10 | Guilt

458 17 1
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

WARNING: SLIGHT SPG AHEAD!

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

TAHIMIK na nakatayo sa sulok ng silid si Samantha habang pinagmamasdan ang paggamot ni Dr. Martinez kay Dominic. Kasalukuyan silang nasa office. Nakaupo ang binata sa swivel chair habang ang mga gamit ng doctor ay nakalapag sa table ni Danica. Naroon din si Ricky.

Lumapit si Danica kay Samantha dala ang isang basong tubig. "Sam, inom ka muna."

Nilingon ito ng huli at tiningnan ang inilalahad na baso bago kinuha at ininom. "I'm so sorry to what happened to Dominic, Danica," pabulong na paumanhin ni Samantha.

"It was an accident, Samantha. Hindi mo kasalanan." Pag-aalo ni Danica sa kaibigan habang marahang hinahagod ang likod nito.

Napabuntong-hininga si Samantha. The guilt was eating her. Kung hindi siya nagmatigas at nakialam sa kitchen ay hindi iyon mangyayari. She silently looked at Dominic.

Nakakunot ang noo nito, halatang pinipigalan ang sariling mapadaing sa sakit. Kaliwang braso nito ang napuruhan at kitang-kita ang pamumula niyon at pamamaga dala ng pagkakapaso.

"Mabuti na lang at first-degree burn lang ang tinamo mo, kung hindi mo agad nailayo ang braso mo ay tiyak na mas malala pa rito ang aabutin," wika ng binatang doctor habang pinapahiran si Dominic sa braso ng petroleum jelly.

"Gaano ba katagal bago tuluyang gumaling ang paso?" tanong ni Dominic habang hinihipan ang nananakit na braso.

"Usually, First-degree burns heal within one week." Sinimulan nitong balutin sa gasa ang braso ng binata. "Gayunpaman, maaaring tumagal ng hanggang tatlong linggo para tuluyang matuklap ang balat. But any residual discoloration may take months to resolve."

Nahabag si Samantha na naulinagan. Isang buwan pa ang kukunsumahin para tuluyang gumaling ang paso ni Dominic?

"Months? Wala bang mas madaling proseso?" tanong niya.

"Well, meron naman, depende rin sa ointment na gagamitin." Nilingon nitong muli si Dominic. "You can apply aloe vera gel or an antibiotic ointment. Here is your prescription." Bigay nito ng isang papel na tinanggap naman ng huli.

"Maraming salamat, Drake," lapit ni Danica sa doktor. "Pasensya na rin at naabala ka namin."

"Don't mention it, Danica. Hindi available si Dad kaya ako na lang ang pumunta." ani'to at iniligpit ang mga ginamit.

Ang ama nito ang family doctor nila. Tuwing hindi ito available ay ang anak na si Drake na isa ring doctor ang siyang humahalina.

"Sige, mauna na 'ko may appointment pa akong 2 p.m."

"Salamat pare, ikumusta mo na lang kami kay tita Miel," pasasalamat ni Dominic.

"Miss na nga kayo no'n e," ngiti nito at kinuha ang mga dala.

"Ihahatid na kita sa labas," prisinta ni Danica at binuksan ang pinto ng opisina.

"Salamat, Nics."

"Bababa na rin ako, walang nagbabantay sa shop." Si Ricky na sumunod palabas sa dalawa.

Nang sumara ang pinto ay animo nagmistulang kulungan ang silid para kay Samantha. Nakabibingi ang katahimikang naghahari at ang tanging maririnig lamang ay ang ugong ng aircon at ang pagtiktik ng orasan.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Where stories live. Discover now