Chapter 6 : Voice

Start from the beginning
                                    

Nilagay kami ni Lily sa mga paa niya at lumipad siya papunta sa lake—at nilaglag niya kami. Dahil medyo mataas ang pinanggalingan namin ay nahirapan akong umangat sa tubig. Buti na lang at tinulungan kami ng mga aquainas at pag-ahon ko ay hingal na hingal ako. Pero after that ay unti-unti namang gumagaan ang pakiramdam ko at...

Oh no. Dapat hindi ko binababa ang guard ko! Baka pagkaisahan na naman kami ng aquainas at patulugin kami rito habang nagpapagaling.

"Rei..." Pag-ahon na pag-ahon ko ay tumambad kaagad sa akin ang pagmumukha ni Lexi. "Gisingin mo ako kapag nakatulog ako. Hindi ko na kaya."

"A-ako rin..."

***

"Es freit mich sie, ich han liip! Mwe kontan fe konesana siz menen ku zibana!"

 

Parang biglang hinugot lahat ng lakas sa katawan ko at nagblur ang paningin ko. Habang hawak-hawak ko ang wooden tablet ay nagliwanag iyon at may nabuong word pero hindi ko na mabasa. Pagtingin ko sa harapan ko, naggagather ang spirit particles pero wala akong makitang form. Sobrang liwanag lang at mas lalong lumalabo ang paningin ko.

I can't summon this guardian.

"Reika, you can do it."

"She's yours now."

Bigla kong nakita sina Mama at Papa sa gitna ng liwanag sa harapan ko at nakangiti sila sa akin. Hindi ko na marinig ang iba pa nilang sinasabi dahil sa pagod. Naramdaman ko na lang na tumutulo na pala ang luha ko dahil miss na miss ko na sila. Gusto ko silang yakapin pero hindi na ako makagalaw at kinukuha ng guardian ang lakas ko.

"Mama...Papa..."

"Oh my God, Reika!" Narinig ko ang sigaw ni Tita Aina pero nagdilim na ang paningin ko at naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa. Pero bago ako tuluyang mapapikit ay may nakita akong babae na nakatingin sa akin.

"S-sino ka?" tanong ko at nginitian niya ako.

"Hindi pa ito ang tamang panahon."

After that, nagdilim na nang tuluyan ang paligid ko.

***

Napahinga ako nang malalim at bumangon ako kaagad. Hingal na hingal ako habang nakahawak nang mahigpit sa kumot ko.

Panaginip lang pala.

Kinalma ko ang sarili ko at naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko. Matagal na bago ko napanaginipan 'yun at ngayon ay nauulit na naman. Pero dati ay wala namang nag-appear na babae sa panaginip ko at maging doon sa totoong nangyari. Bakit ngayon ay meron? At sino 'yun?

Narealize ko naman bigla na nasa kwarto na kami at natutulog si Lexi sa kabilang kama. Ang huli kong natatandaan ay nilaglag kami ni Lily sa lake at...

Oh great. Nakatulog na naman kami. Ang hilig talagang mantrip ng mga aquainas na 'yun.

Tumayo ako at tumingin sa orasan. Alas-tres pa lang ng umaga pero ayoko nang matulog dahil natatakot akong mapanaginipan na naman 'yun. Dahan-dahan akong lumabas sa kwarto at nagdire-diretso ako hanggang makalabas ng bahay.

Sobrang dilim pa ng paligid pero parang naggoglow 'yung lake dahil sa moon and stars. Hindi naman ako takot maglakad sa madaling-araw dahil gawain ko rin 'to nung nasa baryo pa kami. Naglakad ako papuntang lake at kalmado ang mga aquainas ngayon. Mukhang hindi nila ako napansin kaya umupo na lang ako sa tabi at tumingin sa langit.

