9 | Save

455 15 1
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

SABAY na pumasok ng shop sina Danica at Samantha matapos bumalik mula sa panananghalian nila.

Magiliw na nagtatawanan ang dalawa dahilan upang mapalingon ang mga customer na nasa shop. Ang iba ay napapabulong habang nakatingin sa kanila dala ng kuryusidad, ang iba naman ay makikitaan mo ng paghanga sa dalawang marikit na dilag.

"I'm almost an hour late, Danica, baka magalit sila sa akin at anong oras na akong bumalik," ani Samantha at muling nagsuot ng apron.

"Oh, don't bother, Sam, hindi sila magagalit dahil ako ang kasama mo," kindat nito. "Saka hindi naman tayo ganoon katagal ah?"

"Loka! E sa daldal mo kanina ay halos isang subo-isang kwento ang ginagawa mo. Paanong hindi tayo matatagalan?" natatawang wika ni Samantha at ipinusod ang mahabang buhok.

"I'm the boss naman, ano?" mapagbirong pagtataray kuno ni Danica habang nagdudutdut sa screen ng counter.

"Grabe ka, power abuse 'yan!" at sabay na nagkatawanan ang dalawa.

Kinuha na ni Samantha ang order book at ballpen. "Be back to work na bago pa ako mapatalsik ng boss ko," pabirong aniya at binigyang diin ang 'boss'.

Iiling-iling na natawa na lamang si Danica rito. Nilingon niya si Claire na siyang kasalukuyang nakapwesto sa counter. "Sige na, Claire, ako na muna rito sa counter, tulungan mo si Samantha na kumuha ng orders ng mga customer na magti-take-out para mapabilis tayo."

Ngiting tumango ito at umalis.

Nagsimula gumalaw sa counter si Danica at nakangiting kinukuha ang mga order ng kanyang mga customer.

Inakala niya noong tuluyan nang maba-bankrupt ang shop niya dahil halos sa isang araw ay kakaunti o sa kasamaan ay walang benta. Not until Samantha came and saved her business. Noong naikwento niya rito ang kalagayan ng kanyang shop, it was Samantha's idea na maging waitress ito.

Alam niyang malakas ang charm at appeal ni Samantha ngunit unang araw pa lamang nito sa trabaho ay halos mapuno na ang shop niya. She did not expect that Samantha would be her strong charm in attracting people to her shop.

Sinulyapan niya si Samantha na abala sa pagkausap ng isang customer.

Malaki ang pasasalamat at utang na loob niya rito. Kung tutuusin ay hindi magkatrabaho ang turingan nilang dalawa. She became her bestfriend na kachikahan niya sa lahat ng bagay. Kung ano man ang meron sa pagitan nito at ng kuya niya, hindi na siya makikialam at tututol pa.

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

INILAPAG ni Samantha ang tray na naglalaman ng mga gamit na cups at utensils sa sa lababo. Binuksan niya ang gripo upang sana hugasan na rin ang mga nakaabang na hugasin nang saktong pumasok naman si Benji na tulak-tulak ang isang trolly.

"Ako na d'yan, Samantha."

"Hindi na, ayos lang. Wala na rin naman akong gagawin sa labas dahil si Nami at Claire ang nagti-take ng mga orders." Kinuha niya ang sponge at naglagay ng dishwashing liquid.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα