BARKADA AT DROGA

83 2 1
                                    

BARKADA AT DROGA

Nakalutang sa alapaap
Isip ay lunod sa epekto ng pinagbabawal na gamot-
"O hindi ito katanggap tanggap!"
Anila'y dapat subukan upang maging isa sa kanilang ganap

Barkadang sa hinaharap mo'y magbubura?
O barkadang kasama mo sa pagtanda?
Simpleng tanong sa mga taong ang pag iisip ay tama
Subalit di masagot ng malalakas na ang tama

Barkada at droga
Dalawang bagay na magkaiba
Ngunit sa pamamagitan ng isa'y maiiuugnay sila
Naiintindihan mo ba?

Layuan mo ang barkadang tuturuan ka ng masama
Doon ka sa magtuturo sayo kung pano maging masaya ng hindi nilalabag ang tama
Barkadang itutulak ka sa iyong pinupusuan
Hindi barkadang itutulak ka papuntang bilangguan

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now