Bigla na lang tumulo ang luha ko dahil naalala ko sina Mama at Papa. Kahit matagal na nung namatay sila ay parang kahapon lang nangyari. Lagi kong naaalala ang huling beses na nakita ko sila. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanila lahat ng gusto kong sabihin. Siguro kaya ayoko ring tumira kina Lexi ay dahil naiinggit ako sa kanya. Kasama niya pa ang Mama at Papa niya, samantalang ako, wala na.

"You miss them?"

Nagulat naman ako nung bigla kong narinig ang boses ni Master kaya napalingon ako. Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko. Pinunasan ko kaagad ang luha ko at tumingin na lang sa mga aquainas. Hindi rin nagsasalita si Master kaya tahimik lang kaming dalawa. Pero after some time ay nagsalita rin siya.

"Hindi ko talaga akalaing may anak sila," sabay tingin niya sa akin. "Now I know kung bakit nawala ng isang taon si Kass dati. Ang sabi ni Ramon, may mahirap na mission daw na ibinigay ang Divine General kay Kass kaya naniwala ako. 'Yun pala ay dahil sa dinadala ka niya."

Napatingin ako kay Master at hindi ko alam kung ano ang dapat kong i-react. Oo, nalulungkot ako dahil hindi man lang sinabi nina Mama at Papa ang tungkol sa akin. Kaya rin pala ayaw nila akong isama kapag pumupunta sila sa Capital dati. Pero ayoko namang mag-isip ng masama sa kanila. Siguro naman ay may rason sila kung bakit nila itinago ang tungkol sa akin.

"I really respect them. Sila pati na si Leon ang tumulong sa akin at marami akong natutunan sa kanila. I hope you and Lexi will follow their footsteps." After sabihin 'yun ni Master ay ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ako sa ulo. Sinundan ko siya ng tingin mula sa pagtayo niya hanggang sa pagpasok niya sa bahay.

Napangiti na lang ako mag-isa at huminga ako nang malalim. Tumayo ako at napagdesisyunan kong magtraining na lang dahil hindi na ako makakatulog nito.

"Carlos, sal-ve!"

Nagform si Carlos sa harapan ko at nagroar siya. Lumapit siya sa akin at sumakay ako sa likod niya. Nakakatuwa lang dahil nakokontrol ko na siya nang maayos. Dati kasi ay natatakot ako sa kanya kaya minsan ko lang siya gamitin. Pero sabi ni Master, para makilala kami ng guardian namin at magkaroon ng connection ay dapat lagi namin silang sinasummon.

Tumakbo si Carlos paikot sa lake at napahawak ako sa katawan niya dahil sa sobrang bilis niya. Ang sakit pa sa mukha dahil tumatama sa akin ang malamig na hangin. Sinubukan kong idilat ang isang mata ko pero napapikit din kaagad ako dahil ang hapdi sa pakiramdam.

"Slow down! Slow down, Carlos!"

Mukhang naintindihan niya naman 'yun at binagalan niya nang kaunti ang pagtakbo niya. Bumitaw ako mula sa pagkakahawak at tinignan ko ang lake. Mukhang nabother ang ibang aquainas sa pagtakbo ni Carlos kaya nakatingin sila sa amin ngayon at sinusundan kami sa gilid ng lake. Pero bigla na lang silang lumangoy palayo at pumunta doon sa kabilang side. Naramdaman ko rin ang vibration ng lungs ni Carlos at para siyang galit. Huminto siya sa pagtakbo at tumingin sa gilid kaya napatingin din ako.

"Umalis na kayo rito."

Nagulat naman ako nung may narinig akong boses ng babae. Tinignan ko ang buong paligid pero wala naman akong nakitang tao, pero dahil siguro madilim pa.

Bigla namang nagroar si Carlos at tinignan ko ulit ang direksyon kung saan siya nakatingin. Napatigil ako sa paggalaw nung nakita ko ang dahilan ng pagroar ni Carlos at paglayo ng mga aquainas.

May isang crow na halos kasinlaki ni Charlie ang nakatingin sa direksyon namin at pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari.


***

Guardians | Self-Published under TaralikhaWhere stories live. Discover now