Chapter 19

141 5 0
                                    

" Ano ang gusto mo anak? Heto ba, bagay sa iyo 'to?" sinusukat ni mommy sa akin ang damit. Marami na siyang pinili pero hindi ko type ang gusto niya.

Narito kami sa isang mall sa Robinson. Niyaya niya akong lumabas, lagi na lang kasing si Jonathan na kapatid ko ang kasama niya. Nasasawa na siguro siya kaya ako naman ang pinuntahan niya. Nasa poder kasi nila mommy si jonthan nakatira samantalang ako, mas gusto kong maging independent na ako lang. Walang maingay at magulo, walang sisita sa iyo kung ano ang gusto mo. Malaya ako sa ano man ang ginagawa ko sa buhay ko. Yun nga lang kailangan ko ring maging maingat sa mga taong manloloko.

" Mom, hindi ako mahilig sa ganyang kulay. At you see ang pangit ng design," pinakita ko pa sa kanya ang design. Parang dekorasyon na bandiritas.

Naalala ko na naman ang babaeng 'yun bagay sa kanya ang ganitong mga damit, ang pa pangit!

" Ano ka ba anak, ganyan ang uso ngayon, " pamimilit niya parin sa akin.

Parang gusto kong mag wala, never akong susout ng ganyan.

" Ikaw na lang mag suot mom, ikaw naman ang may gusto diba? Hindi ako weird,"

" Weird? Hindi naman kaya, ikaw lang nag iisip ng ganyan. Bagay to sa iyo, huwag ka ng mag inarte," pilit isinusuot sa akin. Dumistansya ako sa kanya at lumayo.

" Alam mo Justine, hindi mo na appreciate ang gawa ng mga designer at mananahi, hindi ka kasi nasanay na magsuot ng ganito," pagalit na sermon na sa akin.

Nakamasid lang Yung sales lady sa amin. Alam ko naiirita din ito sa akin, isang tambak ba naman ang aayusin niya. Well, wala akong pakialam.

Napabuntong hininga na lang ako. Basta ayaw ko hindi niya talaga ako mapipilit.

" Ayaw ko nga ng may design mom, I want a simple shirt okey, and pants."

Nag hanap ako ng damit na naka sabit sa hunger. Pagkatapos ay napatigil ako sa kulay puting polo, medium iyon. I like it, hindi masakit sa mata. Tinawag ko ang batang sales lady.

" This one, I take it," itinuro ko lang sa kanya at tumalikod. Iniwan naman ni mommy ang nakatambak na nga damit at sumunod sa akin.

" Hindi mo ba susukatin ang damit na 'yun , anak?" nagtatakang tanong niya.

" Nope, I know my size, mom. Kahit kailan kasi nakakalimutan niyo kung ano ang gusto ko," pagsusumamo ko.

Kumapit siya sa aking braso. " Alam mo anak, paano ko matatandaan ang gusto mo eh, paiba iba ka ng gusto, hindi nga kita maintindihan,"

So ako pa pala ang may kasalanan, malay ko ba na paiba iba ang taste no mommy, sabi ko nga kanina kung ano ang uso 'yun din ang gusto niya.

Tinawanan ko na lang siya." Basta mom, hindi ako mahilig sa madaming kalorete, try mo kaya kay Jonathan kung susuot ba siya ng ganyan,"

" Mmm.. Hindi ko alam anak," tanging nasabi niya, oh diba hindi nga siya sigurado kung susuotin ba ng kapatid ko. Baka itatapon lang nito 'yun.

Ang sunod naming pinuntahan ay ang spa. Nag pa derma si mother, hindi talaga pahuhuli sa mga kabataan ngayon. Kahit ayaw ko ay pinilit niya pa rin ako. Kaya pumayag na lang din ako para naman mawala ang pananakit ng aking kasu kasuan.

" Akala ko tatanggi ka pa, anak, kailangan mo to para manatili kang gwapo," biro sa akin ni mom saka natawa,

Ako naman napaismid, mahilig talagang mag biro ang Ina ko. Alam kong gwapo na ako kaya hindi nya na dapat ulit ulitin pa.

" I know mom, kanino pa ba ako nag mana eh di Kay dad, "

Nag hiwalay kaming dalawa, hinubad ko ang aking pang itaas at dahan dahang humapa sa pang massage na katre. Tanging tela lang ang nakabalot sa aking likod at brief habang nakatalikod sa massage therapist. Inumpisahan na ng babae ang trabaho niya.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now