6 | Offer

509 15 1
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Tiktok:

Juanna Balisong

WARNING: SLIGHT SPG AHEAD!

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

KATATAPOS lamang nilang kumain sa isang restaurant din sa mall. Japanese ang style ng resto but with a touch of Filipino cuisine. Kasalukuyan silang nasa isang Koshitsu—a private dining room—kung saan ay may maliit na lamesang kainan at cushion para sa dalawang tao na siyang inuupuan nila.

Pinagmamasdan ni Samantha si Dominic habang maayos nitong ibinabalik sa kinalalagyan ang mga utensils na ginamit, maging ang ayos ng tissue at baso. He looks like a sweet and soft boy in school. Iyong tipo ng batang mabilis mapasunod sa utos at tahimik lang.

"I hope you're aware that staring at someone is rude," anito nang matapos.

"Are you always that neat and clean, Mr. Perfect?" bawi niya.

"In Japanese dining etiquette, when you've finished your meal, you have to return the table to how it looked in the beginning."

Napatango-tango na lamang si Samantha at uminom ng tubig sa baso. "So, what is it? Anong gusto mong pag-usapan natin?" aniya at pinunasan ang labi gamit ang tissue.

Mula sa maamong bata ay biglang sumiryoso ang mukha ni Dominic na tumingin sa kanya. His eyes were penetrating through her soul na animo ay nilalamon ang lahat ng tapang na mayroon siya. Tila nais huminto mula sa pagtibok ang puso ni Samantha nang mga sandaling iyon.

"Hindi na lingid sa kaalaman ko ang mga ginagawa mo, Samantha. Paano mo nagagawang traidorin ang kapatid ko na parang normal lang ang lahat ng iyon para sa'yo?"

Samantha smiled and slightly scoffed. Alam niya na rito rin pupunta ang usapan nila. "Please, Dominic... H'wag mong bigyan ng ibang kahulugan ang mga ikinikilos ko. I was just trying to be close to Ricky since he's your sister's lover."

"Talaga, Samantha? Iyon nga ba ang motibo mo, ang mapalapit lang kay Ricky?" Tumayo ito at lumapit sa pinto. Dominic held the sliding door made of wood and slid to close and lock it.

Agad na naalarma ang sistema ni Samantha. "What are you doing?"

He turned and stepped towards her. "Pero bakit sa mga nakikita ko ay higit pa sa pagkakaibigan ang nais mong ipahiwatig sa kanya?" 

Dumadagundong ang pusong napalunok si Samantha habang papalapit sa kanya ang binata. Animo ang mga mata ni Dominic ay magneto na hindi na maalis sa kanya at hinihila ang kung ano mang damdaming nais maghumiyaw. Even her, she couldn't take her eyes off him na para bang sa oras na inalis niya ang mga mata rito ay maaaring sa isang iglap ay maglaho ang lahat ng tinipon niyang tapang. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman. Was it tense? Excitement? Fear? Kung alin man sa mga iyon ay hindi niya alam.

Napaayos ng upo si Samantha nang maramdaman ang prisensya ng binata sa kanyang likuran. "Sabihin mo ang gusto mong sabihin, Dominic."

Nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ni Samantha nang maramdaman ang pagbaba ng kamay ni Dominic sa kanyang balikat. Para siyang kakapusin ng hininga nang ilapit nito ang labi nito sa kanyang tainga. She can feel his warm breath stroking and tickling her neck.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Where stories live. Discover now