Chapter 35

158 4 1
                                    

Taliya's Pov

Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ng mga oras na lumapit siya sa akin. Bigla akong kinabahan at biglang bumilis ang tibok ng puso ko, lalo na ng mag tama ang aming paningin. Gusto kong umiwas sa kanya pero bakit pilit itong lumalapit sa akin para ako ay asarin. Tapos kapag gumanti naman ako ay ito pa ang unang nagagalit at napipikon. Kulang na lang ay saktan ako kung hindi ako Lumaban.

Napa upo ako sa isang tabi sa gilid ng  aking kama at pinag salikop ang aking mga kamay sa tuhod. Simula ng dumating ako sa bahay na ito ay parang isa akong daga na dapat mag handa sa pwede niyang gawin.

Parang lumiliit ang lugar na kinalalagyan ko, Yun bang unti unti akong hindi makahinga dahil sa presensya niya. Parang si Justine Verde ang kontrabida sa buhay ko, wala naman akong ginagawang masama sa kanya pero lagi siyang may dahilan para mag away kaming dalawa. Alam ko ayaw niya sa akin pero lantaran talaga ang pambabastos niya sa akin verbally. Kahit sa physical ay nagagawa na rin niya, nagagawa niya ang gusto niya dahil nasa poder niya ako.

Kailangan kong maging maingat sa kanya, hindi pwedeng ganito na lang ako. Hindi ko hahayaang gawan na naman ako ng masama, hindi pwedeng magkaroon siya ng second kiss.

Wala akong tiwala sa kanya, tandaan mo taliya Isa siyang babaero. Isang lalaking walang bahag! Kung hindi lang makapangyarihan ang mga magulang mo, nakalayas na sana ako dito. Pero hindi ko magawa eh, iniisip ko rin ang kapakanan ng mga magulang ko, sila ang babalikan.

Pagdating ng Umaga at sumisikat na ang araw ay  nagising ako dahil sa malakas na katok mula sa pinto. Si mokong at ginigising ako, dali dali akong bumangon at tiningnan muna ang mukha ko sa salamin. Hindi na kasi ako nakapag hilamos.

Napansin kong malaki yata ang eyebag ko.

" Panget,  lumabas ka nga riyan, huwag kang piling prinsesa na akala MO si sleeping beauty ka, eh ang sagwa MO naman,labas!" sigaw niya na kinakatok ng malakas ang pinto.

Bwisit ang aga aga eh sira agad Yung araw ko sa pesteng lalaking to.

" Ano bang Kailangan mo, hah?" pagalit ko rin na sigaw sa kanya.

" Baka nakalimutan mong katulong kita dito, dami ko ng labahan. Kailangang pag uwi ko Naka plantsa na. Siguraduhin mong maayus ang trabaho mo, ayaw ko ng tatanga tanga," utos nito sa baritonong boses. Maawtoridad ang utos niya. 

" Sige, po master," maikli kong Sabi.

" At Saka nga pala, nasa pintuan ng ref. Ang gagawin mo ngayon araw, may bisita ako mamaya mag luto ka, "

Medyo natigilan ako saglit. Hindi ako prepared sa mga gagawin ko ngayon. Ang dami niyang utos at saka may dadalhin siyang bisita. Babae niya ba o barkda? Marami akong iniisip medyo malalantang gulay na naman ako ngayong araw.

" Okey, " Wala akong mahagilap na salita.

Narinig ko na lang na papalayo na ang yabag niya. Paalis na ito.  Ilang sandali lang naman ay may naalala ako anong oras ba pupunta ang mga bisita niya, hinabol ko na naman siya sa baba. Hindi ko napansing naka pantulog lang ako na walang bra. Huli na para bumalik ako.

" Sandali mokong!" nasa harap ako ng pintuan palabas ng bahay.

" Bakit may rek-" napatitig siya sa akin na medyo putol ang sasabihin. " Bakit may reklamo ka?" diniretso din naman agad.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon