IKAW

13 1 0
                                    

Ikaw ang dahilan ng bawat ngiti at tawa
Dasal kong hindi na matapos ang araw kapag tayo'y magkasama
Mga araw na ramdam kong ako sayo'y may pag asa
Mga araw na akala ko laman ako ng puso mo sinta
Lahat ng 'yon binabalikan nalang sa alaala

Nakakapanibago nang ika'y biglang nagbago
Hindi ko alam kung mali ang pagkalkula ko
Ikaw plus ako
Hindi ba't ang sagot ay TAYO?
Bakit biglang naging malabo

Hindi ko inaasahang magiging ganito
Nagdulot ka ng sakit na hindi magagamot ng kahit anong antibayotiko
Hindi ka ba napapagod kakatakbo sa isip ko?
Bago mo pa sakupin ang puso ko
Nakaukit na rito ang pangalan mo

Sa sobrang higpit ng pagkakapit sa salitang "Baka" "Siguro" "Sana"
Pagdating ng araw na kailangang bumitaw na
Hindi ko magawang talikuran ka
Kung ako nalang sana
Bakit kailangan makilala mo siya

Parang kailan lang no'ng pinapatibok mo pa ang puso ko
Sa matatamis na salita nahulog ako ng husto
Ngayo'y nasa sulok naghuhuramintado
Durog na durog ang puso
Umasa akong ako mula umpisa hanggang dulo

Nagmahal lang naman ako
Pero bakit parang kasalanan ko?
Umasa ako sa pinakita mong motibo
Lahat ba ng iyon ay isang biro?
Minsan ba'y nasabi mo sa sariling gusto mo din ako?

Pilit mang kalimutan ang nararamdaman
Ngunit sa tuwing pipikit nakikita pa rin ang 'yong nakangiting larawan
Sinubukan kang iwasan
Pero bakit ako lang din ang nasasaktan
Ang lakas ng tama ko sayo, kaibigan

Lahat na ginawa ko mawala lang 'tong nararamdaman para sayo
Nililibang ang sarili sa kung ano ano
Kailan ba ako matututo?
Naghahanap ng ibang kapalit mo
Ngunit wala - walang hihigit sa sayo

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now