Chapter 9

168 4 0
                                    

Naisipan kong mag grocery na lang sa Gaisano Mall, which is kompleto naman ang bilihin dito. Nandito na ang grocery at shopping. Kung nagugutom ka ay may mga restaurant din just like Jollibee at chowking at etc. Kung gusto mo malibang ay nasa taas ang world of fun para pasayahin ka.

Bago kami mamili ni manang ay dinala ko muna siya sa kainan siyempre. Kain muna bago walwal. Pinapili ko siya kung saan niya gustong kumain. Nahihiya pa nga rin siya sa akin kahit treat ko siya. Hindi niya expected to na mangyayari.

" Manang, saan mo gustong kumain, treat ko ngayon. " pukaw ko sa kanya ng nasa loob na kami ng mall.

" Kakain ba ma'am? Huwag na po, ma'am." pag tatanggi nito gamit pa ang mga kamay.

" Naku, manang Saling. Huwag ka ng mahiya. Tayo lang naman ang mag kasama. Siyempre masaya ako kasi isinama mo akong mamalengke. Kaya don't hesitate na, minsan lang naman to. Tatanggihan mo pa ba?" pinandilatan ko siya na parang nag tatampo.

Nag isip isip pa siya." Sa Jollibee na lang ma'am. Yun kasi ang lagi kong naririnig sa mga apo ko. " matipid siyang ngumiti.

" Sige, doon tayo sa Jollibee manang. Halika na. " masaya ko siyang hinila sa direksyon ng restaurant at nagpahila naman siya sa akin.

Naghanap kami ng hindi okupadong pwesto. Sa akin nakamasid ang ilang kumakain dun, masking ang crew. Pero hindi ko sila pinansin, dedma lang ang ibinato ko sa kanila. Hindi ako magsasayang ng laway sa mga taong mapanghusga at kung sino maka asta. Ng makahanap ng lugar ay iniwan ko muna saglit si manang upang umorder.

Mahaba ang pila dahil marami ang customer. Naki pila ako sa mga nag uumpukan, ilang sandali pa ay naka amoy ako ng mabaho. Hindi ko talaga kaya ang amoy parang amoy bayabas na humahalo sa pawis at libag ang nasisinghot ko, ito ay parang putok sa kilikili.

Inilibot ko ang aking mata, hindi ko pansin sa akin din sila nakatingin, tinging natatawa at nagsasalubong ang mga kilay. Dumistansya sila sa akin at alam ko na ang problema nila, ayaw nila akong makatabi dahil baka matapunan sila ng kapangitan ko. Ang arte nila, akala mo ang gaganda at gwagwapo, may itinatago din palang kamandag na tatalo pa sa akin.

Malapit na ako sa may cashier ng may mag hagikhikan, ayaw ko talagang makarinig ng ganun, iba kasi ang tingin ko sa mga ganung tao. Piling mo nag haharutan sa kanto. Ako yata ang pinag bubulungan ng dalawang pumipila rin. Babae at lalaki, hinagod ko ng tingin ang mga ito. Akala mo ang linis ng babae may erikis naman sa hita, proud pang mag short ng maikling short tapos wala pang butt at boobs, mas sexy pa nga dito ang bote ng coke. Gosh!, samantalang sa lalaki naman hati ang buhok akala mo si sang goku, idagdag pang nag insert ito ng damit tapos yung salwal nito ay jagger. Dumausdus tuloy ang salwal sa pwitan na walang masabitan.

Habang inoobserbahan ko sila, hindi ko mapigilang matawa, kung natatawa sila sa akin ay mas lalo ako. Pero mahina lang iyon yung pa simple lang. Akala nila yung pinag tatawanan nila ay totoo sa nakikita ng kanilang mata. Sila yata ang mas real, madali mong mahuhuli kung sino talaga ang tiko ng ugali.

Ako na ang susunod sa counter ng may mag reklamo sa cashier na isang binatilyo.

" Bago ka bang cashier, dito miss? Ang bagal mo naman. Pwede bang pakibilisan naman, ang tagal umusad." wagas maka mandar ang isang to. Akala nito siya lang ang customer.

" Oo, nga. Kanina pa iyan." dagdag pa ng isa.

Sinagot naman sila ng cashier.

" Huwag kayong atat diyan sir at ma'am. Hindi ako robot para bilisan ang galaw ko. " nainis naman ang cashier sa mga ito. Kaya ako na susunod na sana ang mag oorder na stock up na lang muna. Tumigil kasi ang cashier at hinarap ang mga ito. Alam mo yun pag dating sa akin madaming umi epal.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now