Chapter 1

172 15 13
                                    

TOKYO

"What's wrong?" Napatingin ako kay Ashiro na bigla nanamang tumigil para lang tanungin ako niyan matapos niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko kahit nasa loob lang naman kami ng dorm.

Siyempre dahil pabirhen tayo, umiling ako, "Wala.. saan ba tayo? Bakit parang ang laki naman netong dorm? Bakit parang condo?" Bigla niya akong tinignan na para ba akong isang wirdo.

"Because it is?"

"Huh?"

Paano magkakaron ng condo sa eskwelahan? Public na eskwelahan? State University?! Nabagok ba ang isang 'to?

Nagulat ako nang bigla niya akong binitawan.. Hala bakit? Agad kong inayos ang sira kong mukha nung bigla siya humalukipkip sa may harapan ko. Meh. Lakas makaganyan, ang liit naman, nakatingala tuloy siya sa akin.

"I handpicked this interior and I happen to want a condo unit-like dorm," Lumapit siya sa akin, kaya napaatras ako, itong bubwit na 'to lakas maka-takot, "And for the reason why I am here.. is because I own this school and there's no rule that I can't study on my own school, if there is, would you be so kind to state it right this instance?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Napalunok ako at umiling. Shit, narinig niya ata mga rants ko. Nakakabasa ba siya ng isip?

"You're being obvious, Takoma. Move." Hinila niya ako uli kaya kinakabahan akong sumunod. Grabe, hindi ko naman alam na siya pala ang may-ari ng eskwelahan na 'to, bakit siya nagagalit diyan? Eh, kahit sino naman magiging ganito ang reaksyon, knowing her status, being a billionaire means it's expected na sa prestigious and elite school siya mag-aaral! Not in this state university na para sa mga tulad kong walang-wala.

"Here's your key, this will be your room. If you want more furnitures, just call me."

"Eh? Bakit kita tatawagan?" Pagkatanong ko nun, bigla nanaman niya akong sinimangutan.

"Isn't it obvious? Bibilhan kita."

"Eh?! Bakit mo naman ako bibilhan?!" Gulat na tanong ko na ikinaismid niya lang, winalk-outan niya rin ako.

Napakasungit naman ng instik na bansot na 'to!

Napatingin ako sa kwarto ko at gagi, napakaganda! Bakit naman niya naisip na kailangan ko pa ng mga furnitures eh basta may ilaw at bintana, okay na ako. Malaki pa ang space, meron na ring built-in closet at meron pa akong study table! Grabe, iba talaga pag priveleged.

Ang swerte ko naman pala dahil siya ang dormmate ko, malamang kung hindi, asa pipitsuging lugar ako. Mapagtitiisan ko pa naman ang kasungitan ng isang 'to, isang pitikan lang naman siya sa akin.

Nag-ayos na ako ng gamit at matagal ko na ring pinagiisipan na bumili ng personal computer dahil hindi talaga kakayanin ng laptop ko yung ibang pinaggagawa ko for school like programming, downloading of applications, and many more! Bakit ba ako nag-eexplain? Kaloka. Hindi ko naman ipanggegames eh.. promise.

Agad akong lumabas pagkatapos kong maayos agad yung mga gamit ko at nagulat ako dahil nakapambahay na si bansot at nagluluto ng lunch. Wala kaming pasok for the rest of the week kaya makakapagprepare at ipon pa ako for my personal computer.

"Ashiro?" Tawag ko sakanya, hindi niya ako tinignan pero tumaas ang kilay niya, nag-gigisa siya ng sibuyas at bawang sa harap ko kaya ang bango ng kusina.

Ashiro Feizi's RoommateKde žijí příběhy. Začni objevovat