TAGU TAGUAN

73 2 1
                                    

TAGU TAGUAN

Dyan ko natutunan magtago sa likod ng pintuan
Sa ilalim ng mesa't upuan
Sa likod ng bahay o aparador man
Hindi ganon kahirap magtago sa kalaban

Ngunit sa tuwing ikaw ang nasa harapan
Ang hirap itago ng aking nararamdaman
Kung pwede lang magtime freeze sa tuwing tayo'y magkakatitigan
Kung pwede lang sa bawat pagbilang mo ng sampu'y pareho na tayo ng nararamdaman

Sana'y sa bawat paghiling kasama kita sa ilalim ng maliwanag na buwan
Mahal kita pero hindi mo dapat malaman
Mahal kita pero wala itong patutunguhan
Mahal kita pero di mo 'ko kailangan

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧حيث تعيش القصص. اكتشف الآن