18 | His Temptress

850 19 4
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Dreame:

Juanna Balisong

ENJOY READING (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

"KUYA, you better find Samantha. Right. Now." Danica demanded to her brother habang sinusundan ito.

Bumaba ng hagdan si Dominic kasunod ang kapatid na patuloy pa rin siyang kinukulit. Nang lumiko siya papunta sa kusina ay sumunod din ito.

"Ano ba Danica, tigilan mo ang kakasunod na parang aso." Binuksan niya ang fridge at nagsalin ng tubig sa baso.

"Titigil lang ako kapag hinanap mo si Samantha at mag-sorry ka sa kanya."

Nang makabalik si Danica mula sa fair ay agad nitong nalaman ang nangyari. Ang unang-unang taong nilapitan at kinausap nito ay siya. Ewan nga niya at bakit kinakampihan nito si Samantha despite the fact the she betrayed her.

Inilapag niya ang baso nang maubos ang laman niyon at hinarap ang kapatid. "Why would I do that? Hindi pa ba malinaw ang ginawa niya sa'yo? Sa inyo ni Ricky?"

Danica frustratingly brushed her hair with her hands. "Just do it kuya, before you even regret for not risking."

Napakunot si Dominic ng noo. Talagang nagtataka siya sa mga ikinikilos ng kapatid. "Umamin ka nga sa'kin, Danica. May hindi ba ako alam?" He crossed his arms on his chest at matamang tiningnan ito.

Nakagat ni Danica ang ibabang labi at agad na napaiwas ng tingin.

"Don't you ever try to lie to me, Danica, dahil alam na alam ko ang mga mannerism mo kapag nagsisinungaling."

Napabuntong-hininga na lamang ang huli. "Fine. I'll tell you everything."

Ikiniwento sa kanya ni Danica ang lahat. Mula sa pag-hire kay Samantha, sa plano, sa nakaraan ng dalaga, at sa totoong nangyari noong maabutan niya ang mga ito sa opisina.

"...And that's all is our plan." Pagtatapos ni Danica.

Sandaling tila hindi agad naproseso ng isip ni Dominic ang lahat-lahat ng impormasyong sinabi nito. He felt confused and at the same time furious... Kung kanino ay hindi niya matiyak kung sa sarili ba niya o dahil sa kaalamang planado ang lahat?

"All thanks to Samantha at nalaman ko ang totoong intensyon ni Ricky, kung hindi dahil kay Sam ay baka hanggang ngayon ay iniiyakan ko pa rin na matuloy ang kasal namin ng manggagantsong iyon." Danica rolled her eyes. "You know what, I realized na hindi ko naman talaga mahal si Ricky. I just see him as a friend that I can rely on kaya inakala kong s'ya na ang para sa'kin. But I was so wrong. Ginagamit n'ya lang pala ako."

Lito pa rin ang isip ni Dominic sa mga nalaman. Ibig-sabihin ay isang malaking pagkakamali ng pakahulugan ang nakita niya noon sa office? Nag-text kasi sa kanya noon si Danica ilang minuto lang bago ito makaalis kaya ang buong akala niya'y kaya pumunta roon si Samantha ay para kita si Ricky. Ang mas nagpagulo pa sa sitwasyon ay ang abutan niya ang mga ito sa ganoong posisyon. Kaya't hindi na niya napigil ang sarili at nagpalamon sa galit.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Where stories live. Discover now