Chapter 21

144 6 0
                                    

Habang pabalik balik ako sa kinaroroonan ko sa loob ng Kwarto, marami akong iniisip kung paano ako makakalayo sa bahay na ito.
Ilang saglit pa ay naulinigan ko na ang pag busina sa labas ng gate, nag papahiwatig na nandiyan na ang mga magulang ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang kotse no daddy. Namataan ko ring lumabas si manang at dali daling pinuntahan ang gate at pinag buksan ang mga magulang ko  para makapasok ng agaran.

Pagkababa ng mga ito ay walang pasubaling  agad isinumbong ni manang na merong panauhin at nandiyan sa  sala si Don Alfonso na naghihintay sa kanila. Ayaw man niyang papasukin ay nag pumilit ang mga itong pumasok na baka pinag tataguan sila ni Greg. At ng sabihin ni Saling na nakita ng mga ito ako ay agad pumasok sa loob ng bahay si daddy kasunod ang mommy ko na biglang nangamba sa akin, pero na pansin kong wala ni anino ni kuya Greg ang nagpakita. Nakinig ako sa pinag uusapan nila at hindi talaga ako makapaniwala sa aking malalaman sa kinasasangkutan ni Kuya Greg.

Ng makapasok ng bahay ay agad nagtitigan ang dalawang mataandang lalaki.

" Anong ginagawa mo dito at bakit ka pumasok sa aking pamamahay?" galit na tanong ni Albert.

Pero hindi natinag si Don Alfonso kalmado PA rin.

" Nasaan ang magaling mong anak Albert, tinakasan na ba ako?" nakangising balik tanong nito sa daddy ko.

" Trespassing ka na Don Alfonso, "

" Hindi ako naghahanap ng away Albert, may usapan Kami ng anak mo ngayun niya ako babayaran ng buo,"

" Hindi ko alam kung nasaan si Greg at bakit dito mo saamin hinahanap, umalis na kayo "

" Malay ko ba na tinatakasan ako ng anak mo Albert alam mo naman siguro ang utang ng anak mo, " biglang nag seryoso ang don.

" Wala kaming pakialam kung anong atraso sa iyo ng anak ko labas na kami dun, hanapin mo siya kung mahagilap mo. Problema niyo iyang dalawa. Hindi na siya umuuwi dito mga ilang araw na," walang pakialam na sagot ni Albert.

" So thank you na lang ba ang atraso niya sa akin. Ganun ba???" biglang nag iba ang timpla ng itsura  nito dahil sa sagot ng daddy ko.

" Bakit ba, sino ba ang nag utos sa iyo para pautangin ang Anak ko? Tapos ngayon kaming mga magulang niya ang babalingan mo. Hindi ka ba kontento sa plantasyon namin.. " matigas ang boses na sambit ni Albert. Nag pipigil siya na baka masapak iyo dahil sa may mga kasama itong mga tauhan.

Lumapit si Cynthia sa matanda, " Don Alfonso, baka pwedeng mag bigay ka pa ng palugit baka naghahanap pa ang anak ko ng pambayad sa utang niya sa inyo, "

" Ilang ulit na akong nag bigay ng palugit pero wala namang nangyayari katulad ngayon nasaan siya? Tinakasan ako wala ba siyang pakialam sa inyo kung kayo ang balikan ko sa atraso niya, " napangisi ang matanda.

" Nagbabanta ka ba? "

" Hindi ako nagbibiro, Albert. "

Nagtagis ang bagang ng aking ama at hindi niya maintindihan ang gusto ng mataanda.

" So ano ang gagawin mo sa amin? Papatayin mo Kami? "

Natawa ng nakakaloko si Don Alfonso Sa tinuran ni Albert.

" Huwag mo nga akong gawing criminal, Albert,"

" Umalis ka na Don Alfonso. Wala kang makukuha sa amin. Hindi ko ibibigay sa iyo ang yaman ko dahil Lang sa katarantaduhan ng anak ko, Alam kong gusto mo kaming gipitin dahil sa kaagaw mo Kami sa mga investors pero you see, maliit Lang ang negosyo namin kumpara sa iyo, " itinuro pa ni Albert ang pintuan Palabas.

"Hindi pwedeng wala akong makukuha sa Anak mo Albert,"

" Kahit kailan Isa kang sakim, Don Alfonso! "
bulyaw ni Cynthia.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now