SA UNA LANG

64 2 0
                                    

SA UNA LANG

Sa una lang interesado
Mga oras na hinahabol ka ng mga puso
Mga panahong wala sa bokabularyo mo ang pagsuko
Sa una lang, akala mo di ka mabibigo

Sobrang nakakaintriga
Yung pangalan nya lang ang alam mo't gusto mo pa syang makilala
Binubulong ng puso mong kausapin sya
Naglalaro sa isipan ang di malimutang pigura

Sa una lang puno ng kilig
Pagdating sa dulo'y nawalan ng himig
Rosas sa plorera'y kinulang sa dilig
Puso'y natigil sa pagpintig

Sa una lang may hahawak sa 'yong kamay
Mangangakong sasamahan ka habang buhay
Ngunit nang mapatid ka't napilay
Hindi nya nagawang umagapay

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Where stories live. Discover now