Chapter 16

43 4 0
                                    

TOKYO

Kanina ko pa napapansin na may sumusunod sa akin, nagising kasi ako kanina ng wala si Ashiro kaya naisipan kong bumili ng pagkain. Pero dahil disoras na ng gabi, napalayo ako sa apartment kasi sa may labasan na ang mga bukas na karindirya.

Nung pabalik na ako, napansin ko na may sumusunod sakin at nakaramdam ako ng presensya sa gilid ko, dalawa sila. Kailangan ko na maglakad ng mabilis, nung natunogan nila na alam ko ang pakay nila bigla silang kumaripas ng takbo kaya tumakbo rin ako.

Hindi ako makasigaw kasi kakagising ko lang, wala ako sa mood para sumigaw pa. At tiyaka hindi ito ang first time na may nagtangkang humuli sakin. Alam ko na ang lugar at mga eskinita dito dahil madalas kong inoobserbahan ang mga daanan.

Nang maunahan ko sila ay agad ako umakyat sa truck at sumampa papuntang rooftop ng bakery. Nagtago ako nung paparatig na sila, hindi nila ako napansin at dumirecho sa pagtakbo. Malamang ay hinahanap na nila ako.

Napabuntong hininga ako, lamog lamog na sigurado 'tong binili kong pagkain. Gusto ko sana silang bugbugin lahat kaso mukang mga armado, mahirap na. Wala pa man din akong dala na kahit na ano ngayon.

"Lintik, nakaiwas!" Yumuko ako agad nang marinig ko silang bumabalik, mukhang galit na galit silang hindi nila ako nahuli. "Patay tayo kay bossing ngayon,"

"Bakit di natin siya sundan sa eskwelahan nila?"

Tinignan siya nung isang lalaki at sinapok sa ulo, "Edi nahuli naman tayo? Hindi ka nag-iisip, bobo!" Tinadyakan niya ito sa paa at sumakay na sa truck na sinampahan ko kanina. Hinintay ko sila makaalis bago ako umupo uli.

"Putangina." Mangiyak-ngiyak kong tinignan ang kataasan nung rooftop ng bakery dito. Hindi naman ako pwede bumaba sa loob dahil trespassing na nga ito eh, mapagkakamalan pakong magnanakaw.

Napakagat ako sa labi ko. Wala akong choice kundi tumalon. Tinignan ko ang bababaan ko, muka namang mabubuhay ako kapag sa paa ako lumapag. Pero kung sa ulo, goodbye everyone at tapos na ang kwentong ito.

Nang tatalon na ako ay nagulat ako dahil biglang dumaan sila Ashiro, naglalakad sila ni Talia ng pagewang gewang, mukhang naglasing ang mga tanga kaya sigurado hindi sila pinagdrive. Ugali naman nila na bumaba ng taxi few blocks away from the school kaya nakadaan pa sila dito.

Naguusap pa sila ng instik kaya sinitsitan ko nga, "Ta ma de!" Nagulat si Ashiro habang parang wala na sa ulirat si Talia, napatingin ito bigla sa akin at napahawak sa bibig.

"Ashiro I think I'm crazy, I'm seeing Tokyo up the building."

"Are you stupid, Tokyo's sle-" Nung napatingin siya sakin, kinawayan ko sila pero ang mga tanga biglang iniwasan ako. "Let's go, Tokyo has a weird doppelganger."

"True,"

"ASHIRO AKO 'TO! IBABA NIYO KO DITO!" Napasigaw ako sa inis dahil may balak pa silang umalis, hindi ko mapapatawad sarili ko kapag inumaga ako dito at hindi umabot sa exams ko bukas.

Bumalik sila at nagsampalan pa bago ako uli balingan ng tingin, "Fuck it's really her,"

"I honestly sobered up, why the heck are you there Tokyo?" Sinamaan ko na sila ng tingin dahil ang tagal pa nila gumawa ng paraan para maibaba ako dito.

Nagtulakan pa sila at mukang nagmurahan in chinese, naghanap sila ng matutungtogan ko at nakahanap sila ng hagdanan, hinawakan ng mga lasing ang baba nito dahil kanina ko pa sila minumura in japanese. Pag talaga nahulog ako dito at natigok, last chapter na 'to.

Nakahinga ako ng maluwag nang makababa na ako, sinamaan ko sila ng tingin at disappointed kong tinignan ang pagkain ko. Ang kalat na ng sisig, hindi na siya appetizing.

"Tokyo why were you there?" Nakauwi na kaming tatlo pero si Talia pagkahiga sa higaan sa may sala ay nakatulog na agad, lasing na lasing ang mga 'to.

Pero si Ashiro ay bumalik sa ulirat nung nagkape na siya, natulala lang ito ng saglit bago ako tanungin uli, hindi ko kasi siya pinapansin at kumakain pa rin nung pagkain ko dahil bawal magsayang ng pagkain.

"Nagising kasi ako ng nagugutom, wala ka naman at hindi ko trip yung mga natirang ulam at ayaw ko rin magluto kaya naisipan kong maghanap ng sisig sa labasan kaso nung pabalik na ako naramdaman ko nalang na may nagmamasid sakin at nasunod hanggang sa hinabol nila ako pero agad akong humanap ng paraan para hindi nila ako mahanap and you saw me there."

"So your brightest idea is to go up on a rooftop? How the heck did you even got there?" She looked pissed.

"Tinungtongan ko truck nila kaso nung umalis na sila, binalak ko na lang tumalon." Bigla siyang napatitig sakin na akala mo ako ang pinaka baliw na nakilala niya. "Tusokin ko mata mo diyan, wala ako sa mood gutom ako." Bigla siya natameme sa sinabi ko, pero wala akong magagawa, mainit talaga ulo ko. Ako na nga yung muntik mahagip tas sakin pa siya nagagalit, linigtas ko na nga sarili ko.

"Sorry, I was just worried. Paano kung hindi kami dumaan don? What will happen to you, it looks like hindi mo rin dala ang phone mo kanina." She sounded apologetic and frustrated at the same time kaya bumuntong hininga ako at tumango na lang, "Why do you think is their agenda?"

I frowned, "It's either because they want to sell me, or about being the billionaire's roomie, or it's because of one of my twins." I just hope it is not because of my sisters dahil makakatikim na talaga sila sakin kapag hinahabol nanaman ako ng mga tao ng mga business tycoons na pinaglaruan nila.

"Wait about your twins?" She looked confused.

"Long story," Tinapon ko na yung pinagkainan kong disposable at saka naghugas ng kamay, kinumutan ko na rin si Talia. Linock ko na ang pintuan namin at ang bintana, "Matulog ka na Ashiro." Tumango lang ito pero nahagip ko ang galit sa mga mata niya.

Pumasok na ako agad sa kwarto. I also hope na hindi dahil sakanya, we've been together for months at wala namang nangyari na kahit na ano, ngayon lang.

Pero pwede ring dahil kay Kyoto, she visited me one time and I'm very sure she's already in Japan. I have to call her after our exams tomorrow dahil hindi ko palalagpasin ang kamuntikan kong mapeligro kanina.

Pero napatulala ako, what if it's because of Ashiro's identity? Does it mean I am really in danger? What if dahil doon, bigla niya na lang ako iwasan?

Or wost baka bigla na lang niya ako palipatin ng dorm. I clutched my chest at the sudden thought that made me sad.

"Ayaw ko," I bit my lip, "Ayaw ko mahiwalay sakanya."

Ashiro Feizi's RoommateМесто, где живут истории. Откройте их для себя