FOREVER

50 3 0
                                    

FOREVER

Mga pangako'y madalas napapako
Pag-ibig na inaakalang matatag minsan bigo
Taong sasamahan ka habang buhay saan nga ba nagtatago?
Mahirap hagilapin ang tubig na naghahalo sa dugo

Dalawang puso'y maaring magsama hangga't di napapagod ang isa
Panahon ang susukat sa pisi ng isa't isa
Paano maaabot ang dulo kung sa kalagitnaan bumitaw ka na?
Sa forever naniniwala ka ba?

Hindi pagkakaintindihan ang madalas na problema
Payag kang ang bagay na yun ang sisira sa inyong dalawa?
"Wag kang mapride!" Sabi nga ni lola
Kung gusto mo lang ang masusunod bakit di ka maghanap ng Yaya?

Totoo ang forever naniniwala akong talaga
Saksi ako sa panghabang buhay na pagmamahalan ng aking lolo at lola
Mula sa mga tula at panghaharana
Hanggang sa panghabang buhay na pagsasama

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Kde žijí příběhy. Začni objevovat