yung kamay ni Tania na may relo pero naningkit ang mga mata ko nang mapansin na may umiilaw sa may relo ni Tania.

Umiwas na ako ng tingin nang mapansin ako nito kaya bigla na lang tumikhim si Ashiro. "Tania, this is Tokyo. Tokyo this is Tania, my annoying cousin." Tumango ako at nakipag-kamay kay Tania na titig na titig sakin at hindi ko alam pero parang ngumisi pa ito kay Ashiro.

"Shut it." Tinaas ni Tania ang mga kamay niya at natatawa.

"Tokyo where are your other friends?" Tanong ni Tania nang mabanggit ni Ashiro na may tatlo pa kaming kasama ngunit wala na ang mga ito.

"Sa palagay ko nasa rides na ang mga iy–" Naputol ang pagsasalita ko nang marinig ko ang pamilyar na sigaw.

"Mama! Boo! Mama! Mama! Sasha kasalanan mo 'to pag ako namatay di– AHHHHHHH!" Napatingin kami sa Shipwreck at halos pumutok yung tawa ko nang makita ko si Moon at Sasha sa dulo habang nagalaw yung barko. Ang ingay ng bunganga ni Moon, sumasapaw yung sigaw niya sa sigaw ng mga kasama nila.

"Ah, ayon. Yung isa asan?" Inikot ko yung paningi ko at napanganga ako sa nakita ko. "Tangina Nikki ano ka si spider man?!" Sigaw ko nung makita ko si Nikki na nasa activity land ng mountain climbing.

Ashiro Feizi's RoommateWo Geschichten leben. Entdecke jetzt