Chapter 22

153 5 0
                                    

Pasaan ba at mabubuksan din nila ito. Nabuksan Nila ang pintuan ng banyo. Agad kong pinaandar ang host pasalubong sa nagtatangkang pagpasok nila, agad napaatras ang dalawa dahil sa pagkabigla at hindi inaasahang sasalubong sa kanila. At Iyon ang pagkakataon ko para makasalisi palabas Ng cr, no choice na ako.. Nakita ko si manang saling na sa mukha ang pag aalala, Naka antabay sa may pintuan na parang nag aabang at tumitingin Kung ano ang nangyayari sa akin, akala siguro niya dadaan ako sa pintuan pero hindi dahil papunta Iyon sa matandang hukluban, sa bintana ang direksyon ng mga Mata ko, tumakbo ako dun habang simula na akong habulin ng dalawang asungot. Binuksan ko ang kurtina at walang lingong umakyat at tatalon na Sana pero bago Iyon mangyari ay may dalawang kamay ang pumulupot at humawak sa aking tiyan. Pinipigilan ako ni manang makatakas! ,

"Huwag mong Gawin Iyan, taliya. Mamatay ka kapag tumalon ka, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo, "

" Bitiwan mo ako manang, hindi ako Mamatay.. Swimming pool ang babagsakan ko," pilit kinakalas ang mga kamay niya.

Huli na para bitiwan niya ako dahil nakalapit na ang dalawa.

Hinuli na ako ng dalawa, mabilis silang nakalapit saakin. Kung hindi Lang sana ako pinigilan sana naka takas na ako.

" Pasensya ka na Taliya, nakalimutan Kong may swimming pool Pala.. " parang natauhan ang katulong at natameme na Lang na abot tanaw na lang akong binitbit ng dalawa.

Binitbit nila ako hanggang baba ng hagdan kahit na nagpupumiglas PA rin ako. Titig na Titig na naman sa akin ang matanda. Para bang lalamunin niya ako sa mga titig niya.

" Mommy, daddy tumawag kayo ng pulis!" utos ko sa kanila pero parang tahimik lang ang mga ito. " ones makaalis ako dito, Ipapakulong kita don Alfonso," nagngangalit ang aking panga dahil sa galit sa matanda.

" Anak pag pasensyahan mo kung wala kaming magawa tiisin mo muna diyan ibabalik ka rin sa amin kapag bayad na ang utang ng kuya mo, " hinging pasensya ng daddy ko para akong natigalgal sa sinabi ng mga ito. Hanggang kailan ako mag durusa sa poder ng mga verde. Ang bilis naman nilang mag desisyon. Nakakabigat talaga ng loob.

" Ano bang sinasabi niyo dad, papayag na Lang ba kayong ganituhin ako,"

" Hindi naman sa ganun Anak-" sasagot pa Sana pero nagmatigas ako.

" Dad hindi mo ba naiintindihan, Ginawa akong pambayad utang ni Kuya, tawagan mo siya pauwiin mo siya dito. Siya dapat ang humarap sa matandang to, at hindi ako ang bitbit.. "

" Pero Anak, hindi PA rin sapat..."

" Marami naman din tayong Pera bayaran niyo na ang utang ni Kuya, "

" Hindi sapat Iyon Anak, Kung ibabayad natin ang pinagkukunan ng income natin. Saan tayo pupulutin," malungkot na sagot ni daddy.

" Mag dodoble kayod tayo, sa pesteng utang na iyan ni Kuya. " tinitigan ko ng matalim ang matanda.. Nakangisi siya sa akin, akala mo isang asong ulol.

Napahalukipkip Lang siya at tinititigan ako ni daddy ng makahulugan. Alam Kong daming mabibigat na bagay ang dumadagan sa utak niya.. Hindi ito makausad dahil sa bilis ng mga pangyayari.

" Huwag kayong mag sunod sunuran sa matandang iyan.. Huwag kayong pumayag na ilagay niya tayo sa mga palad niya para paikutin sa lahat ng gusto niya,"

Kinulong ni daddy ang mukha ko sa mga palad niya, ramdam ko ang init at higpit nun.

" Anak, kahit anong mangyari babawiin ka namin hindi Lang sa ngayun.. Kaya magpaka tatag ka lang, Okey. " pinalakas niya ang loob ko.. Napapikit na Lang ako.

At narinig ko ang masiglang boses ni Don Alfonso.

" Hello my Architect it's you again wearing of your ugly mascot. Now I understand kung bakit ka nagsusuot ng ganyan for your safety. Dont worry your secret is safe, " Nakangiting puna sa akin ng matanda.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now