| chapter 28 : pixelated conclusions |

Start from the beginning
                                    

- anonymous


Napakunot ang noo ni Comby dahil sa nabasa ngunit sa kabilang banda ay para bang may ideya na ito kung sino ang nagpadala ng sulat sa kanilang portal.

Naniniwala siyang isa lamang ito sa kasalukuyang batch ng Project Betterment, na madalas hindi naiintindihan ng mga kasamahan lalo pa't may ipinapakita itong mga kilos at pag-uugali na marahil ay hindi nagugustuhan ng karamihan.

Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay muling ibinalik ni Comby ang atensyon sa mga papel na nasa harapan niya. Napansin niya ang kasunod na dokumentong gaya ng una niyang nabasa ay naglalaman ng screenshot letter. Sa notes application ng isang smartphone nakasulat ang liham.


📌

These past few days, I feel like hindi ko na makilala ang sarili ko. Pakiramdam ko, may kung anong demonyo ang naninirahan sa katawan ko dahil palagi na lang akong nakagagawa ng mga bagay na hindi ko inakalang magagawa ko.

And I somehow think that it might be the reason why I don't have friends. Though, alam ko naman na maayos ang pakikitungo ko sa ibang tao because I am aware of what they may feel kung magiging masamang tao ako para sa kanila, but I also feel like there's a stranger inside me and it's a total opposite of what I really am. Para akong may another personality sa katawan. It seems to be slowly consuming me.

Ayoko sanang isipin pero . . . what if buntis pala ako? May nabasa kasi ako somewhere na minsang nangyayari ang mga ganitong bagay kapag buntis ang isang babae. I mean, I won't deny that I recently had sex.


Nang mabasa ang huling talata mula sa sulat ay tila ba naging malinaw na kay Comby kung sino ang taong nagpadala ng liham. Hindi man siya sigurado sa mga agam-agam, malakas ang kutob niya sa taong iyon.

"Prezy . . ."

Agad na inayos ni Comby ang mga papeles na nasa harapan ng lamesa nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng headquarters. Walang pakundang pumasok ang kumakamot pa sa ulong si Prezy.

Dali-dali namang itinabi ni Comby ang mga papel na kanina pa niyang binabasa.

"Ano na naman bang kailangan niyo sa 'kin? Nanggaling na ako dito kanina, hindi ba? Nakausap naman na kita. Ano na naman ba 'to, Comby?" bungad ni Prezy nang makalapit sa kinaroroonan ng lamesa ni Comby.

Napabuntong-hininga naman ang binata at inihanda ang sarili sa maaaring ikilos ni Prezy lalo na't nasaksihan niya kung papaano ito naging agresibo kanina.

"Hindi ako ang may kailangan sa 'yo, Prezy. Hinahanap ka kanina ni Sir Reynald para makausap tungkol sa mga pinaggagawa mo nitong mga nakaraan. Ano ba kasing problema? Bakit mo tinangkang maglaslas sa girls' restroom? Bakit mo inubos lahat ng mga natirang alak noong nagkaroon tayo ng celebration party? Bakit mo inilihim sa amin ang tungkol sa pagdadalawang-tao mo? At bakit mo sinaktan ang roommate mo na si Quinee? Magsabi ka nga, Prezy. Ano ba talaga ang problema?" sunod-sunod na tanong ni Comby na saka lamang nakahinga nang matapos itong magsalita.

"Hanggang ngayon ba pagbibintangan mo pa rin ako sa mga bagay na hindi ko ginagawa?" Naningkit ang mga mata ni Prezy. Pinipigilan niya ang sarili na magalit pero sadyang hindi kaya ng pasensya niya ang panggigiit sa kaniya ni Comby.

"Hindi kita pinagbibintangan, Prezy. Tinatanong kita kasi gusto kitang maintindihan. Bakit ba pilit mo pang itinatanggi ang mga ginawa mo kahit pa ang lahat ng ebidensya ay ikaw ang itinuturo?"

"Dahil nagsasabi ako nang totoo. Hindi ko magagawa ang mga inaakusa niyo sa akin. I'm scared to death, so why would I try to hurt myself?" muling depensa ni Prezy sa kaniyang sarili.

Escaping Paralysis (Completed)Where stories live. Discover now