| chapter 28 : pixelated conclusions |

14 1 0
                                    

| chapter 28 : pixelated conclusions |

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

| chapter 28 : pixelated conclusions |

THIRD PERSON'S POV


NAIWANG mag-isa sa loob ng opisina ang balisa pa ring si Comby. Halos nagsi-uwian na sa kani-kanilang mga silid ang kaniyang mga kasamahang committee sa headquarters habang siya nama'y natutulala pa rin at tila walang balak na magpahinga.

Nakapatong sa lamesa niya ang iba't ibang folders na naglalaman ng mga dokumento at mahahalagang impormasyon tungkol sa bawat isang kabataang bahagi ng kasalukuyang batch ng Project Betterment. Halos ilang araw nang iginugugol ni Comby ang oras at atensyon sa pangangalap ng impormasyon ngunit tila magpahanggang ngayon ay may mga tanong pa rin siya sa isipan na nangangailangan ng kasagutan.

Malalim na ang gabi ngunit parang wala pa ring ideya si Comby sa oras dahil sa pagkaabala. Muli, tinitigan niya ang mga folders at isa-isa na naman itong binuklat.

Unang bumungad sa kaniya ang folder na naglalaman ng lahat ng impormasyon patungkol kay Vladmir. Sa lahat ng kabataang kasamahan ng binata, higit na mas binibigyan ng atensyon ni Comby ang kalagayan ni Vladmir lalo pa't alam niya kung ano ang kinakaharap nito.

Ayon sa mga impormasyong kaniyang nabasa, kamakailan lamang nang nasuri ang tungkol sa problema ni Vladmir. Hindi pa man ito gaano kalala, subalit may mga sintomas na itong ipinapakita at kahit si Comby ay saksi rito.

Isa-isa niya pang tiningnan ang mga papel hanggang sa bumungad sa kaniya ang isang form na sinagutan ni Vladmir, ilang buwan ang nakararaan. Ito ang nagsilbing registration ni Vladmir upang makapasok sa programa.

Sinusuri ng KAPWA-taan Youth Club ang bawat forms, mga sent emails na naglalaman ng mga iba't ibang mensahe, at maging ang mga multimedia files gaya ng video, audio clip at mga larawan na maaaring makapagsabi na ang isang kabataan ay may kinahaharap na isyu sa mental nitong kalusugan. Matapos dumaan sa pagsusuri at mapag-alamang may problema nga ang isang tao, padadalhan nila ito ng mensahe sa kanilang email bilang imbitasyon.

Sa kaso ni Vladmir, mayroon itong sinagutang form sa website ng KYC na siyang nagbigay kaalaman sa organisasyon tungkol sa pinagdaraanan ni Vladmir.

Tiningnan pang muli ni Vladmir ang mga papeles hanggang sa may mapansin siyang nakaipit sa isa sa mga folder. Walang nakalagay na pagkakakilanlan dokumentong kaniyang nakita ngunit kaagad na napukaw ang atensyon niya nang mabasa ang unang pangungusap mula sa sulat.


📌

I was diagnosed with Borderline Personality Disorder. They say that it is a mental health disorder that affects how you think and feels about yourself and others, causing difficulties in daily functioning. This might be the reason why people around me call me "baliw". Well, I really don't care about what others think of me. I just can't control my own emotions and I always end up defending myself aggressively, which I believe is a result of my anger management issues.

Escaping Paralysis (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon