Chapter 23

143 8 0
                                    

Dinala ako ng mayordomang ipinakilala sa akin ni Don Alfonso na si Maria sa pansamantala kong kwarto. Syempre sa basement pero hiwalay iyon sa mga katulong, may sarili akong kwarto na tulogan daw ito ng mga bisita, sa guest room kapag may idinadaos na okasyon. Ilang kwarto ang hindi okupado at ipinagamit sa akin ang Isa.

Masyadong strikta ang mayordomang matandang si Maria na Naka brace pa ang mga ipin. Matanda na pero parang hindi magpapahuli sa kaartihan sa linya ng mga kabataan sa ngayon.

Marami Siyang ibinigay na polisiya sa pamamahay na ito, Isa na diyan ay ang bawal ang tatamad tamad sa trabaho, Bawal mag tsismis, bawal pakialaman ang mga gamit at kapag makasalubong ang mga amo dapat yumuko ka bilang pag respeto.

Habang nagsasalita siya ay para naman akong maliligo sa sarili kong pawis dahil sa pagkatamad na makinig sa kanya.

Bakit ba kailangan kong makinig at sumunod. May magagawa ba sila Kung ayaw kong sumunod. Wala dapat ako sa ganitong sitwasyon hindi ako sanay masyado sa ganitong trabaho. Sa trabaho ng mga katulong.

Bakit ganito ang nangyayari sa akin, minamalas yata ako sa taong ito ns year of the pig. Alam kong alam ng mayordoma kung bakit nandito ako, sinabi din sa kanya ni Don Alfonso na walang ibinigay na special treatment sa mga kagaya ko.

Bahala na ang mayordomang mag disiplina sa akin, natitiis talaga ng Don na ako ay pahirapan.

Nakalimutan na yata niya na nangako siya sa parent ko na magiging okey ako sa poder niya pero piling ko parang hindi iyon mangyayari.

Inilagay niya ang trabaho ko sa mini library para magtrapo ng mga alikabok at panatilihing nakasalansan ang mga libro, panatilihin ang kalinisan ng sahig dapat laging makinang at makintab. Sa oras ng pagkain dapat nandoon lahat sa kusina.

Akala ko sabay kakain pero hindi, mauuna ang mga amo bago kami, tutulong ako sa pag huhugas ng pinggan at pag lalampaso ng sahig kapag gabi.

Habang nag sasalita siya ay naiisip ko agad kung kaya ko ba ang mga gawaing ibinigay niya? Piling ko hindi kasi ang dami at ang hirap para sa akin ang ganito.

" Bat ang dami ng ipinapagawa no saakin, manang Maria?" reklamo ko sa kanya, unfair naman kasi iyon sa akin kasi parang all around na. Yung Ibang trabaho hindi na sakop ng trabaho ko bilang taga pag silbi.

" Bakit ka nag rereklamo? Huwag kang mag reklamo Kung ayaw mong gutumin ka dito. Bawal ang tamad, " singhal niya saakin. Nakabusangot agad ang mukha.

" Gusto ko ng umuwi,!" para akong batang nagmamaktol.

Medyo natawa naman ito pero nag taray ulit.

" Eh di umuwi ka Kung makakauwi ka, ikaw naman may hawak sa buhay mo," parang hinahamon pa ako ni Maria. Ang taray talaga akala mo may kagandahan.

Matapos niyang mag bahagi ng mga ditalye ay ibinigay kaagad niya saakin ang aking uniporme. Walang pahinga pahinga sa mga baguhang tulad ko, duty agad kahit na hindi ko PA masyadong Alam ang ibang kasulok sulokan ng mansyong ito.

Nasa kwarto ako at isinukat iyon. Palda iyon at walang manggas ang pang itaas nito parang sa mga korean style ang uniporme na may kasama pang cap sa ulo.

" OH, magbihis ka na, heto uniporme mo," sabay hagis ng Naka plastik na agad ko namang nasalo. " Babalikan Kita pagkatapos," at isinarado uli ang Pintuan.

Nang makita ko ang itsura ay tinitigan ko talagang maigi yun. Napatampal ako sa noo.

" Bakit ganito ang ipapasuot saakin? sakto pa sa katawan ko hindi ba nag isip si Don Alfonso na hindi ako nagsusuot ng ganito kapag sa ibang tao na ako naka harap. Dapat maluwang na damit, " reklamo ko sa sarili.

Ang minuto Lang ang nakalipas at binalikan ako ni Maria sa loob ng kwarto. Nagtaka ito Kung bakit hindi pa ako nakaayus.

" OH, bakit hindi mo pa suot iyan Taliya. Bilisan mo at darating na sina Donya Esmeralda at si sir Justine dito daw mag di dinner ang panganay Nila, " pagalit nitong utos sa akin. " Mag bibihis ka lang naman ang bagal ko pa,"

" Ayaw kong magsuot ng ganyan, " reklamo ko pa sa kanya kaya lalo siyang nainis saakin.

" Ang arte mo naman ano bang akala mo sa sarili mo, aarte ka sana kung maganda ka eh hindi naman. Pahiya hiya kapa," susubukan niyang ipasuot sa akin ngunit tinabig ko Lang iyon.

" Hindi ako kagaya mo, hindi ako katulong. At kung mag bibigay ka sa akin ng uniporme yung maluwang sana gusto ko yung pants hindi palda at gusto ko mahaba ang manggas,"

Natawa ito sa inasal ko." Alam ko namang hindi ka katulong pero ngayon katulong ka na may magagawa ka ba Kay Don Alfonso, sige lumayas ka at ipahahabol ka niya sa aso. Akala ko kung ano ang nirereklamo mo. Hindi ka naman agad kasi nagsabi na iba palang taste ng damit ang gusto mo, Panget to, " patuya niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa." Hintayin mo ako saglit at kukuhaan kita ng hinihingi mo, " Sabay talikod at mabilis ng lumabas ng silid.

Pagkaalis niya ay agad naman akong nag ayos ng mukha. Inayos ko lang ng konti para hindi halata. Lip bloss lang ang ginamit ko. Kailangang maging maingat ako sa ngayon mahirap ng mabuking. Ilang sandali pa ay bumalik na si Maria na nagmamadali.

" Bilisan mo ng mag palit, nandiyan na sila. Kailangang naka hilera tayo kasi nandiyan ang anak ni Don Alfonso na si sir Justine. Pero kapag wala naman ito hindi naman kami gumaganyan dito. Yukuan mo lang kapag makasalubong mo, " paalala niya sa akin na tinanguan ko naman.

Ipinalabas ko na siya bago nag bihis. Mabuti na ang ganitong kasuotan hindi ako mag iisip ng kung ano at magiging komportable ako habang nagsisilbi ako dito.

Nasa malawak kaming sala lahat na nakahilera. Nandiyan din si Don Alfonso na nag hihintay sa mag ina niya nasa gilid ko siya naka abang, akala mo special ang mga bisita eh nandito lang din naman nakatira. Akala mo matagal ng hindi nakauwi at may pa welcome pa.

Umayos ako ng tindig inilibot ko ang aking mga mata sa paligid ng mansyon. Sa sobrang likot ng mata ko ay may bigla akong nahagip na familiar na mukha sa family picture sa bandang kanan ko, naka portrait iyon na naka kwadrado, tinitigan kong maigi ang lalaking nasa litrato na katabi ng asawa ni Don Alfonso hindi ako nagkakamali siya iyon ang naka away ko kagabi. Oo, apat sila at dalawa ang anak na lalaki ng matanda. Katabi ni Don Alfonso ang isa pa sa tingin ko ay bunso nito.

Biglang ginapang ng kaba ang buo kong pagkatao hindi ko alam pero bigla akong pinag pawisan. Nasa teritoryo pala ako ng kaaway ko, sari sari ang naiisip ko.. Hindi Kaya ako ang kinuha ni Don Alfonso para makaganti sa ginawa ko sa anak niya? Ito na ba ang katapusan ko, pero hindi naman siguro, Dinala ako dito dahil sa walang kwentang utang at hindi ang ipain sa lalaking nasa kwadro. Alam kong walang alam si Don Alfonso sa bangayan naming dalawa ng anak niya, kailangang hindi ako magpahalata.

Hindi ko Alam pero parang dito na ba ako mamatay??? Ano na ang gagawin ko ngayon. Bakit naging anak pa ni Don Alfonso ang kumag na ito.

Bakit sa ganito pang sitwasyon, si Don Alfonso Lang ang nakakaalam sa totoo kong pagkatao, at wala ng iba pa. Kaya dapat makaalis ako sa lalong madaling panahon bago PA mahuli ang lahat.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now