Chapter 29

171 7 0
                                    

Nakarating kami sa bahay niya na wala namang nangyaring masama. Lumabas siya ng kotse niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Hindi niya ako pinag buksan at tulungang hakutin ang aking mga gamit para dalhin sa loob ng tahanan niya. Wala siyang pakialam sa akin kaya binabaliwala niya ako. Dire diretso itong pumasok sa bahay niya na parang hindi ako welcome sa kanyang tahanan.

Mag isa kong hinakot ang aking mga gamit palabas ng kotse saka binitbit iyon papasok sa bahay niya. Inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Malaki at maluwang ang sala kaso nga lang ang napansin ko ay masyadong walang ka buhay buhay ang paligid. Hinakbang ko ang aking mga paa sa tiles na sahig kaso nga lang pag dating ko sa loob sa may sala ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dun. Hindi niya ako ine entertain ng maayus. Mga trenta minutus din akong nag hintay na baba siya sa kwarto niya at sa mga sandaling iyon ay nakakaramdam na ako ng pagkainip kasabay ng pagkulog ng aking tiyan. Medyo nagugutom na ako dahil sa hindi pa ako nakakain ng agahan.

Naisipan kong iwan ang aking mga gamit sa sofa at hanapin ang kusina niya. Natagpuan ko naman iyon pero hindi ako handa na masilayan ang itsura ng komedor niya. It is so very mess as in talaga. Medyo nawalan ako ng ganang kumain. Bahay pa ba ito ng matinong tao? Parang mas maganda pang pamugaran ang bahay ng kalapati.

Napag pasyahan kong umalis na lang sa kusina pero bigla na namang kumulo ang tiyan ko. Nakita ko ang ref at walang paalinlangang binuksan ko iyon but then again very disappointed walang matinong pagkain dun kundi beer at ilang mga delata na lang at noodles. Walang kaarte arteng kinuha ko ang noodles at binuksan iyon. Ayaw ko mag stay sa kusina kaya dinala ko ang noodles na hindi luto sa sala. Well, masarap naman itong papakin maiibsan na nito ang aking gutom. Pantawid gutom sa kumukulo kong sikmura.

Habang kumakain ay hindi ko napansing bumaba siya. Bigla niyang hinablot ang kinakain ko at itinapon. Biglang nanulay sa ulo ko ang galit sa ginawa niya.

" Bakit mo itinapon ang kinakain ko, hindi mo ba alam na gutom na gutom na ako?" pasigaw ko na nanggigil sa kanya.

Hindi ba niya inisip na ilang oras akong naghintay sa kanya tapos ganito lang gagawin niya. Sasayangin lang yung pagkain.

" Kasalanan ko ba na gutom ka? At bakit mo pinapakialaman ang pagkain ko sa ref. Wala kang karapatang kumain o kumuha sa loob ng reef." wala siyang pakiramdam, wala siyang pakialam kung mamatay man ako sa gutom.

Ang sama sama ng ugali niya heto talaga ang kinatatakutan ko ang maging impyerno ang paninirahan ko dito. Dito na lang siguro ako mamatay, mamatay ako sa gutom at mamayat na parang kalabera na lang.

" Gutom na ako alam mo ba iyon? Hindi mo naman ako tinatanong kung ok ka lang ba? Ano gusto mo ba akong patayin sa gutom, huh? Kung wala kang pakialam sa akin uuwi na lang ako sa amin." sunod sunod ang pagrereklamo ko sa kanya. Hindi ko maasiwa ang tumira dito para pag silbihan ang ganitong klaseng amo. Gusto ko pang mabuhay ng matagal at mag enjoy kasama ang aking mga mahal sa buhay.

" Eh di umuwi ka, pakialam ko sa iyo. Hindi kita obligasyong pakainin at patirahin dito sa pamamahay ko. You know why umiinit ang dugo ko sa iyo!"

Halos mabingi ako sa sigaw niya, halos magkatitigan kaming dalawa kung sino ang mas matapang sa aming dalawa. Mababakas sa mukha niya ang pagka disgusto sa akin kahit tratuhin man lang niya ako ng maayus biglang isang babae pero hindi ko iyon naranasan sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang katindi ang galit niya sa akin na wala naman akong masamang ginawa sa kanya. Sa maikling panahon na kami ay nagkita akala mo malaking kasalanan ang nagawa ko.

Hinawakan ko ng mahigpit ang laylayan ng aking damit na nakakuyom. Pinipigilang sumabog ang kinikimkim na galit at masampal ito.

Bumuntong hininga ako. " May sinabi ba akong may pakialam ka sa akin? Wala. Malas ko lang na nakilala kita at mas lalong ayaw ko mag paalipin sa isang tulad mo. Hindi ko pinangarap ang maging taga pagsilbi lalo na sa isang burarang katulad mo!" pamukha ko sa kanya. Sinabi ko talaga ang mga bagay kung anong meron siya na inaayawan ng ilang mga babae. Pero ako lang siguro ang na tuturn off sa kanya dahil wala namang babae ang umaayaw sa kanya sa kabila ng hindi ito marunong maging komportable sa loob ng bahay.

The Nerd Secrets Where stories live. Discover now