13 | Care

421 16 0
                                    

Follow me on Facebook, YouTube, and Dreame:

Juanna Balisong

WARNING: SLIGHT SPG AHEAD!

ENJOY READING! (/>o<)/

💋💋💋💋💋💋💋💋💋💋

PARANG mga batang nagbabangayan ang mag-asawa. Napapatawa na lamang si Samantha na pinagmamasdan ang dalawa habang inaasar ni Kenji ang asawa.

"Alam mo namang nahihirapan na nga iyong gumalaw, pinaghugas mo pa!" Hampas ni Dorothy sa braso ng asawa.

"Aray! S'ya ang nagpumilit hindi ako, ano?" sangga naman nito.

"Kahit na, hindi mo dapat hinayaan!"

"E ako naman ang tumapos e.".

"At talagang nangangatwiran ka pa!" Piningot ni Dorothy ang tainga ni Kenji na ikinahiyaw naman ng huli.

Hindi na mapigilan ni Samantha ang tawa. These two looks so cute and adorable.

"Ako na lang po ang tutulong kay Dominic, tita," prisinta niya.

Natigil naman ang mga ito at nilingon ang dalaga. "Talaga, hija?"

Tumango siya.

"Mabait talaga itong future-manugang ko e," akbay sa kanya ni tito Kenji na aakalain mong magtropa lamang sila.

Namumulang nagyuko na lamang si Samantha. Kung tutuusin ay maaari niyang itanggi iyon pero heto siya at hinahayaan lamang ang pagbubukang-kabig nito. Hindi rin niya maintindihan ang sarili.

"Magtigil ka nga," kurot ng asawa sa tagiliran nito dahilan upang mapabitaw sa kanya. Napatawa naman si Samantha.

"Sige, Sam, panhikin mo ro'n sa taas," may kinuha ito sa divider at iniabot sa kanya. "Heto ang ointment na gamitin mo."

Matapos niyang tanggapin ay tinungo na niya ang hagdan paakyat. Habang tinutungo ang taas ay hindi maiwasamg makaramdam ng kaba si Samantha. Ano nga ba ang naisip niya at nagboluntaryo pa siyang tulungan si Dominic?

'Duh? King hindi dahil sa'yo ay hindi sana magkakaroon ng sugat iyon, ano. At saka mahiya ka naman sa magulang.' boses ng konsensya niya.

Tama. Maluwag siyang tinanggap ng mga Go sa tahanan ng mga ito, she felt so warm and welcomed na tila ba ay hindi na siya iba sa mga ito. Kaya kahit sa maliit na bagay lamang ay magawa niyang masuklian ang kabutihan ng mga ito.

'Kahit pa sinusungitan at lagi akong inaaway ng anak nilang pinaglihi yata sa bagyo.'

Nang makarating sa taas ay nagpalinga-linga siya. May ilang mga pinto ang naroon, ngunit nasaan ang kwarto nito? Sa rami ng mga pintong naroon ay hindi na niya matiyak kung alin nga roon ang kwarto ni Dominic. Tita D instructed her the direction ngunit dahil magkakadikit ang mga silid at pare-parehas ang hugis at porma ng mga pinto ay hindi na niya tiyak kung saan doon.

"Right wing... Kanan." Turo niya sa kanan at doon lumakad.

Isa-isa niyang binuksan ang mga kwartong nadaraanan at tintingnan kung naroon si Dominic. Maaari naman siyang sumigaw ngunit sa laki ng bahay ay tiyak niyang mag-i-echo ang boses niya, nakakahiya.

Sa ilang pintong pagbukas at sara, walang Dominic siyang nakita. Babalik na sanang muli siya upang magpatulong na kay tita D nang makarinig siya ng kaluskos sa kasunod na kwarto.

The Temptress R-18 (COMPLETED)Where stories live. Discover now