12 | Invite

436 16 0
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Dreame:
Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

NAKATAYONG naghihintay si Samantha sa tapat ng mall. Ang sabi ni Danica ay susunduin siya nito, sakto naman dahil coding ang kotse niya at hindi siya makakabyahe.

She's wearing a simple black and white, knee-length dress paired with a three-inch black stiletto. Hinayaan lamang niya nakalugay ang mahaba at maalun-along buhok to emphasize her her heart-shaped face.

Tiningnan niya ang oras sa pambisig na relo. Bente minutos bago pumatak ang ganap na tanghali.

Nagpalinga-linga siya sa daan at nagbabakasakaling makita ang kotse ni Danica nang isang itim na Ford Mustang ang tumigil sa kanyang harapan. Napakunot ang noo ni Samantha. Tinted iyon kaya hindi niya matanaw kung sino ang nasa loob niyon.

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng driver seat at mula roon ay lumabas si Dominic. He looks so manly and fine sa suot nitong dark-blue Armani polo na pinarisan ng light khaki Burlebo shorts at white sneakers. Nakaayos din pataas ang buhok nito kaya't masisilayan mong talaga ang kagwapuhan nito.

Chinitong nakangiting lumapit sa kanya si Dominic.

Panandalian ay parang nanikip ata ang dibdib ni Samantha at halos nais kumuwala ng kanyang puso sa kinalalagyan nito. Para siyang natuod sa kinatatayuan at namagneto sa muy gwapitong chinito nitong ngiti.

"Sorry I'm late, na-traffic ako sa SLEX e. Kanina pa ba rito?" tanong ni Dominic nang makalapit sa dalaga.

Parang timang na nakatulalang nakatingala lamang si Samantha rito. She was really mesmerized by his chinito charm.

Napatawa si Dominic sa reaksyon ng dalaga. "Don't look at me like that, babe, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko and I might crush your lips with a kiss," aniya at isinara ang bahagyang nakanganga nitong bibig.

Napapahiyang nagyuko si Samantha. How foolish of her! Nagmukha tuloy siyang gaga. Muli niyang itinaas ang tingin at ibinalik ang poise niya. "Nasaan si Danica?"

"Ouch!" hawak nito sa puso at umaktong tila nasasaktan. "Ako itong nasa harap mo pero iba ang hanap mo."

"Korni mo!" irap niya na ikinatawa naman ng binata.

"Sinundo si Ricky kaya ako ang sumundo sa'yo." Binuksan nito ang pinto kotse sa passenger seat. "Let's go, baka naroon na sila."

Hindi na siya umagal pa at sumakay na.

**

Sa byahe ay parang lumang manikang nabili ni Dominic sa isang antique store si Samantha sa sobrang tahimik nito at firm kung umupo. Animo maski ang paghinga at pagkurap nito ay bilang na bilang maging ang galaw.

"Nahihilo ka ba?" sulyap niya rito. "Gusto mong tumigil muna tayo saglit?"

"No, I'm fine." Iling nito.

Dominic scoffed and flicked his tounge. "Then stop looking like you're gonna throw up."

Kunot ang noong nilingon siya ng dalaga. "Anong ibig mong sabihin?"

With his hand on the steering wheels, bahagya niya itong tiningnan at ibinalik din ang tingin sa daan. "Bakit ba tuwing nakikita kita o nagkakalapit tayo ay laging mukha kang tensyonado? Ganoon na ba talaga kalakas ang atraksyon mo sa akin?" 

The Temptress R-18 (COMPLETED)Where stories live. Discover now