Chapter 6

183 5 0
                                    

Mag aalas nuebe na ng dumating kami sa bahay. Yung piling na pagod ka sa mahabang biyahe tapos hindi ka pa nakaka kain ng hapunan. Dahil sa maraming nangyari ay piling mo tinatamad ka ng kumain at matulog na lang ng mag damag upang maibsan ang pagod sa buong mag araw na pag tratrabaho.

Dumiretso ako sa aking kwarto at ini lock iyon agad. Nag dive ako sa aking higaan at isinubsob ang mukha sa malambot na kama. Pagkatapos ay binaliktad ko ang aking sarili at humarap sa ibabaw ng kisame. Ipinikit ko ang aking mga mata at pinagaan ang pakiramdam Kasabay ng pag buntong hininga. Ilang saglit pa ay iminulat ko naman agad iyon at napadako ang aking paningin at sumulyap sa naka kwadradong litrato sa may ibabaw ng lamesa na nasa gilid ng aking kama.

Ito ay ang aking lumang larawan noong ako ay musmos na bata pa lang, nakasuot ng bistidang floral na bumagay sa akin at sandals na pula, naka head band ako na may bulaklak na nakasabit sa aking kanang tainga. Nakikita ko ang aking kamusmusan, may pagka inosenteng mukha na parang walang iniisip na problema kung hindi ang ngumiti lang sa camera.

Para akong tanga na nagsasalita mag Isa. Pero ginagawa kong positibo ang isang bagay na nagiging balakid sa akin.

" Sorry myself, there's a lot of people kasing mapag panggap. Hindi mo alam kung ano ang inisip nila. Hindi ka pwedeng mag tiwala kahit kanino man. Isipin mo na hindi ka secure sa mga kamay nila. Itatake advantage ka lang at aabusuhin ang iyong kahinaan, much better to be alone than to be with someone na titirahin ka patalikod. It's okey na mas pokus ka to the future together with your family. Kasi first of all sila ang nakakakilala sa iyo at nakakaalam ng sikreto mo, " pilit ko iyong itinatak sa aking isipan ang mga posibilidad na maaring mangyari sa akin sa hinaharap.

Habang nasa malalim akong pag isip ay may kumatok sa aking pintuan. Napabangon ako at pinag buksan si manang Saling, matagal na itong nag sisilbi sa amin at nasaksihan nito ang aking pag usbong simula ng ako ay musmos palamang hanggang sa magdalaga na. May katandaan na siya dahil sa buhok niyang nag halo na ang puti at itim sa kanyang buhok.

Ipinapabatid ng aking ina na handa na ang hapunan sa hapag at ako na lamang ang hinihintay.

Alam nga niya ang lihim ko pero hindi niya ipinagsasabi sa iba ang tinatago kong sikreto. Minsan nga hindi maiwasang tawanan niya ako dahil sa ginagawa ko sa sarili kapag kapag nag tratransform na bilang isang nerd na babae. Naintindihan niya naman iyon kung bakit ako ganun.

Ngiti ang ibinungad niya sa akin ng nasa tapat siya ng aking pintuan.

" Ma'am, food is ready. Ipinapababa na po kayo ng mommy nyo para sabay na kayong kumaing tatlo ni sir Albert. Lalamig po kasi ang pagkain,"

" Okey, manang Saling sabihin mong susunod na ako pababa at mag papalit muna ako ng damit,"

" Okey, ma'am, " pagka sabi niya ay agad naman siyang umalis sa pintuan at tinunton ang direksyon kung saan ang hagdanan pababa.

Sinarado ko ulit ang pinto at nanghilamos muna ng mukha. Tinanggal ang mga kalorete ng pang abang sa tinatago kong itsura at nagpalit na ng damit, pagkatapos ay lumabas na rin ng kwarto pagkaraan ng ilang minuto.

Nang bumaba ako ay naka pwesto na sila sa hapag at ako na lang ang hinihintay, dalawang silya ang hindi akupado, bineso ko muna sila bago ako umupo sa isang silya at pinusod ang mahaba kong buhok gamit ang rubber bond.

Napasulyap ako sa katabi kong bangko na walang nakaupo, kaya tinawag ko si manang Saling na makihalubilo na sa amin para sumabay na sa aming kumain.

"Manang Saling, sumabay ka na sa amin nina dad at mom, kumain. Wala naman si kuya Greg, ikaw na lang ang umupo dito sa tabi ko," anyaya ko na hinila ang bangko para makaupo siya ng maayos.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now