𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟖

Start from the beginning
                                    

"Palagi nam an kitang miss eh" Mahina kong sumbat ng ikinatawa niya naman. Kailan niya kaya ako seseryosohin? I don't know how many times I've confessed my feelings for him, pero lagi niya itong dine-dedma. Minsan nga ay aakto pa itong hindi niya naririnig.

"Pagabi na ah? Hatid na kita sa inyo" napangiti ako at tumango sa sinabi niya. Spending time with him, even the simple ones, was always worth it.

Naglalakad kami ngayon sa isang eskinita papunta sa bahay namin. Madilim na at walang halos taong dumadaan dito. It was quite scary, kaya nga minsan hindi ako nagpapagabi umuwi dahil natatakot ako dumaan dito.

Kinilabutan ako ng may limang lalaking may hawak na mahahabang kahoy ang nagpalibot sa amin. Malalaki ang kanilang katawan at naka face mask sila ng may skull design.

"P're, ang ganda ng kasama mo ah! Pahiram naman" nandiri ako sa sinabi ng parang gang leader nila, nakalawit pa ang kan'yang dila na parang nilalasahan nito ang aking pagkababae. Nanginginig ako sa takot at hindi na kayang gumalaw ng katawan ko.

"Sorry Pre, she's with me" narinig ko ang boses ni Vince at medyo kumalma ako. Buti nalang andito si Vince, I know he could protect us dahil isa siyang taekwondo champion. Kaso, sa dami nila, nag-aalanganin ako. Can he protect me? Us?

Pumwesto si Vince ng stance na ginagawa nila sa taekwondo at iniharang niya ang kan'yang sarili sa akin para hindi nila ako magalaw. Nasa likod niya ako ngayon ngunit kitang kita ko pa rin ang mga matatalas na tingin nila sa amin.

"Ibibigay mo siya P're? Oh, mamamatay ka ngayon?" Mas kinabahan ako dahil naglabas na ito ng baril na galing sa likod na bulsa ng kan'yang pantalon. Itinutok niya ito kay Vince and a sudden rush of anxiety and fear empowered me, my mind shutdown and chose to push Chali in front to help Vince.

-CHALI-

"Iyah!" Nagising ako sa sigaw ni Vince dahil nakahiga na ako sa lupa. Nahimasmasan naman ako at binulungan ko siya "Vince, it's me Chali" He smirked with confidence. Vince knows about our DID and he also know that when it comes to fighting, he can count on me.

"Let's kick these assholes butts!" Sabat niya sa akin at napangiti na rin ako. Ang hirap lang gumalaw dahil nakapalda ako, pero wala na akong pake. Kailangan kong protektahan si Iyah at si Vince.

Umupo yung gang leader sa gilid at sinenyasan niya ang kan'yang mga kasama na sumugod sa amin. Ang isang lalaking nakasuot ng itim na sando ay sinugod si Vince at agad naman nitong sinipa ang kan'yang panga kaya napatumba. Nagtangka pa itong tumayo kaso hindi na niya kinaya dahil nahilo siya sa lakas ng pagkakasipa ni Vince.

'Yung isang mahabang buhok na mukhang manyak ang sumugod sa akin. He tried to pull my body pero siniko ko siya sa tagiliran. Napahawak siya sa kan'yang tagiliran at agad ko naman in-uppercut ang kan'yang ilong ng mabitawan niya ako. Nakita kong dumaloy ang dugo sa ilong niya. Susugod pa ulit sana siya ng dumaplis ang paa ko sa kan'yang leeg na ikinatumba niya naman.

"Mga weak pala kayong dalawa eh!" Sigaw ng mas malaking lalaking may hawak na malapad na kahoy. Their gang leader was just there, watching us fight as he inhales the 3rd cigar he lit.

Humarap kay Vince yung lalaking malaki ang braso at hahampasin na sana siya ngunit nakaiwas ito. Nasa likod niya na ngayon si Vince at sinuntok niya naman ang batok nito. Napaluhod yung lalaki at nabitawan niya ang kan'yang hawak na armas. Nakita kong pupulutin niya pa ito ngunit na unahan ko na siya. Ipinalo ko yung kahoy sa kan'yang likod ng malakas. Making sure to use a lot of energy para mapatumba siya.

Isa nalang ang nakaharap sa amin ngayon, maliban sa gang leader nila. I looked at Vince and he was smiling at me. I blushed internally. Susugurin na namin siya ng bigla niyang bitawan ang hawak niyang kahoy at tumakbo palayo sa amin.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now