15 | Touch & Open

494 14 0
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Dreame:
Juanna Balisong

WARNING: SPG AHEAD!

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

"TULOY ka."

Inilibot ni Samantha ang paningin sa kabuuan ng bahay. Sa unang tingin pa lamang ay napaka-manly ng dating niyon.

As she entered the house, she was greeted by a spacious and open floor plan, with high ceilings and large windows that allow plenty of natural light. Kaya kahit patay ang ilaw ay nagbibigay liwanag naman ang buwan mula sa labas. The flooring is made of tile with a simple and understated design. The Furnitures are sturdy and functional with clean lines and masculine shapes, ang mga sofa ay nababalot sa leather, and wooden tables with metal accents. The color palette ng kabuuan ng bahay ay neutral, with shades of gray, black, and brown dominating the space.

"Welcome to my pad." Inilapag ni Dominic ang mga gamit sa sofa at dumiretso sa bar. "Dito ako tumutuloy right after ko manggaling sa resto." Nagsalin ito ng alak sa dalawang kupita.

Lumapit si Samantha rito at naupo sa counter stool. "Ayaw mo ba sa residence house ninyo?"

Itinulak nito sa kanya ang isang kupita at ininom ang sa sarili bago sumagot. "Masyadong malayo."

Napaisip ang dalaga't sumimsim sa hawak. Kung tutuusin ay mas malayo nga ang biyahe nila noon papunta sa residence house ng mga Go kumpara sa pagpunta sa pad nito.

"Hindi pa ba natin papalitan iyan?" turo niya sa braso nito. Ang sabi nito sa kanya ay kakailanganin nito ang tulong niya sa sugat nito dahil paminsan-minsan ay kumikirot.

"Oh, right. I'll go shower first. Ayos ka lang ba rito?"

Tumango siya.

"Okay. Kung nagugutom ka ay may pagkain sa fridge, hayun ang microwave." Turo nito sa may counter. "Sorry kung hindi na kita maipagluluto."

"It's okay, nabusog na rin naman ako kanina bago tayo umuwi." Sa restaurant na sila nito naghapunan dahil sa rami ng costumer ay nag-overtime na sila.

"Okay." Naglakad ito patungo sa kwarto nito ngunit bago pumasok ay nilingon muli siya. "You sure you okay here?"

"Ano ba, oo nga!" irap niya rito. "Akala mo naman bata akong iiyak kapag iniwan mag-isa."

Natawa si Dominic. "Just confirming. Baka gusto mo na rin na samahan ako sa pagligo," ani'to sa nakalolokong ngiti.

Kinuha ni Samantha ang suot na indoor sleeper at ibinato rito. Ngunit bago pa ito matamaan ay agad na nakapasok sa silid ang loko. Maririnig na lamang ang malakas nitong halakhak mula sa loob.

Sa labas naman ay hayun at namumula si Samantha. Kung siguro ay muli siya nitong aayain ay hindi na siya tatanggi at mapapakipot pa, baka mauna pa pumasok sa shower.

'Hoy! Sumusobra na 'yang kaharutan mo ha!' suway ng utak niya.

Natawa na lamang siya sa sarili. Ano bang talaga ang nangyayari na sa kanya? Parang noong nakaraan lamang ay halos kasuklaman at isumpa na niya si Dominic, ngunit heto ngayon ay para na siyang timang na nag-i-imagine pa ng mga kakat'wang bagay kasama ang binata.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Where stories live. Discover now