Chapter 8

180 5 0
                                    

Nang umagang iyon nagising akong late na, kaya nag kukumahog ko namang kinuha ang cp sa ibabaw ng lamesa at dali daling buksan ang mensahe, ang maraming miss call at text na galing kay Tessa ang tumambad sa akin.

Pakiramdam ko masasabon na naman ako ng boss ko dahil sa hindi ko pqg sipot ngayon sa opisina, pero bahala na si batman este darna pala, si Tessa kasi ang taga pag ligtas ko kapag absent ako sa trabaho. Siya ang gumagawa ng rason para hindi ako hanapin sa opisina.

Mag leleave na lang ako ngayong araw kaysa pumasok pa ako na hindi sakto sa oras. Medyo namamaga pa ang mata ko dahil sa kaiiyak ko kagabi. Kasalanan to ng kuya ko, kung hindi dahil sa kanya eh di sana nasa trabaho ako ngayon. Nagkaroon pa ako ng eyebag sa mata.

Nag isip akong mabuti kung ano ang idadahilan dito, yun bang kakapaniwala ang dating. At hindi na siya mag isip ng kung ano pa. Mahirap kasi itong paniwalain sa mga sinasabi ko dahil alam niyang mahilig akong mag tago ng sikreto. Bago ko pa ito mapaniwala ay kailangang madami akong sagot na reserba sa mga tanong niya.

Biglang nag click sa utak ko ang ilaw, ibig sabihin may nakapa na akong idadahilan sa kanya. Iyon ay ang dysmenorrhea. Tama iyon nga ang sasabihin ko. Mapipilit niya ba akong pumasok kahit meron ako.

Sinimulan ko ng tawagan si Tessa, matagal ang pag ring bago niya ako sagutin. Inayos ko ang pagsasalita ko Pati ang tono ng boses ko, yung boses na parang matamlay at walang ka buhay buhay. At sa wakas ay sinagot niya rin ang tawag.

Hindi pa nga ako bumubuka ng bibig at balak pa lang siyang kamustahin ay nauna na agad siyang usisain ako, inaalam kung bakit umabsent ako. Daig pa ang reporter kung makipag usap.

" Girl, where are you? Hindi ka ba pa pasok ngayon? Nasaan ka ngayon? Bakit hindi ka pumasok? May nangyari ba?" alam mo minsan may pagka OA din si Tessa.

Hindi ba pwedeng isa isahin lang niya ang pag tatanong. Ako lang ang kausap niyanat mahina ang kalaban.

" Hindi yata ako makakapasok ngayon, girl. Maraming nangyari kagabi eh," pag puputol ko pa sa usapan. Tapos nag drama ako ng konti sabay sapo sa aking puson.
" Ahhh. Sakit. Shit, bakit ba patak patak lang ang ihi ko at sumabay pa sa minstruation ko," umungol ako na hinihingal. Pinarinig ko talaga sa kanya ang aking pag daing.

Naulinigan naman sa kabila ang pag haling ing ko. Medyo nag alala siya sa akin.

" Huh, Taliya anong nangyayari sa iyo diyan? Anong naririnig ko na masakit sa iyo??? maynangyari ba sa iyo kagabi? na rape ka ba. na virginize ka ba???" sunod sunod niyang tanong sa akin na hindi magkamayaw ang nararamdamang pag aalala.

Hindi ko talaga alam na ganun ang mga tanong niya sa akin. Sino ba ang gagahasa sa akin sa party, pinag tutulungan nga ako kagabi eh. Di niya lang alam pero ikwekwento ko rin sa kanya kapag nandun na ako sa work. Kung may nag rirape man sa akin, hindi ko iyon hahayaang mangyari. Tama na ang isang beses na muntik akong mahalay at dito pa sa bahay namin. Mismo mo pang kuya ang gagawa ng masama sa iyo.

" Isa isa lang ang tanong, Tessa. Mahina ang kalaban. Hindi ako na virginize kagabi, dahil wala naman akong boyfriend at wala namang magkaka interest sa akin. Malabong mangyari ang sinasabi mo," pag tatanggi ko sa maling speculation niya.

" Eh, ano ba ang masakit sa iyo?" punto nito sa akin.

Naisip kong mag video call sa kanya, kaya inayos ko ulit ang sarili ko. Syempre linagay ko ang mga kalorete ko sa mukha para hindi niya ako mahalata. Ipakikita kong umiyak ako dahil sa sobrang sakit ng aking nararamdaman ngayon.

Ng okey na ay tinawagan ko siya, nag dial ako through video call sa kanya.

" Bakit ang tagal mong mag salita. Nawala ka pa ng ilang minuto. Ano ba ang ginagawa mo, kamusta ka na diyan?" nagtataka niyang tanong sa akin, medyo ginagalugad niya ang kwarto ko sa screen.

The Nerd Secrets जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें