Chapter 32

140 3 1
                                    

Cruz Family Pov

DALAWANG araw pa nga lang ang nakalipas buhat ng kunin si Taliya sa amin ay parang nawalan na ng sigla ang loob ng pamamahay namin, lalo na si Cynthia na miss na miss na ang unika iha namin. Wala siyang ganang kumain, parang nawalan na siya ng panlasa, samantalang tahimik Lang Ako at panay tingin Lang sa labas ng bintana paharap sa kalsada na nagbabasakaling dumating ang anak namin.

Naawa na tuloy si manang saling sa aming mag asawa. Isa pang prinoproblema Namin ay ang magaling kong anak na si Greg na hanggang ngayon ay hindi PA rin komokontak, hindi ko Alam Kung buhay PA ba o hindi at nakakaya ng konsensya niyang hindi magpakita sa amin.

" Kamusta na Kaya ang anak nating si Taliya, Albert.. Sana hindi siya mahirapan sa pag Tira sa mga Verde," mangiyak na naman ang aking kabiyak dahil sa kaiisip.

" Huwag kang mag alala, Cynthia.. Aalagaan ni Don Alfonso ang anak natin. Nangako siya.." pilit kong pinapagaan ang loob niya.

" paano niya Aalagaan, Albert.. Ginawa nga niyang katulong Diba.. Ibig sabihin Isa na siya sa mga utusan ng Don.." naglandas na naman sa pisngi nito ang butil ng luha..

Ako ang nahihirapan kapag nakikita kong ganito ang aking asawa. Ilang saglit PA ay pinunasan nito ang mukha. Tumayo si Cynthia.

" Saan ka pupunta,? " takang tanong ko sa kanya..

" kasalanan to ni Greg ng dahil sa kagaguhan niya nadamay Pati kapatid niya.. Siguraduhin Lang niya na huwag siyang mag papa Kita sa atin.. Kakalbuhin ko talaga ang panganay natin, Albert." bigla siyang nag tanim ng galit sa sarili niyang anak. Kahit ako man ay ganun din.. Wala ng idinulot na maganda ang lalaking iyon.

Kulang na Lang na sabihin ko na pinagsisihan kong Naging Anak ko PA si Greg.. Saan ba Kami nag kulang sa pagpapalaki sa kanya para mag isip siya ng Tama.

" Manang Saling, kunin mo ang Cp ni Taliya at credit card sa kwarto niya," utos ni Cynthia Kay manang na agad namang tumalima paakyat ng kwarto.

Naiwan kasi ni Taliya ang mga importantanteng bagay sa kanya, hindi na niya nadala dahil sa pag pwersa sa kanyang palabasin ng kwarto. Kaya wala kaming koneksyon sa dalaga Kung nakakain PA ba ito ng Tama o hindi.

Bigla na naman akong nakaramdam ng galit sa aking sarili dahil wala akong nagawa para tulungan ang anak ko na wala namang kinalaman sa mga transakyson ni Greg. Malaman ko Lang na pinahihirapan siya dun, babawiin ko talaga siya ng sapilitan. Ang ipinangangamba ko Lang ay ang kanyang kalagayan.. dahil sa nagtatago lamang siya bilang isang PAnget na babae.. At nanGangamba akong mapahamak siya at manyakin na naman siya ng mga masasama ang kaluluwa.

" Anong Plano mo Cynthia? Pupunta ka sa bahay ni Don Alfonso?" Alam ko na ang plinaplano niya, ihahatid niya dun ang Naiwan gamit ni Taliya.

" Malamang Albert, mukhang walang balak si Don Alfonso na magkaroon tayo ng koneksyon sa anak natin, kawawa naman ang anak natin Kung lilimitahan siya sa kanyang pagkain at pangangailangan."

Tama nga naman ang aking asawa, para kahit papaano ay mabawasan ang pag aalala namin sa kanya.

Nang makababa si manang saling ay agad kaming umalis ng bahay, nag bilin na rin ako sa katulong na huwag magpapasokng Kung sino sa bagay at baka Isa itong mamatay Tao o kawatan.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now