PAMILYA

39 2 0
                                    

PAMILYA

Sila ang unang susuporta
Gagabay sayo sa tama
Aangat sayo sa tuwing ika'y madadapa
Magtatanggol mula sa mga naninira


Paano kung kabaliktaran ang kanilang ipinapakita?
Sila ang numero unong huhusga
Magtataboy sayo dahil naiiba ka
Magtatakwil dahil hindi mo nabibigay mga inaasahan nila


Pamilya ang pinakamahirap na kalaban
Isang pisi ang dapat mong pag ingatan
Saktan ka man nila'y hindi mabibilang sa napakalaking kasalanan
"PAMILYA TAYO, GANYAN KA NAMIN PANGARALAN"


Minsan naiisip kong ako'y binibiro ng buhay
Pamilya daw ang sa aki'y aagapay
Ngunit bakit dulot nila'y lumbay?
Tila dugo't laman lang ang saamin nag uugnay

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now