Chapter 7

169 3 0
                                    

Abala ako sa pag a analysis ng aking project, tinuunan ko talaga ng pansin para pag aralan ang bawat detalye nito. Nilaanan ko ng oras para matapos ko na agad. Kahit na maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan ay kailangang unahin ko ang importanteng bagay.

Habang ginagawa ko iyon ay nakaramdam ako ng uhaw, kaya napag pasyahan ko na lang muna na bumaba sandali. Maaga pa naman para mag pahinga at matulog.

Pumunta ako sa kusina at naabutan ko si manang Saling na naghuhugas ng mga plato. Hindi niya ako napansin dahil busy ito sa ginagawa. Habang tinititigan ko siya ay bigla akong naawa sa kanya. Para kasi sa akin mas mahirap ang trabaho nila at kakarampot lang ang kanilang kinikita. Alam kong nakaramdam na din ito ng pagod at gusto na ring makapag pahinga.

Naisipan ko na tulungan siya, kahit dun ay mabawasan ang trabaho niya. Uminom muna ako ng tubig bago siya nilapitan.

Napansin niya ang aking presensya at napalingon ito sa akin.

" Ikaw pala ma'am Taliya, may kailangan ka po ba ma'am? " tanong niya sa akin.

Pumunta ako sa tagiliran niya at tumingin sa mga hinuhugasan.

" Hindi ka pa po inaantok? Mukhang ready naman na kayo matulog, " dagdag niya.

Naka suot na kasi ako ng long pants na pang tulog dahil ayaw ko ng ma exposed ang mga hita ko sa mga matang mapanghubad. Kahit nasa bahay lang ako ay dapat maging alerto ako. Naka suot ako ng maluwang na damit na t-shirt at naka lugay na buhok, baka kasi mag suot ako ng maiksing damit ay umiba na naman ang isip ng kuya ko at alam kong nag kokontrol lang ito sa sarili.

" Hindi pa ako inaantok manang. Kaya naisipan kong bumaba tapos naabutan kita rito, tulungan na kita para madaling kang matapos sa ginagawa mo, " susubukan kong agawin ang pinggan na hawak niya pero hindi nito hinayaang ibigay sa akin.

" Naku, ma'am Taliya huwag na po, binabayaran po ako ng tama kaya dapat mag trabaho din ako ng tama. At hindi ang mag patulong sa amo baka ano pa ang isipin ng mommy at daddy niyo, " tanggi niya sa akin. " Umupo lang po kayo diyan at tingnan niyo na lang ang ginagawa ko, "

Pero nag pumilit pa rin ako kahit na ayaw niya. " But I want to help you manang, please! Kahit ngayon lang," sabay pa akong nag makaawa sa kanya. Ginulo na lang niya ang buhok ko sabay niti.

Parang anak lang ang turing niya sa akin. Kasi mas madalas ko kasing kasama si manang sa bahay kaysa sa aking mga magulang. Ang mga magulang ko kasi masyadong busy sa lahat ng bagay. Minsan nga lang kami magkaroon ng trip. Ako naman simula ng mag trabaho ako ay duon na ako nag pokus. Malimit lang din ako tumambay dito sa bahay.

" Ikaw talagang bata ka, are you sure, ma'am? Ikaw ang bahala sa akin, huh. Ayaw kong mapagalitan. Mahal ko pa po ang trabaho ko, " paninigurado niya sa akin na umiiwas mapagsabihan, ayaw niyang mapagalitan. " Kayo na lang po ang mag lampaso ng sahig at ako naman po ay mag lilinis ng mga kaldero," pag bibigay niya sa akin ng instruction.

Para sa akin madali lang naman ang mag lampaso. Hindi mahirap gawin. Nakita kong pumunta siya sa stock room at pag balik ay may bitbit na itong pang lampaso at baldeng may tubig. Idinawat niya sa akin at agad ko namang kinuha.

Tinitigan niya pa ako ulit na nanantya sa kapasidad ko sa pag lalampaso. Tingin niya kasi sa akin hindi ako sanay sa ganun. Sa totoo lang hindi ko naman masyadong ginagawa to, gusto ko lang eh try kung ano ba ang pakiramdam ng naglilinis ng bahay. Minsan kasi ay nakikita kong nag lalampaso si manang ng sahig bago matulog.

" Marunong ka bang mag lampaso, ma'am?" tinitigan niya ako ng mabuti na nangungusap ang kanyang mga mata.

Alam niyang hindi ko naman ginagawa ito dahil hindi niya naman ako nakitang nag lalampaso pero naranasan ko ng mag lampaso sa totoo lang. Nagkataon lang na wala siya rito at nag di day off.

The Nerd Secrets Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz