Chapter 4

207 5 0
                                    

Napagtanto ko lang na hindi nga pala ako attractive sa paningin ng lalaking ito. Hindi ako kaakit akit para makuha ang atensiyon. Para sa kanila para akong isang basahan na tinatapak tapakan lang. Hindi na yata pantay ang trato ng tao ngayon, kung sino ang maganda iyon ang titingalain nila kaso ang kaakibat din ay ang pag walang respeto bilang isang babae, babastusin ka at pagnanasaan dahil iyon ang pananaw ko kung bakit ako nag tatago. Pero kahit nag tago man ako sa ibang katauhan ay habulin pa rin ako ng malas, lagi akong kinukutya at parang ang tingin sa akin ay walang silbi. Hindi pang display sa kung saang sulok. Katulad ngayon may naka harap akong babae na akala mo nag bebenta ng laman sa eskinita. Maganda nga pero hindi naman marunong mag pahalaga sa sarili.

Nakikita ko pa lang sa vision ko, mahilig maghanap ng gulo si Gregory. Mahilig mag eskandalo para mapansin. Pero mali naman yata ang ginawa niya sa akin. Ang ginawa niya ay isang kabastusan. Tapos to the rescue ang jowa niya, mapagkumbaba naman. Ito pa ang humingi ng sorry? Sana lahat ng boyfriend katulad niya, sasaluhin lahat ang katigasan ng syota kahit mali na ang ginagawa. Kaya ang kalabasan lumalaki ang ulo dahil hinahayaan na lang dahil alam nito na may sasalo kapag natisud siya.

" Ako na po ang nagpapaumanhin sa nobya ko kung ano man ang nagawa ng girlfriend ko sa anak niyo, " ulit na namang paumanhin ng lalaki na sa boses ang malamig na tinig.

Napaka pormal ng lalaki mag salita, kahit ganun na ang ugali ng syota ay napaka kalmado pa rin.

Napansin kong ngumisi ng bahagya ang babae. Yung tipong nasisiyahan dahil ipinagtanggol ng boyfriend sa ginawa niya.

Pero nanindigan si mommy at hindi tinanggap ang sorry ng lalaki. Bakit nga ba siya ang hihingi ng paumanhin kung ang gf niya ang may kasalanan. Dapat binibigyan ng leksyon ang mga ganitong babae.

" Bakit ikaw , iho? Ikaw ba ang may kasalanan sa anak ko? Huwag mong pagtakpan at kunsintihin ang ugali ng syota mo. Alam mo bang nakakabastos ang ugali niya. Kaya ganyan iyan eh hinahayaan mo kung ano ang gusto niyang gawin. Lumalaki ang ulo niya kasi may sumasalo lagi sa pagkakamali niya, na intindihin mo ba ako? " dinuro pa ni mommy, nag cross arm lang si Gregory.

Akala mo kung sino umasta. Mabuti kung may ipagyayabang naman sana pero parang wala naman.

Umiwas ang babae ng tingin at sumimangot.

" Hindi ako hihingi ng sorry sa panget mong anak, ano bang sinabi ko na masama wala naman diba? Totoo naman ang sinabi ko, kasalanan niya iyan masyado kasi siyang tatanga tanga sa daan. Malay ko bang nakikipag karerahan siya sa mga paa niya," balang balang na itinugon nito.

Nag tawanan naman ang mga tao. Medyo nasisiyahan sa eksena namin. Ganito talaga ang gusto nila gusto lagi may nagsasalpukan na manok.

Sa tono ng pananalita niya ay parang tinataasan nito ng boses ang ina ko at iyon ang hindi ko talaga nagustuhan ang pag sagot na parang tambay sa kalye.

" Don't you dare na pagsalitaan ng ganyan ang mommy ko. Ano ba ang tingin mo sa sarili mo akala mo maganda ka? Isa ka bang diyosa? Tumingin ka nga sa salamin at doon mo sabihin kung maganda ka ba talaga, para kang isang turon na binalot sa dahon ng saging!" pang aasar ko. Akala siguro nito uurungan ko siya. Akala mo nasa club nag tratrabaho sa ikli ba naman ng suot parang iluluwa na ang kaluluwa.

Hindi naman ito nag pagapi sa akin at itinuro pa ang sarili.

" Ako sinasabi mong turon ? Hellow! Inggit ka lang siguro. Eh kamusta ka naman? Alam mo ba na may kamukha ka, ang mukha mo parang pwet ng bunot. Kahit manalangin ka pa ng ilang ulit hindi na magbabago yang itsura mo except lang kung mag paparetoke ka, " at saka humalakhak ito. Alam mo iyon para itong nang iinis sa akin at nang uuyam.

Magsasalita pa sana ako kaso nga lang naunahan ako ng nobyo nito na mahilig makisali sa bangayan naming dalawa. Para itong epal na hindi naman kasali sa away namin. Kung sasali man ay mas pinapanigan pa nito ang syota.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now