2 | Plan

670 16 0
                                    

Follow me Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

NAKATAYO si Samantha sa harap ng isang coffee and pastry shop, nasa loob lang din iyon ng mall. She's wearing a fit red dress that hugs her body perfectly and is paired with 5-inch black stilettos, kaya ang mga taong napapadaan ay hindi maiwasang mapalingon sa marikit na dalaga. She puts her Chanel sunglasses she is wearing on her head at pinagmasdan ang kabuuan ng naturang shop. Napapalibutan iyon ng glass wall na kino-complement ang wood accent na design nito. Sa loob makikita ang mga naka-display na iba't ibang pastries at menus ng mga tea and coffee. Mula sa labas ay masasamyo mo na ang mabangong amoy ng bagong hangong tinapay at ang animong bagong burong kape.

'Deja Brew...' basa niya na signage na nakalagay sa taas niyon. She softly scoffs. '... witty.'

Muli niyang sinuot ang sunglasses at diretsong tinungo ang shop. Pinagbuksan siya ng pinto at binati ng bodyguard na nagbabantay roon. She nods her head and smiles to greet him back.

Pagpasok pa lamang ay agad na dumiretso siya sa counter upang umorder. May iilan pang nakapila kaya minabuti niya munang ieksamina ang paligid. Maganda ang ambiance ng lugar at ang mga paintings and displays, ang mga lamesa't upuan ay gawa sa kahoy, maging ang mga lampara at aranyang nakalambitin sa kisame. Cozy at minimalist ang dating ng shop, idagdag pa ang mabangong amoy ng naghahalong kape at tinapay at ang naglalaro sa simoy ng hanging umiikot sa loob ang magandang musikang animo hinihele ang mga nakikinig.

"May I get your order ma'am?"

Napalingon siya nang magsalita ang nasa counter. "Oh sorry, one order of caramel macchiato and whipped shortbread cookies." After she was billed, naghanap siya ng magandang pwesto at doon naupo at naghintay para sa kanyang orders.

Napansin ni Samantha na iilan lamang ang mga customers na naroon, maraming bakanteng upuan at lamesa na tila ay ilang araw nang hindi nauukopa.

"Here's your order ma'am, enjo---" Natigil si Danica sa paglapag ng tray sa lamesa nang makita kung sino ang kanyang customer. "Saman---"

Samantha gestures to lower her voice, giving her a message to act as if she doesn't know her. She winked at her as she thanked Danica.

Umalis ang dalagang puno ng pagtataka. Muli siya nitong sinulyapan nang makabalik sa counter bago tuluyang pumasok ng kitchen area.

Samantha crosses her legs and takes a sip of her coffee. Pasimple niyang tiningnan ang mga customers na naroon, minumukhaan at binabasa ang bawat kilos.

💋💋💋💋💋

"Hire you?"

Samantha nodded.

"Sa paanong paraan mo naman ako matutulungan?"

Isang nakalolokong ngiti ang pumaskil sa magandang mukha ng dalaga. "In everything, Danica. Kaya kong maglapag ng ebidensya na magpapatunay na tama ang hinala ko tungkol kay Ricky."

"By how?" naguguluhan pa ring untag ng dalaga.

"First, is to investigate. I need to see and know him without him noticing."

"So?"

"You said you have a pastry and coffee shop, right? Hindi natin alam na baka at maaaring isa pala sa mga customers mo ang kinakalantari ni Ricky." Kibit-balikat niya at sumandal sa pagkakaupo.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Where stories live. Discover now