Chapter 16

156 4 0
                                    

Malakas na tunog ang sumalubong sa amin, ang malalamyos na musika na mapang akit ang nag aanyaya na pumasok kami doon sa loob ng bar, Ibat ibang kulay ng liwanag ang nag sasabog sa loob. Mga nag sasayawan na mga kabataan at nag iinuman. Napatakip naman ako sa tainga na akala mo masisira na ang ear drums ko sa lakas ng tunog. Natawa na lang si Tessa sa inasal ko na iyon. Kahit pa paano ay naging okey na ito pagkatapos na ibuhos lahat ang sakit ng loob sa ex boyfriend na manloloko.

Mukhang hindi na siya bago sa lugar na ito dahil parang normal lng sa kanya ang ganitong ka ingay na paligid. Pumwesto kami sa isang sulok na malayo sa mga tao para iwas istorbo. Dumaan ang isang waiter sa amin at binigyan kami ng red horse na dalawang bote lang muna.

" Alam mo, girl pa minsan minsan dito ako pumupunta at tumatambay kapag may iniisip ako. Nawawala sandali ang aking problema sa pamilya, Love life at iba pa." tumungga agad siya sa baso at ininum iyon ng isang lagok.

Nakamasid lang ako sa kanya sa ginagawa niya. Maganda si Tessa, strong personality at sopistikada. Pero kahit ano ka pa ay linoloko ka pa rin ng pinag kakatiwalaan mo. Wala kang pag pipilian kung hindi ang sumugal, sumugal sa maling pagmamahal. Nag mamahal ka lang naman ngunit ang balik sa iyo ay isang pag durusa.

Katulad ko takot masaktan kaya mas piniling maging single na lang at mag paka nerd na lang sa sarili.

" Halata nga medyo sanay ka sa lugar na ito, girl." nilagyan ko ang aking baso at sinimulang tikman iyon ng paunti unti. Napangiwi ako ng malasahan ko iyon. Well hindi naman panget ang lasa parang tubig lang medyo mapait lang ng konti na mapakla.

" First time mo bang pumunta sa ganitong lugar?" maya maya tanong ulit niya sa akin." At first time mo rin ba na uminom, girl?" napuna siguro niya ang pag ngiwi ko ng sipsipin ko ang laman ng baso.

" Oo, masyado kasing strikto ang parent ko mabuti ngayon pinayagan na ako,"

Natawa lang siya. " Kasi nga iba ang rason mo girl papayagan ka talaga ng parent mo nuh. Ano nga ba ang dahilan mo.. ah oo, party!"

" Minsan lang naman ako mag sinungaling, inutusan mo kaya akong mag dahilan para may kasama ka sa pag dradrama mo," kaloka talagang babaeng to.

Habang nag uusap kami ay may banda na kumanta sa harap ng enteblado kumaway pa ito sa mga tao sa loob, nagsisigawan naman ang mga kababaihan lalo na ang mga bakla. Parang sikat sa loob ng bar ang bokalistang ito.

Nag umpisa na itong kumanta ng Pusong ligaw, Lalo tuloy nag hiyawan at kinilig ang mga tao.

" Kung may gusto kang awitin girl, mag request ka lang,"

Tumango tango lang ako sa kanya. At nag pokus lang sa banda.

Bakit ba kapag kumakanta ito ay ramdam na ramdam ko ang emotion niya. May laman talaga, para iyon sa mga taong kahit sinaktan na ay siya pa rin ang iibigin.

Naulinigan kong nag drama na naman si Tessa,

" Tama na, girl. Huwag mong sayangin ang luha mo sa mga ganyang lalaki. You deserve a better one," pag bibigay kumpyansa ko sa kanya. Naaawa ako sa kanya, hindi talaga siya maka get over. Baka pati sa trabaho hindi na siya maka pag pokus.

Ilang sandali pa ay nag iba na naman ang musik, yun bang pang energetic. Medyo nag bago na naman ang takbo ng pakiramdam niya. Naging wild na pati ako gumagaya na rin sa kanya.

Kumuha pa siya ng ilang bote ng inumin.
At tama nga ang sinabi niya nakakatanggal nga ng stress ang mga tugtugin dito sumusunod ka sa liriko. Naubos na namin ang bote hanggang sa madagdagan iyon ng isa pa. Nakakaganang uminom kapag may pulutan.

Ilang sandali pa ay nagsayawan na sa dance floor at marami ang sumasayaw sa gitna. Hataw na hataw ang mga kabataan, maya maya pa ay nakisali na rin si Tessa na akala mo nakawala sa hawla. Ganito pala siya kapag natamaan. Pinanood ko lang siya na gumigiling giling sa gitna. Nakakaramdam din ako ng pag ikot ng paningin ko. Medyo natamaan na rin yata ako sa alak.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now