Chapter 33

150 5 0
                                    

TALIYA'S POV

It's already 4 pm na pero heto ako at parang isang ibon na naka kulong sa loob ng kulungan. I don't know Kung anong kapalaran ko pero nakikita ko sa peripheral vision ko na hanggang dito na Lang yata ang papel ko sa mundo. Pasulyap sulyap ako sa labas ng bintana pero wala akong makitang dumadaang sasakyan sa unahan. Parang malayo yata ang main road. Ang bahay kasi ni Mokong ay papasok na napapalibutan ng mga punong kahoy. Kung aalis ako kailangan ko pang mag lakad ng ilang minuto.

Dahil sa boring ako ay napagpasyahan ko na lang lumabas ng bahay. Hanggang bahay Lang kasi nakakandado ang gate. Nag walis walis saglit at naglibot libot sa kabuuan ng bahay. Hanggang sa likod ako mapunta. Hindi manlang nila sinabing may swimming pool pala dito. Hanggang kwarto at kusina Lang kasi ang ginagawa ko sa ilang araw na pananatili ko dito.

Bigla akong napaisip, piling ko gagabihin din naman ng uwi si Justine. Kaya napagpasyahan ko ng maligo. Na miss ko rin yung paliguan namin sa bahay. Biglang pumasok sa isip ko ang mga magulang ko biglang nalungkot ang mukha ko at nakaramdam ng pagka miss sa kanila. Kamusta na Kaya sila? Bigla na Lang tumulo ang luha ko na hindi ko namamalayan.

Pinahid ko ang mga luha ko at pumasok saglit sa bahay at para kunin ang tuwalya. Hindi na ako mukhang aswang, my true identity na, hindi ako maliligo na naka mascot. Nag short at sando na Lang ako.

Inilubog ko ang katawan ko sa tubig, medyo gumaan ang pakiramdam ko ng mga oras na iyon. Na miss ko rin ang pabalikbalik na parang isda sa ilalim ng tubig.

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng busina mula sa harap ng bahay. Bigla akong naalarma, dali dali akong lumusong sa tubig at binalot ng tuwalya ang aking mukha at katawan. Sinilip ko Kung sino ang Dumating at medyo naginhawaan ako ng mapagsino ko Kung sino si Don Alfonso lang pala. Sa ganitong oras ay bumisita pa siya kasama niya ulit ang asawa niya. Paano ko mabubuksan ang gate wala akong susi. Nagulat na Lang ako ng bumukas iyon ng dahan dahan. At pumasok ang mag asawa at nakita ako sa ganung ayos. Hindi na ako nagtaka Kung Alam nila ang pasikot sikot sa bahay na ito, anak nila ang may ari eh.

Medyo natigil muna ang dalawa lalo na si Madam Esmeralda. Pagkatapos ay ngumiti ng bahagya sa akin.

" K-kayo po Pala Don Alfonso at Madam Esmeralda. Wala pa po dito si Sir Justine," Sabi ko na Lang na medyo nahiya.

" Pasensya ka na iha, Nagulat ka yata namin. Mukhang galing ka sa pag Ligo, at hindi naman si Justine ang ipinunta namin dito, ikaw. " Saad ng ginang.

" O-opo nakita ko kasing may pool sa likod bahay, may kailangan po ba kayo?" medyo hindi ako mapakali sa pag titig ni Esmeralda. Balot kasi ang mukha ko at mata Lang nakikita.

" Mag bihis ka muna iha, at may ibibigay sa iyo si Alfonso at Gusto kong yayain ka na lumabas para kumain," diretsahang sagot ni esmeralda.

Tumango Lang si Don Alfonso ng tingnan ko ito. Dali dali naman akong pumasok ng bahay at umakyat na ng kwarto.

Napaisip ako sa sinabi ni donya Esmeralda, yayain niya akong kumain sa labas sa ganitong itsura ang kasama niya?

Naghanap ako ng maisusuot at wala talagang matinong damit sa aking closet. Diba nga jologs ka so dapat maintindihan nila Yung postura mo. Nasabi ko sa sarili ko Kaya humugot ako ng Kung ano ang mahawakan ko at iyon ang isinuot ko, pagkatapos ay inayos ko na rin ang aking sarili bilang PAnget na babae. Sana kanina hindi nahalata ni donya Esmeralda. Muntikan na talaga akong mahuli.

Pagbaba ko ng kwarto ay nakita kong nakaabang na sa akin ang dalawa. Hindi ko mabasa sa utak ng babae Kung anong iniisip niya basta nakangiti lang siya saakin.

The Nerd Secrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon