SYA AY AKO

64 2 1
                                    

SYA AY AKO

Sa bawat oras na pakiramdam ko mag isa ako
Doon sya darating , mangungusap at magpapagaan ng loob ko
Sa bawat pagpatak ng mga luha
Sya lang ang nakakakita't nakakaunawa

Patatahanin nya ako't itataas ang aking pagkatao
Hindi sya nagsasawang intindihin ako
Hindi sya nagsasawa sa ugaling meron ako
Sya lang ang meron ako

Minsan man syang nawalan ng tiwala sa'kin
Minsan man syang naging kalaban ko't hindi tumanggap sa akin
Pinatibay no'n ang samahan namin
Natutunan nya akong mahalin

Sa mundong kay gulo
Puno ng taong pakitang tao
Isa lang ang totoo at kilala ko
Sya ay ako

𝐏𝐨𝐞𝐦𝐬 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧Donde viven las historias. Descúbrelo ahora