Chapter 8

86 5 1
                                    

TOKYO

"Okay, tagalog to english. Ulam version." Tumango yung tatlo, si Ashiro naman ay nakatingin lang.

"Itlog na pula," Banggit ko at si Sasha ang una.

"Red egg?" Tumawa ng malakas si Moon at saka hinampas ng unan na may pulbo si Sasha.

"Salted-egg." Sabi ni Moon kaya sinimangutan siya ni Sasha na namumuti na ang buhok dahil sa pulbo.

"Tortang talong."

Napakagat sa daliri si Nikki habang nag-iisip, binilangan siya ni Moon kaya sinamaan niya 'to ng tingin.

"Fried egg?"

"Nope." Hinampas siya ni Sasha ng unan kaya tuwang-tuwa na yung isa dahil dalawa na silang namumuti.

Aliw na aliw na si Ashiro at gusto din sana sumali kaso hindi siya pinagbigyan ng tatlo dahil ayaw raw nila masuspend kapag nahampas nila si Ashiro out of excitement.

At isa pa, may allergy ang gaga sa pulbo kaya malayo siya sa amin, kawawang bata. "Egg plant omelette." Proud na sagot ni Moon, nagtataka naman sila Nikki bakit parang ang galing ni Moon dito. "Wag niyo pinagdududahan itong tiyan ko lalo na kapag gutom." Ngisi pa niya kaya napairap na lang sila Nikki.

"Okay next. Pinakbet."

Hindi na sumagot si Sasha at pinalo na lang sa mukha niya ang unan, nginudngod na rin ni Nikki ang sarili niya.

Si Moon naman ay napakamot sa ulo, "Vegetable. . on shuffle?" Pumutok yung tawa ni Nikki at pinagpapalo si Moon.

"Ano ba yan, Tokyo. Ayaw ko na mag-laro." Reklamo ni Sasha, "Day-off natin pero wala tayo magawa. Nakapag-review na rin ako ng mga lectures namin, nabobored na ako pero ayaw ko naman namnamin 'tong pulbo, pwe!" Reklamo niya pa.

"Clean yourselves up and let's go to my park then." Ngumiti si Ashiro, pero ano raw?

"Park?" Tanong ko, tumango siya.

"Oo, the Feizan Kingdom?"

"HUH?!" Nagulat kaming dalawa sa sigaw nung tatlo.

"Tara na gusto ko na makasakay sa log ride don! Magdadala kami ng mga damit Shiro ha!" Paalam ni Nikki at nagsipagunahan na sila sa pinto at mukhang na-excite.

Feizan Kingdom, ang tumalo sa Enchanted Kingdom dahil mas mura ang entrance pero mas maganda pa sa rides don at mas malawak. At pwede rin mag-dala ng food don at wag ka pa, may sarili silang shuttle, booking service para sa mga malalayo ang uuwian.

"Ikaw pala may-ari non?" Tumango ito. Grabe ka-halimaw mag-business ang babaeng 'to.

"Bring some clothes, since wala tayong pasok at pinauupgrade yung system sa shop, 'don na tayo mag-overnight para rin mag-enjoy kayong apat." Iniwan niya na ako at pumasok sa kwarto niya.

Natulala lang ako. Grabe, parang normal lang sakanya 'tong pag-gala? Samin kasi hindi, kaya na-eexcite ako. Sana makasama ko sila ate don pati si mama, naku baka hindi na sila umuwi.

Papasok na sana ako para mag-impake na rin nang lumabas uli si Ashiro. "And oh, I think I have one wish for today. . so get ready." Ngumisi siya at tuluyan nang pumasok.

Ashiro Feizi's RoommateWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu