Chapter 14

57 2 0
                                    

A/N: isipin niyo na lang ganyan dumapa si Ashiro.

-
TOKYO

Nagising ako na madilim ang paligid pero naramdaman kong wala na kami sa sala ni Ashiro at halos magpanic ako nang marealize na nasa kwarto niya kami and she was hugging me tight. Napansin ko rin na naka-bra lang siya at halos maubusan ako ng hininga dahil kahit madilim, kitang kita ko ang mga hindi dapat makita.

Kinalma ko ang sarili ko dahil hindi ko na alam ano pang magawa ko dito sa babaeng 'to at hindi nakakatulong ang pagyakap niya sa akin kaya nagpanggap nalang akong tulog. Naramdaman kong kumilos siya at parang may hinahanap, yun pala yung kumot, tinaas niya samin at yinakap nanaman niya ako. Tinignan ko yung clock niya na buti nalang red kaya kita ko talaga sa dilim, madaling araw na din pala, hindi na ako nakapaghapunan.

"Ashiro," bulong ko, tinapik ko siya pero nag-hmm lang ang gaga, antok na antok. "Ashiro kumain ka ba?" Dumapa siya at nag-hmm nanaman, ano ba 'tong bwisit na 'to, villager ba siya sa minecraft? "Babalik na ako sa kwarto ha?" Tatayo na sana ako kaso bigla niya nanaman akong yinakap.

"Just sleep, Tokyo." She whispered na mas lalong ikinapanic ng isang patatas na katulad ko, si ante naman, grabe naman ako yakapin para naman siyang linta.

"Okay but don't hug me." Nagulat ata siya kasi napaupo pa siya habang tinititigan ako, "I mean, not too tight." Humiga na siya agad, tumalikod na ako at yinakap naman niya ako sa bewang, tinaas niya pa ulo ko para sa braso niya umulo.

Jusko lord. Anong nakain ng bwisit na 'to at naging ganto. Hindi ko alam if makakatulog pa ba ako.

"Grabe, mukha ka ng panda." Bungad sakin nila Moon, sabay-sabay silang pumasok ng kwarto at may mga dalang gamit, agad din sila nagsipag upo sa may dining area at nagsipagsulat pero siyempre kada lakad may pangbabash sa itsura ko.

Hindi na kasi talaga ako nakatulog, buong madaling araw akong yinakap ni Feizi at halos magdasal ako na wag sana ako sapian ng kademonyohan dahil hindi ko talaga mapipigilan sarili ko. Hindi ko idedeny na sobrang ganda nung babaeng 'yon at ang lakas pa ng sex appeal, isa lang naman akong taong nangangailangan din.

At speaking of, yung babaeng 'to, nasa paanan ko nanonood ng basketball, nakayakap siya sa legs ko, pansin ko iba ang pagkaclingy niya pero hindi ako magrereklamo, never. Sobrang good mood niya dahil kumpleto tulog niya to the point na ang dami niyang pagkain na inorder kaya yung tatlo kunwari study buddies lang, yung food lang naman ang pakay dito.

"What's up," Bungad naman ni Tania at magsasalita pa sana tungkol sakin kaya sinimangutan ko na siya. Tinignan niya si Ashiro at hinayaan nalang habang dumirecho kila Moon para inisin niya. Si Nikki naman at Sasha seryosong seryoso kung mag-aral, sana tularan man lang ni Moon.

Humiga ako sa may foam dito sa sala at umidlip, bwisit na Feizi, binantayan ko bawat kilos niya kaya hindi ako makatulog, mamaya kung ano nalang magawa ko talaga.

"Tokyo get up and eat." Narinig ko yung intsik kaya kinusot ko ang mga mata ko para bumangon na, nagluluto si Moon kaya napapalakpak ako, bukod sa sakit sa ulo siya eh napakagaling niya sa kusina. Nagcrecrave sa korean food si Tania kaya nagluto si Moon ng ramen, tteokbokki, may fishcakes pa, nagorder pa si Ashiro sa labas ng softdrinks at soju.

Minsan naiistress ako kung paano niya naipapasok ang mga bawal sa eskwelahan, nakakalimutan kong siya pala ang may-ari.

"Kain na!" Napapalakpak kaming lahat akala mo may okasyon pero agad kong sinunggaban ang tteokbokki, sobrang sarap at anghang ng pagkagawa niya, di pa nakuntento ang magpinsan at nagluto ng samyang. Nagboil naman ng itlog si Nikki kaya enjoy na enjoy ako sa biglaang foodtrip na 'to.

Nag-enjoy kami sa aming impromptu na pagkain. Masayang kumakain at nagtatawanan kami habang pinagsasaluhan ang mga Korean dishes na niluto ni Moon. Ang mga ngiti at halakhak namin ay nagpawi sa anumang pagod o mga pag-aalala na nagpapalibot sa amin.

"This is honestly fun!" sabi ni Tania habang malugod na kumakain ng tteokbokki. "Salamat talaga, Moon, sa pagluto. Ito na talaga ang comfort food ko!"

Tumango si Moon na puno ng confidence. "No worries."

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko, at napalitan ng mga ngiti ang aming mga mukha. Sa gitna ng mga kalokohan at kabaliwan namin, naalala ko ang babaeng nasa paanan ko na nagmamasid ng basketball. Kinuha ko ang isang piraso ng fishcake at hinagis ito sa kanya.

"O, Ashiro, ito ang pasalubong ko sa'yo!" biro ko, sabay tawa namin.

Ngunit sa gitna ng kalokohan, hindi maiwasan ang biglaang pagkaseryoso ng mga mata niya. Parang may bagay na pinapahiwatig ang kanyang mga titig, ngunit hindi ko masyadong naintindihan. Pinagtuunan ko ng pansin ang kanyang mga mata, subalit mabilis niyang ibinaba ang tingin niya at ngumiti sa akin.

"Talagang hindi mo talaga ako titigilan, no?" sabi niya, natatawang naglalaro ang mga labi niya.

Ngumiti rin ako sa kanya. "Hindi ako magpapatalo, Ashiro. Mahuhuli mo ako sa larong ito."

Napabuga niya ng malakas na tawa. "Kung yan ang palakasan, Tokyo, malamang talo ka na!" It's weird hearing her speak in full tagalog however she really sound so cute.

Masaya kami na nagpatuloy sa aming pagkain at kwentuhan. Sa gitna ng aming mga biruan at kasiyahan, nahulma ang mga samahang ito ng tunay na pagkakaibigan. Napagtanto ko na hindi hadlang ang mga pagkakaiba namin sa buhay o personalidad para maging magkaibigan kami. Sa ilalim ng mga tawanan at mga kulitan, mayroon kaming natagpuang tahanan at suporta sa isa't isa. Thankful ako kay Ashiro kung hindi dahil sakanya malamang ay hindi nakapagaral ang mga kaibigan ko. Kaya gagawin ko ang lahat maalagaan lang siya.

Nang matapos ang aming pagkain, naghanda si Moon ng kape para sa lahat. Nakaupo kami sa sala, masayang nagkukuwentuhan habang iniinom ang mainit na kape.

"Talaga namang blessed tayo, Ashiro thank you." sabi ni Nikki habang humahalukipkip ang mga braso. "Because of you we had a chance to continue our studies."

"She's right," sagot ni Sasha. "Hindi madali ang magkaroon ng sponsor na sabay-sabay 'no." Tumawa kami kaya napakamot nalang si Feizi sa ulo.

"I am happy to help and besides it was worth it, the four of you are candidates already for latin honors and some of you have achieved awards already. I'm really proud," Ashiro lifted her cup and we all laughed again because who do toasts with coffee?

But either way we lifted all of our cups and shouted, "Cheers to our friendship!"

Ang saya, ang saya na parang gusto ko nalang mahalin yung instik na 'to kung pwede lang.

Ashiro Feizi's RoommateWhere stories live. Discover now