Chapter 2

161 11 13
                                    

TOKYO

"Ashiro nakauwi na ako!" Katok ko sa dorm namin only to see her instructing some men na may pinapasok na kung ano sa kwarto ko kaya agad akong nagpanic pero nung tinapunan ako ng tingin ni Ashiro na kanina ay nakakunot ang noo, hindi ko alam pero biglang umaliwalas yung mukha niya at ngumiti ng tipid.

"You're back." Tumango ako, bigla niya nginuso kwarto ko kaya agad ako pumasok sa loob at napanganga na lang ako sa ginawa ng instik na 'to. "I kind of.. personalized your room according to your preference.. is it too much?" Bigla siyang umiwas ng tingin pero ako nanatili lang na nakanganga.

Too much? Yes. But she's thoughtful na ginawa niya pa 'to, ang kaso, hindi ko alam papaano ko mababayaran. "A-Ano, thank you so much! C-Can I pay you after ko maghanap ng work, hulugan sana." Nahihiyang sabi ko pero umiling lang siya at may inabot sa mga lalaki na nagsipagalisan na.

"It's my welcoming gift."

"H-Huh?" Welcoming gift? PERSONAL COMPUTER? Nakakahiya. Edi ako dapat may ibigay rin. Agad akong napasimangot, bilyonaryo siya, imposibleng di niya mabili lahat ng gusto niya.

Agad akong tumingin sa hawak kong monay. Napakagat ako sa labi ko at binigay ito sakanya. "I-Ito, hot monay. P-Paborito ko yan pero ibibigay ko sayo as my welcoming gift. Alam ko naman na you can buy even a bakery with your money pero the fact na favorite ko ito at binibigay ko 'to sayo, means na I appreciate you so much, Ashiro." Nahihiyang sabi ko, natigilan ata siya at tinitigan lang ako, "A-Ayaw mo ba?" Babawiin ko na sana pero agad niya iniwas yung monay at umiling.

"N-No. It's mine. Thank you, baobao" Ngumiti siya at tinignan yung monay na binigay ko habang diredirecho sa kwarto niya.

Natanga naman ako dito sa kwarto ko at kumibit. Matutulala ka na lang sa daming nangyayari ngayon sa akin. Pinatay ko ang ilaw at sinara ang kurtina at naiiyak ako.

Promises are meant to be broken. Kasi ipanggegames ko 'to

 Kasi ipanggegames ko 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Jump pad nga." Agad akong sumubo ng chichirya at ngumuya. Naglalaro ako ngayon ng Apex Legends, nagbabakasakaling makalaro ko si Mina ng Twice.  Magkalapit ang scores kaya nerve wrecking na ang laro, kalaro ko nga si Nikki, Sasha, at Moon.

"Tanga mo naman mag-Wraith, Tokyo!" Umirap ako sa pangaakusa ni Moon kahit napakabobo rin naman niya mag-Lifeline, "Natakas ka lagi pag mamamatay na kam— Ay shit! Namatay ako." Sabay-sabay kaming napatili dahil pag may namatay uli sa amin, matatalo na kami.

Napabuntong hininga ako, "Lose streak nanaman ba?" Bulong ko habang naghahanap ng kalaban at sakto, isa na lang rin ang kailangan patayin sakanila para manalo kami.

Ashiro Feizi's RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon