Chapter 24

144 6 0
                                    

Nakikiramdam ako sa paligid, gusto kong magtago sa likuran ni Don Alfonso o magtago na Lang sa mga kasulok sulokan na pwedeng taguan, dinadasal ko na Sana ay lamunin na Lang ako ng lupa para hindi na ang landas na in magkita, hindi ko mapigilan ang mga paa ko na nangangatog dahil sa lamig ba o sa nararamdaman kong kaba at takot, parang gusto ko ng tumakbo ng matulin Palabas Ng mansyon at tumakas pero baka mag taka sila Kung ano ang nangyayari sa akin. at mahalata nilang may pinag tataguan ako.

Dahil sa samot saring emosyon hindi ko napansin ang pag puna sa akin ni Maria. Binulungan niya ako na kami Lang dalawa ang nakakarinig.

Kinurot niya ang aking siko Kaya napa baling ako sa kanya.

" Anong problema mo, taliya, umayos ka nga para kang ano diyan..."

" Paki mo, mind your own business," sinamangutan ko siya Kaya lalo itong nainis sa akin.

" Huwag kang parang tanga na Kung saan lumilipad ang utak mo. Tandaan mo ayaw ni donya Esmeralda ng tangang katulong na naninilbihan sa pamamahay niya, at huwag mo rin akong idamay sa katangahan mo."

Hindi na ako sumagot pa sa sinasabi sa akin ni Maria dahil hahaba Lang ang diskusyon namin kapag gumanti PA ako.

" Ano ang pinag uusapan niyong dalawa,? " singit na tanong ni Don Alfonso." Mukhang seryosong usapan iyan, Mukhang nakalimutan niyo na na bawal ang mag kwentuhan kapag may darating,"

" wala po Don Alfonso, pinagsabihan ko lang siya," magaling talagang mag palusot si Maria Kaya tumango tango na Lang ulit si Don Alfonso.

Ako naman pinilit kong huwag mag paapekto sa mangyayari, dapat hindi ako mag patalo sa anak ni Don Alfonso. Nangangamba lang ako dahil narito ako sa balwarte ng pamilya niya at wala ako sa labas para para ipag laban ang sarili ko sa mga taong masasama ang ugali at mapang mata sa kapwa.

Binulungan ako ni Don Alfonso na sumunod lang sa mga gagawin ng mga katulong at wala akong masabi kung hindi ang tumango lang sa kanya.

Parang ayaw kong mag salita at makipag bangayan muna dahil sa ngayon pokus muna ako. Tiningnan ko Lang siya ng marahan. Una sa lahat wala sana ako sa pamamahay na ito kung hindi dahil sa matandang ito.

Dahil Sa isiping iyon ay bigla na naman akong nainis at sinamangutan siya, hindi naman siya nagulat sa inasta ko sa kanya dahil alam niya kung ano ang kinaiinisan ko sa kanya.

" Dumating na sina ma'am Esmeralda at sir Justine. Mag handa na kayo." Sabi ni Esmeralda. Umalis sa aking tabi si Don Alfonso at nag tungo sa labas para salubungin ang mag ina. Nakita ko na naman ang mokong na nakangiti ng makita nito ang ama. Bakas sa swabe nitong kagwapuhan ang plane white shirt na nagpatingkad sa kalinisan nito sa katawan. Ang hilig nito sa puting damit. At maong na kupas na naka rubber shoes lang simple lang itong manamit pero halata pa ring mayaman ito.

Dumaan na ito sa kanila yumuko lang kami, ang mga kamay ko ay napahawak sa aking mahabang damit na akala mo ay Isa akong muslim. Ang kaninang nakangiting lalaki ay unti unting nawala ng makita ako nito. Nagtaka siguro ito at nandoon ako ngayon sa bahay ng mga ito. Hindi ito nagsalita o gumawa ng kung anong bagay na ikakaavaa ng atensyon ng iba, tahimik lang itong nag matsag. Dumiresto lang si Don Alfonso pero ang asawa nito ay napatigil ng makita ako. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa at binusisi at inikutan pa.

" May bago pala tayong bagong katulong, Alfonso? Hindi ko alam na kinukulang pa tayo ng basahan." Kutya nito sa akin.

Parang na often ako sa sinabi ng asawa ni Don Alfonso, may pinag manahan pala ang ugali ng anak nito. Biglang nanginig ang aking mga tuhod.

" Esmeralda! Tama na iyan. " Saway naman ng Don.

" Sabihin mo sa akin kung saan siya nanggaling, para naman may alam ako. Baka magnanakaw to, itsura pa lang hindi na mapagkatiwalaan." Patuloy pa rin ito sa pagtapak sa aking pagkatao.

Napansin kong nakatitig pa rin sa akin si Justine, parang nag pipigil ito nakita kong kuyom ang kamao. Ano sasapakin ba ako nito?

" Sasabihin ko sa iyo mamaya, Esmeralda. But please huwag mo na siyang pansinin." Pakiusap nito at hinila na ang asawa.

Tuluyan ng dumaan ang tatlo papunta sa itaas ng mga silid ng mga ito. Nag sibalikan naman kami sa trabaho namin dinala ako ni Maria sa mini library at doon ibinigay ang trapo sa akin.

" Oh, trapo ayusin mo ang pagtratrabaho para hindi ka mapagalitan ng amo natin. Masyadong alergy sa alikabok si donya Esmeralda kaya pagbutihan mo. Huwag Kang mag reklamo wala ka ng magagawa pa. " Paala nito sa akin at iniwan na.

Tiningnan ko lang ang trapong iyon. Imbes na nasa site ako ngayon at heto ako at nakahawak ng trapo bakit ba natama din na hindi ako pumasok at pumunta ang matanda sa bahay namin na hindi ako prepared.

Napatiim bagang ako at kinumos ang trapong iyon at ibinato sa sahig. Para na akong timang sa kakaisip sa nangyayari sa akin dito. Dapat hindi ako sumunod sa ipag uutos nila hindi ako utusan bahala sila. Sila naman ang nag dala sa akin dito at pinilit lang ako, so bahala silang mag trabaho. Sa amin hindi ako ginagawang muchacha ng pamilya ko alaga pa nga na parang isang prinsesa tapos dito isang utusan lang.

Sumandig ako sa may shelve at pinag cross ang aking mga kamay. Nasa ganun akong posisyon ng biglang maka rinig ako ng yabag na parang papalapit sa aking paroroonan. Pupulutin ko sana ang trapo ng biglang tapakan nito ang isang kamay ko. Napatanga ako sa pang lalaking paa na naka tsenelas, naka manicure pa ang mokong ng natural. Ano kaya ang pakay nito at dito pa pumunta sa mini library.
Nakikita ko sa mukha nito ang galit at pagkainis sa pagmumukha ko.

Napaaray ako sa sakit dahil sa pag ipit nito sa aking kamay.

" Walang hiya ka, bakit mo inipit ang kamay ko, masakit.!" sigaw ko dito pero wala itong anong expression.

" Masakit ba? Kulang pa iyan sa ginawa niyo ng kuya mo sa akin." Parang nag tanim ito ng galit sa among dalawa ng kuya ko.

" Kasalanan mo naman. Kung hindi mo ako kinaladkad eh di sana hindi ka nasabit sa gulo." Sagot ko naman na tinaasan ito ng boses.

" Kasi nga may atraso ka sa akin. " Kinuha na nito ang paa na ginamit pag ipit sa aking kamay. Namula iyon na agad kong itinago sa aking likuran. Bigla itong ngumisi na parang may gagawin pa itong iba sa akin.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now